𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 12

30 2 0
                                    


Tik ti laok! Biglang iminulat ni Serene ang mata nya at tumingin sa oras ng cellphone.
"Wake-ky, wake-ky" bati ni Summer habang nag susklay ng buhok.
"Ang aga mo namang gumising" wika ni Serene.
"Excited gumala eh" sagot ni Summer, "Saan naman kaya tayo igagala ng tatlong kulugo na yon?" tanong ni Summer.
"Hindi ako sasama" sagot ni Serene.
"Ha?, bakit naman?" tanong ni Summer. "Ang daya naman! Pano mo I eenjoy yun bakasyon?"
"6:30 a.m na, sa pag kaka alam ko 6:15 a.m ako pumikit." Halata kay Serene na puyat na puyat sya.
"Hindi ka talaga maka get over sa love story ng Lola mo no?" tanong ni Summer, "Nag pakwento ka pa kay Mamang kagabi eh."
"Paano mo naman nalaman?" tanong ni Serene.
"Bumaba kaya ako kagabi at uminom ng tubig sa harapan mo pero ikaw para kang lutang sa heaven habang nakikinig sa kwento, halatang gusto ring pumag ibig" sagot ni Summer.
"Naniniwala ka ba na History repeat itself?" tanong ni Serene.
"Oo naman" sabat ni Alyza. "Pumapag ibig ka na ba?" tanong nito.
"Kanino naman aber? Kay Adonis no?" kinikilig na tanong ni Summer.
"Di ko alam" sagot ni Serene at dumapa sa kama.
"Anong hindi mo alam?" tanong ni Summer at lumapit sa kama. Lumapit din si Alyza sa kanila.
"May tinatago ka ba?" tanong ni Alyza,
"Diba walang lihiman?" tanong ni Summer.
"Hindi naman ako nag lilihim" sagot ni Serene.
"Eh bakit hindi mo alam kung pumapag ibig ka kay Adonis? Pwede ka namang sumagot ng 'oo' o 'hindi' bakit hindi mo masagot ng diretso?" tanong ni Alyza.
"Wala dapat lihiman eh, kaso parang ayaw mo sabihin samin yang tinatago mo" wika ni Summer.
"Okay! Okay!" sagot ni Serene at umupo. "Kahapon sa taniman ng gabi ko lang to naramdaman, okay naman kaming nag kukwentuhan hanggang sa nasabi kong nakakakilig yung story na gagawin ko"
"So anong connect nun?" Tanong ni Alyza
"Ganito kasi yon girls, yung story na gagawin ko is supposed to be happiness in a short period of time lang, parang yung happiness natin sa tuwing nagala tayo pero para akong stupid kasi bigla kong naisip yung love, hindi naman love story yung gagawin ko, pero bakit nahaluaan ko ng love yung friendship nating anim? Tinanong ako ni Adonis kung kaninong love story, kanino? Sainyo ba ni Eugene, ha Summer?" Paliwanag at tanong ni Serene.
"Yuck!" sagot ni Summer.
"Nung time na yon wala naman kayo sa isipan ko, hindi ko kayo naiisip ang nasa isip ko sarili ko lang, ibig sabihin, Love story ko yung tinutukoy ko" wika ni Serene. "Naguguluhan talaga ako" naiinis na kinamot ni Serene ang ulo nya dahil gulong gulo sya.
"Mag suyod ka Pinsan, baka kuto lang yan" biro ni Alyza parang ice breaker.
"Eeee Alyza naman ee, yung time na yon Nakaramdam talaga ako ng hiya kay Adonis tapos- tapos" hindi tapos na wika ni Serene.
"Tapos ano?" tanong ni Alyza.
"Tapos?" tanong ni Summer.
"Yung nakita ko yung mata ni Adonis parang nag slow motion yung mundo, nag slow-mo lahat ultimo pag kurap ng mata ni Adonis nag slow-mo, tapos nakita ko, ang ganda pala ng mata nya, kulay brown tapos yung pilik mata nya, makapal, kaya pala parang naka eye liner sya, natural pala yun" naka tulalang pag describe nya sa mata ni Adonis na parang nalutang sa alapaap. Isang pitik sa nuo ang naramdaman ni Serene mula kay Summer kaya natauhan sya.
"Tapos yung hangin naramdaman mo na biglang humampas sa mukha mo kaya ka nagising" wika ni Summer.
               "Masakit" poker face na wika ni Serene.
"Bruha, Pag ibig nga yan" wika ni Alyza.
"History repeat itself nga, diba yan din yung kwento ni Raph kahapon, kung paano na love at first sight si Mamang Moon kay Ammang Janus" wika ni Summer.
"Hindi naman ako na love at first sight sa kanya, kahapon lang siguro" dipensa ni Serene.
"Edi yung na repeat lang ay yung na inlove sa mata, yung brown na mata at makapal na pilik mata hahah" kantiyaw ni Alyza kay Serene.
             "kaya pala parang ang tahimik nyong dalawa kahapon at hindi nag iimikan" puna ni Summer
"Ewan ko ba, parang gusto ko syang iwasan" sagot ni Serene.
"Bakit naman? Okay naman si Adonis, cute, masipag, gentle, mabait, hmmm, friendly, maalaga, ano pa ba? Cute" wika ni Alyza
"Inulit mo yung cute" puna ni Summer
"Edi maganda yung brown nyang mata at makapal ang pilik mata na parang naka eye liner pero natural pala" biro ni Alyza na itinono sa pag ra rap.
"kakainis ka" na aasar na wika ni Serene. "wag nyong sasabihin sa mga boylet nyo yun ah, secret is secret"
"Boylet talaga huh?" wika ni Alyza.
"Basta tulungan nyo na lang akong iwasan sya, ayokong masira yung pag kakaibigan namin," wika ni Serene, "Sa ngayon iiwasan ko muna sya at pag ready na ako tsaka ko na lang sya kakausapin ulit"
"Eh ano namang sasabihin namin pag mag tanong sya?" tanong ni Summer.
"Sabihin nyo masama yung pakiramdam ko" sagot ni Serene.
Nakakulong lang buong mag hapon si Serene sa kwarto, samantalang ang mga kaibigan nya ay waging wagi sa galaan. Narinig ni Serene na may nag message sa messenger nya kaya agad nya itong tiningnan,
~(Wooh ang ganda dito! Ang sarap maligo!!!) Message ni Summer sabay send ulit ng pictures na nag pipicnic sila sa ilog.
"Gosh!" sigaw ni Serene sabay tayo sa kama "Ang daya nila!!!" sa inis nya ay pumunta nalang sya sa terrace para sana mag palamig ng ulo pero nakita nya si Aluza na may kasamang lalaki at nakikipag usap maya maya ay nakita nya ang kanyang Pinsan na yumakap sa lalaki at kumalas din sa pag kakayakap. Napansin din nya ang kislap ng katuwaan sa mga mata ng lalaki. Ayaw naman ni Serene na mag pahalatang nakiki usyoso kaya agad syang pumasok sa kwarto nya.
Maya maya ay may tumawag sa cp ni Serene, hindi naka register yung number kaya sinagot nya ang tawag.
"Hello?" tanong ni Serene.
"Hello, Serene" mahinahon at malambing na boses lalaki ang narinig ni Serene.
"Yes? Sino to?" tanong ni Serene.
"Si Adonis to," sagot ng lalaki. "Hiningi ko kay Summer yung cellphone number mo, kasi sabi nya may sakit ka daw kaya hindi ka naka sama, gusto lang sana kita kumustahin."
"Ah, Oo. Okay lang naman ako, masama lang ang pakiramdam ko ng konti" Paliwanag ni Serene.
"Ano bang masakit sayo? May lagnat ka ba? May ubo? Sipon?" tanong ni Adonis.
"Ahm, masakit lang ulo ko tsaka puson, oo puson" sagot ni Serene, ang naisip lang nyang idahilan ay meron sya. "Meron kasi ako ngayon" nang masabi ni Serene ay napa face palm siya at agad pinatay ang tawag.
             "Gooossssshhhh!!!! Ang stupid mo talaga Serene!!!" sigaw ni Serene.
Nagulat si Serene ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nya at nag mamadaling pumasok si Aluza at ang lalaking kayakap ng pinsan kanina.
"Anong nangyari sayo Serene?" tanong ni Aluza na tila nag aalala.
"Ha? wala," sagot ni Serene at umupo sa kama. Nakatingin sya sa Lalaki
      "Kala ko kung napaano ka na, Sya nga pala Serene ito si Jancen kaibigan ko,, Jancen si Serene pinsan ko" wika ni Aluza.
    "Hi" bati ko sa lalaki at kumaway
             "Hello, nice meeting you Serene" sagot ng lalaki
            "Serene pupunta na kami sa baba pag may kailangan ka tawagin mo lang ako okay?" Wika ni Aluza
"Aluza wait!" tawag ni Serene. Tumingin si Aluza kay Serene. "Anong masasabi mo kung yung isang babae sabihin nya na meron sya sa isang lalaki?" Tanong ni Serene.
             " Ahm, Aluza, Serene una na akoLang sa ibaba" wika ni Jancen. Pag alis ng binata, ay nagsalita si Aluza.
"Sasabihin ng babae na may period sya sa isang lalaki?" tanong ni Aluza.
"Yup!" sagot ni Serene. Napakamot sa nuo si Aluza
"Kapag sa Asawa sabihin okay lang kasi karapatang malaman ng lalaki yun, Pag sa Boyfriend naman, mas okay kasi kailangan malaman din ng lalaki kung kailan meron ang Gf nya para maiwasan nya yung pagka beastmode ng babae iwas pa sa away na wala namang malalim na dahilan right? Pag sa kaibigang Matagal mo nang kakilala at sobrang close mo normal lang naman yun" sagot ni Aluza.
"Paano kung sa kaibigang 2 nights and 2 days mo pa lang nakilala?" tanong ni Serene.
"Lalaki talaga?" pag lilinaw ni Aluza, tumungo tungo si Serene "Ang Awkward non," sagot ni Aluza. Napabuntong hininga si Serene.
"Ang stupid ko talaga" bulong ni Serene sa sarili. Napa ngiti si Aluza.
"Bakit Meron ka ba ngayon?" tanong ni Aluza.
"Wala na, kakatapos lang last week" sagot ni Serene
"Eh bakit mo natanong?" tanong ni Aluza.
"Wala lang, trip ko lang hahah!" sagot ni Serene.
"Ang weird mo ngayon, sige baba na ako ah" wika ni Aluza at umalis na. bigla nanamang tumawag si Adonis kay Serene.
"Hello?" parang nairita si Serene.
"Anong gusto mong pag kain?" tanong ni Adonis.
"Ha?" tanong ni Serene.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Adonis.
"Ngayon?, gusto kong kumain ng Ice cream yung rocky road tsaka double dutch, tapos? Gusto kong kumain ng Toblerone chocolate flavor at kit kat na Green Tea Flavor. Tsaka-" Hindi natapos ni Serene ang pag sasalita dahil pinatay agad ni Adonis ang tawag "Tatanong tanong tapos bababaan ako ng tawag!" irritable nyang sabi sa sarili.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon