Farewell sa kaibigan at mga taong napamahal sayo ay talagang nakakalungkot, pero kailangang tanggapin na hindi lahat ng panahon ay makakasama mo ang taong minamahal mo.
Ilang months ding nagkaka text at chat sina Serene at Adonis, bagamat may gusto parin si Serene sa kaibigan ay hindi na kasinlalim ng pagtingin nya nuon. Hanggang isang gabi ay nagkausap sila ng cellphone.
"Hi Adonis, pasensya na hindi ko nasasagot yung tawag mo kanina, busy kasi ako sa pag lilinis ng bahay" wika ni Serene kay Adonis.
"Okay lang yun, ang mahalaga nakausap kita." Sagot ni Adonis.
"Haay, nakakapagod talaga mag linis ng bahay, grabe tagaktak pawis ko, nalusaw mga taba ko sa braso" biro ni Serene.
"Eto naman, hindi ka naman mataba, chubby lang okay? Tama lang yang katawan mo, hindi mataba hindi mapayat," Wika ni Adonis.
"Ay, Adonis, kumusta nga pala yung business na pinasok mo?" tanong ni Serene.
"Hahah!, grabe Serene mabenta yung negosyo ko lalo na sa mga Lovers" Pag mamalaki ni Adonis.
"Buti naman at successful yung business nyo nila Eugene at Raph" wika ni Serene.
"Pag samahin ba naman ang Utak ni Raph, Lakas ng loob ni Eugene at Diskarte ko" sagot ni Adonis. "Nga pala, na miss kita"
Nabigla si Serene sa sinabi ni Adonis. "Ha?" tanong niya.
"Na miss kita igala" sagot ni Adonis. "Miss ko yung katakawan mo, lahat nakaka miss sayo"
"Ay katakawan talaga?, grabe ka ha" sagot ni Serene. "Na miss din kita"
"Talaga?" tanong ni Adonis.
"Oo, yung palagi mo ako inaangkas sa motor, yung mga games natin na kakaiba, yung tipong tayo lang ang nakaka relate" sagot ni Serene. "Yaan mo, Three Months nalang ikakasal na sina Tita Solen, mag kikita kita nanaman tayong anim, riot nanaman to sa pagitan nila Summer at Eugene."
"Oo nga kaso Serene may bad news ako sayo" wika ni Adonis.
"Ano yun?" tanong ni Serene.
"Nung umulan dito lumaki ulit yung ilog, natabunan yung nilibing natin, yung kubo kasi naanod ang palatandaan ko nalang yung puno kaso ang problema hindi ko na alam kung saan yung eksaktong lugar ng pinag baunan natin ng sulat." Paliwanag ni Adonis.
"Ee, Paano ko mababasa yung sulat mo sakin?" tanong ni Serene.
"Hahah! Mabuti nga yon para di mo na mabasa" sagot ni Adonis.
"Ang sama" wika ni Serene.
"Ahm, Serene, may itatanong ako sayo" wika ni Adonis.
"Ano yun?" tanong ni Serene.
"Paano kung-" Biglang nahiya si Adonis. "Wag na lang"
"Ano nga kasi yun?" tanong ni Serene.
"Promise mo hindi ka magagalit" wika ni Adonis.
"Depende sa sasabihin mo." Sagot ni Serene "Ano ba kasi yun?"
"Wag na lang" wika ni Adonis.
"Mas magagalit ako kung may nililihim ka sa akin" wika ni Serene.
"Paano kung malaman mong may gusto ako sayo anong gagawin mo?" tanong ni Adonis. Biglang kinabahan si Serene sa narinig nya. May gusto sya kay Adonis pero, kung mag sesecond level sila natatakot sya paano kung mag break sila, paano yung trust at friendship na ibinigay nya kay Adonis, Masasayang lang, back to strangers?
"May gusto ka ba sa akin?" Tanong ni Serene. Biglang sumeryoso ang tono ng dalaga.
"Ano munang gagawin mo kung malaman mo?" tanong ni Adonis na sumeryoso din ang tono ng boses.
"Kung Mahal kita, matutuwa ako baka mag tititili pa ako habang kausap ka" sagot ni Serene.
"Mahal mo ba ako?" tanong ni Adonis. Natigilan si Serene
"Ayoko ng gantong usapan." Wika ni Serene.
"Mahal kita" sagot ni Adonis.
"Nag bibiro ka ba?" tanong ni Serene.
"Seryoso ako" sagot ni Adonis.
"Ayoko ng ganyang biro Adonis." Naiinis na wika ni Serene.
"Hindi ako nag bibiro Serene, Mahal kita" sagot ni Adonis.
"Pag ipinilit mo pa yang sinasabi mo bababaan kita ng tawag at hindi na kita kakausapin, kahit kailan" wika ni Serene. Nag buntong hininga si Adonis.
"Okay, sorry na binibiro lang kita." Wika ni Adonis.
"Sigurado kang nag bibiro ka lang?" tanong ni Serene.
"Joke lang yun, di mo kasi sinasagot tawag ko kanina kaya naisip kong biruin ka ng ganon." Paliwanag ni Adonis pero ang totoo, gusto nyang malaman kung mahal talaga sya ni Serene.
"Ang lakas mo mang trip no? akala ko kasi totoo na, magagalit sana ako sayo eh" wika ni Serene.
"Bakit naman? Pasalamat ka nga may nag mamahal sayo." Wika ni Adonis.
"Kaibigan kasi kita, tapos bigla bigla sasabihin mo mahal mo ako? Edi iisipin ko bantay saJal ka sa akin." Wika ni Serene.
"Mahal kita pero kaibigan lang" sagot ni Adonis. "Sige Serene, napagod kasi ako sa trabaho kanina, matutulog na ako."
"Okay, Adonis!" pahabol na tawag ni Serene.
"Hhmm?" tanong ni Adonis.
"Mahal din kita," sagot ni Serene, napangiti si Adonis. "I Love You Fire, my one and only boy na friend." Nawala ang ngiti ni Adonis sa narinig. 'One and Only boy na friend?
"I Love you too, fire" parang walang gana at mahinang wika ni Adonis at pinatay ang tawag sa cellphone.
![](https://img.wattpad.com/cover/206510579-288-k463686.jpg)
BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Novela Juvenil"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...