𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 29

22 2 0
                                    

Kinagabihan ay nag laro nanaman sina Serene at Adonis ng bato-bato-pick! Kapag manalo si Serene ay lalagyan nya ng lipstick sa mukha si Adonis, kapag manalo si Adonis ay hahalikan nya sa lips si Serene, sobrang kinikilig ang mga kasama nila sa ginagawa ng dalawa except Venice and Yash na naiirita kaya binulungan ni Yash si Gray.
"Tagu-taguan tayo" bulong ni Yash kay gray.
"Guys, laro tayo tagu-taguan" wika ni Gray at pumayag naman ang lahat,
Taya nuon si Mavz at nag kanya kanyang tago ang mga barkada nya.
Habang nag hahanap ng taguan si Adonis ay sumusunod na pala sa kanya si Venice. Nabigla na lang si Adonis ng magtago sya sa isang malaking bato ay may tumabi sa kanya.
"Bakit nandito ka?" tanong ni Adonis.
"Sinundan kita" sagot ni Venice.
"Bakit naman?" tanong ni Adonis at tumingin tingin sa kinaroroonan ni Mavz at nakikita nya na nag hahanap na nang matataya. Hinawakan ni Venice ang balikat ni Adonis at nang magka titigan sila ay hinalikan sya ni Venice sa labi, sa gulat ay agad na binawi ni Adonis ang pagkakahalik. "Anong ginagawa mo?"
"Mahal kita" sagot ni Venice.
"May GF ako Venice, alam mo yon, at may BF ka" wika ni Adonis.
"I don't care, nakipag split na sa akin si Brent, I Know mahal mo ako, at ginagamit mo lang si Serene para mag selos ako" wika ni Venice
"Paano mo naman nasabi yon?" tanong ni Adonis.
"Nararamdaman ko" sagot ni Venice.
"Mali yung pakiramdam mo" sagot ni Adonis. Niyakap ni Venice ng mahigpit ang katawan ni Adonis.
"Imposibleng mahalin mo agad si Serene, ilang araw pa lang tayong break, Bumalik ka na sa akin Adonis" pag mamakaawa ni Venice at hinalikan ulit ang lips ni Adonis, that time hindi na inisip ni Adonis na pumalag, nakipag halikan na rin sya kay Venice. Hindi pa nag tatagal ang pag hahalikan nila ng biglang nag salita si Serene.
"Adonis..." wika ni Serene, agad na nag kalasan ang dalawa at napatingin kay Serene, hindi alam ni Adonis kung bakit labis ang kabog ng dibdib nya ng makitang naluluha luha si Serene.
"Ah, Serene bakit nandito ka?" tanong ni Adonis at gusto sanang yakapin si Serene para I comfort pero bigla silang may narinig na sumigaw kaya nabaling ang buong atensyon nila sa narinig, at nilapitan nila iyon ng makitang galing kay Juvia ang sigaw. Lahat silang mag babarkada ay lumapit sa kinaroroonan ni Juvia.
Nakita nila kung paano sampal sampalin ni Juvia ang mukha at katawan ni Yash, pilit syang inaawat ni Gray pero hindi matinag ang nobya nya.
"Juvia ano ba!!!" awat ni Gray.
"Anong nangyayari?" tanong ni Shine.
"Juvia tama na" awat ni Aiola at niyakap ang tiyan nya, nahinto lang si Juvia sa pananakit kay Yash ng hawakan siya ni Aiola.
"Ayoko na Juvia!!" sigaw ni Yash. Hinawakan ni Serene si Juvia si Xerces naman ay hinila si Aiola palayo sa kanila upang makabalik sa cottage.
"Ang kapal ng mukha mong mag reklamo ng ayaw mo na?! kung tinitigilan mo ang BF ko edi sana hindi ka makakatikim ng sampal ko!" sigaw ni Juvia kay Yash "Malandi ka! Hindi ka na nakuntento sa lantarang panglalandi mo sa Bf ko, hindi ka na nahiyang yumakap at tumabi sa pag tulog namin ng Bf ko pati ba naman sa laro gustong gusto mong solohin si Gray?!"
"Ano to Gray?!" nagagalit na tanong ni Shine. "Yash ano to?!"
"Mag kasama lang kami ni Gray tapos sinugod ako" sagot ni Yash
"Di kita susugurin kung hindi ka Makati!, kulang pa ba ang pag tusok sayo ng Bf ko sa condo nya at pati dito sa batuhan gusto mong sundut-sundutin ka? Nakakadiri ka sa kakatihan mo!!" galit na galit na sigaw ni Juvia.
"Yuck!" bulalas ni Summer.
"Tama na yan" mahinhing wika ni Summer kay Juvia. "Halika, uminom ka muna ng tubig para kumalma ka" inaya ni Summer si Juvia sa cottage nila.
Lahat sila ay nagpuntahan sa cottage pwera na lang kina Venice, Gray at Yash na nasa dalampasigan.
"Wow grabe ka Juvia, ngayon lang kita narinig na nag salita" biro ni Mavz. "Kakaibang aura mo ngayon Juvia, aurang palaban"
"Ano ba kasing nangyari Juvia?" tanong ni Shine.
"Palihim ko silang sinundan sa batuhan, tapos naririnig ko inaakit ni Yash si Gray, nakita ko hinuhubad nya yung damit nya tapos – ah basta nandidiri ako" naiiyak na wika ni Juvia. "Shine, hindi pa ako tapos kay Yash, nang gigigil ako sa kanya gusto ko syang gantihan pa, 3 years akong lantarang hinahatian sa atensyon ni Gray, pag kakataon ko to para pag bayarin sya" galit na wika ni Juvia.
"Hindi tama ang gumanti Juvia" sagot ni Shine. "Lalo na kung magiging madugo ang gantihan nyo"
"Diba mag lalaro tayo ng volleyball mamaya? Gusto ko maging kakampi sina Serene, dun nalang ako gaganti sa kanya" sagot ni Juvia, this time isang Malakas at matapang na Juvia ang nakita ng buong barkada, hindi na ang Juvia na hindi pala imik at palaging naiyak pag nasasaktan.
Dahil sa sabik ding maka ganti si Yash sa pambubugbog sa kanya ni Juvia ay pumayag syang mag laro ng volleyball. Serene, Juvia, Alyza, Summer at Shone Vs. Venice, Yash at tatlong import na napadaan lang.
Sa umpisa ay masyadong mainit ang laban, both teams ay ayaw pa talo at pasapaw kaya isang suntok sa balikat ang pakiramdam ng maisahan ni Serene si Venice, as in napa luhod si Venice sa lakas ng pag hampas ng bola ni Serene. Si Juvia naman ay ayaw ding pahuli, maya't maya nyang sinusupalpal ang pag tira ni Yash kaya hindi maka score si Yash.
Nang bandang kalagitnaan na ng game ay nag simulang maging hindi sports minded si Venice, habang hindi pa ready both teams ay nag kunwaring nilalaro laro ni Venice ang bola pero halata namang sindya nya at nang mapatapat sya sa kinaroroonan ni Serene ay hinagis nya ng mataas ang bola, tumalon at nag spike!
BOOM! Malakas ang tunog halos lahat ay naging aware sa nangyari napalapit silang lahat kay Serene.
"Serene okay ka lang?" nag aalalang tanong nila Alyza at Summer. Tinamaan ni Venice ng bola ang mukha ni Serene at ngayon ay dumudugo ang ilong ng dalaga. Lumapit si Venice kay Serene at nag kunwaring nag aalala at hindi ginusto ang nangyari.
"Oh My God Serene! I'm sorry, hindi ko sinasadyang tamaan ka" kunwaring nag aalala pa sya at humahawak hawak kay Serene.
Sa Inis ay hinampas ni Alyza ang kamay ni Venice.
"Wag mo ngang hawak hawakan ang Pinsan ko! Ang dumi dumi ng kamay mo mamaya maimpeksyon pa sya ng dahil sayo!" hindi man literal pero halatang pinatatamaan ng Alyza si Venice. Lumapit si Adonis kay Serene at nag aalalang nag tanong.
"Serene okay ka lang ba?" tanong ni Adonis at binuhat si Serene.
"Adonis, I didn't mean to hurt her" wika ni Venice.
"I know Venice" mahinahong sagot ng utu-utong si Adonis. "Guys, mag sub nalang kayo ako nang bahala kay Serene" Dinala ni Adonis si Serene sa cottage at sinimulang paupuin.
Habang ginagamot ni Adonis si Serene ay pinalitan naman sya ni Shine at muling nag laro ng volleyball. Pinapanuod ni Serene ang mga nag lalaro habang ginagamot sya ni Adonis.
Pinunasan ni Adonis ng basang tela ang dumudugong ilong ni Serene.
"Aray" mahinang reklamo ni Serene.
"Sobrang sakit ba?" tanong ni Adonis.
"Medyo" sagot ni Serene.
"Sa loob yata ang sugat ng ilong mo kasi wala namang galos ang mukha mo" wika ni Adonis.
"Buti na lang talaga at walang galos ang mukha ko kasi kung magkataon baka ibaon sya ng buhay nila Alyza at Summer" pag papatungkol ni Serene kay Venice. "Sinadya nya akong tamaan"
"Sorry kung ginawa nya yun" sagot ni Adonis. Nilagyan nya ng ointment ang loob ng ilong ni Serene.
"Aw!, sa loob nga yung sugat, sana hindi ako sipunin." Wika ni Serene.
"Pasensya na talaga sa ginawa ni Venice." Wika ni Adonis.
"Hindi ko tatanggapin yung sorry mo, si Venice ang may kasalanan, mag sorry sya ng sincere at hindi pakitang tao lang" sagot ni Serene. Kumuha ng tubig si Adonis para painumin si Serene.
"Uminom ka muna" wika ni Adonis.
"Salamat" sagot ni Serene. Habang nainom ng tubig ay pinapanuod nila ang mga kasamang nag lalaro ng volleyball. Maya maya isang tension nanaman ang nabalot sa pagitan nila Juvia at Yash. Sinupalpal kasi ni Juvia si Yash, tulad ng ginawa ni Venice kay Serene ang pagkakaiba lang ay legal ang ginawa ni Juvia dahil nasupalpal si Yash sa kapabayaan at katangahan.
"Sinadya mo akong tamaan sa mukha!" sigaw ni Yash habang hinihila ni Gray palayo kay Juvia.
"Engot ka pala eh! Kung hindi ka duling edi sana tinamaan mo yung bola, kaso excited ka yata mamaya na ikama ni Gray kaya hindi bola ang ang nakikita mo kundi brief at kama!" sigaw ni Juvia. "Kaya ayon! Imbes na tamaan mo yung bola sa sCentral ng garapal mo inangkin mo na nga sinaksak mo pa sa mukha mo! Tapos ako yung sisisihin mo?" patama ni Juvia.
"hep! Hep! Hep! Guys! Ano ba kayo, kanina pa kayo bulyawan ng bulyawan ah, di na kayo nakakatuwa" awat ni Mavz. "Gusto nyo I real talk ko kayo? Ikaw Juvia, alam mo na kasing sayo puro ka paraya, ang bait bait mo hindi mo ipinag laban yung karapatan mo kaya ngayong huli na ang lahat di ka pinapakinggan ng kaagaw mo! Ikaw naman Gray, alam mo ang tama at mali! May kakayahan kang itama ang mali pero hinayaan mo lang!" real talk ni Mavz at tumingin sya kay Yash "At ikaw naman Yash napaka Greedy mo! Para kang Dragon sa Silangan! Alam mo nang hindi sayo inaangkin mo pa, alam mo nang hindi mo teritoryo pinapatungan mo pa, kahit na alam na naming lahat na hindi iyo patuloy ka parin sa pag angkin ng pag mamay ari ng iba.! Ikaw pa tong palaban imbes na mahiya ka" Galit na galit na bulyaw ni Mavz.
"Eh bakit parang abot langit ang galit mo sa akin? Inaano ka ba?" tanong ni Yash kay Mavz.
"Oh! Kayo naman ang mag aaway?" wika ni Gray
"Ang pinuputok ng butchi ko, di ka na naman tropa pero ikaw pa ang nag co-cause ng gulo, imbes na I enjoy namin ang reunion mas lalong naging miserable ang samahan namin" sagot ni Mavz.
"Ano bang pake mo? Nandito si Gray natural isasama nya ako." Sagot ni Yash.
"Ang kitid ng utak mo! Nakakasama ka lang naman dahil kabit ka ni Gray eh tapos ikaw pa ang nag aangas angas" patol ni Mavz.
"Mavz! Tama na, pinapatulan mo na yung babae" galit na wika ni Gray.
"Pag sabihan mo kasi yung kabit mo, Ang tigas ng mukha eh! Masyado mo ini-spoiled kaya ang haba ng sungay eh, dinaig pa yung legal na Gf" sagot ni Mavz kay Gray.
"Ano bang gusto mong palabasin?" tanong ni Gray na akmang manununtok. Umawat na sina Eugene at Raph
"Oh, tama na nagpapasahan na kayo ng away eh" wika ni Raph.
"Pardz, wag na tayong umawat, may sumpa yata yung naawat, sila yung nagiging mag kaaway" biro ni Eugene. Hinawakan ni Gray si Yash sa kamay.
"Juvia tara na sa kwarto" utos ni Gray kay Juvia.
"Ayoko nga, mauna na kayo pagkakataon nyo na para mag honeymoon" sagot ni Juvia.
"Juvia simula nang maging tayo hindi kita sinagot sagot ng ganyan ah" mahinahong wika ni Gray kay Juvia. May punto si Gray, 3 years in a relationship pero never nakipag usap si Gray kay Juvia na tonong galit o nang uuyam, mahinahon sya makipag usap palagi kay Juvia ang mali lang talaga kay Gray ay nakikipag relasyon din sya kay Yash ng lantaran at worst ay nakikipag sex, palibhasa alam nyang hindi sya kayang iwan ni Juvia.
"Kailan ba naging tayo lang? Ang alam ko tatlo tayo kaya ngayon ayoko na, Malaya ka na kay Yash, mag sama kayo" sagot ni Juvia. Huminga ng malalim si Gray ay akmang palapit sa Gf nya.
"Juvia naman..." parang ayaw ni Gray na mangyari ang narinig kay Juvia.
"Bukas last day na nating mag kakasama tapos mag aaway away pa tayo?" malungkot na wika ni Shine. "Parang gusto ko nang matulog na lang"Nag walk out sina Shone at Shine ganuon din si Mavz. Isa isa na ring nag si akyatan sa kwarto sina Raph, Eugene, Alyza, Summer, Serene at Adonis. Ganon din sina Venice, Yash at Gray. Di nilang lahat namalayan na nag paiwan si Juvia sa cottage para mag pahangin.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon