"Ahm, Miss?" medyo nag aalangan na tawag ni Raph kay Alyza. Tumingin si Alyza sa kanya. "Pinapatawag ka nang Mamang mo, mag pipirmahan na kasi lahat tayo na nandito sa bahay ang witness sa usapan kaya kailangan lahat nandun." Paliwanag ni Raph. Tumayo si Alyza sa inuupuang bato.
"Ganun ba? Salamat" wika ni Alyza. Habang nag lalakad sila papasok sa bahay ay naka kuha ng tiyempo si Raph na makipag kilala.
"Ako nga pala si Raph Aldava" pakilala ni Raph kay Alyza.
"Hmm, Alyza Salcedo" matipid na sagot ni Alyza habang nag lalakad sila papasok ng bahay hindi na nakapag salita pa si Raph dahil pag pasok nila sa loob ay naka handa na ang lahat at sila nalang pala ang hinihintay para mag simula na ang pirmahan ng kasunduan.
"Nandito na yung nag date" biro ni Mamang.
"Mamang!!" Nahihiyang wika ni Alyza.
"Hala namula sya" biro ng Tita Sabrina nila. Nakita ni Alyza sina Summer at Serene na naka upo sa hagdan at nakasilip sa fence ng hagdan kaya pumunta sya duon at naki upo.
"Nag date kayo?" tanong ni Summer kay Alyza.
"Sapak gusto mo?" na aasar na tanong ni Alyza.
"Di ka na mabiro" wika ni Summer. "Pero in fairness ang cute ng ka date mo" biro nito. Pahapyaw na sinabunutan ni Alyza si Summer. "Aray ko"
Napansin ni Serene si Adonis na nakaupo sa panig ng pamilya ng mapapangasawa ng Tita Solen niya. Si Summer naman ay matamang naka tingin sa paligid. Medyo nakaramdam naman ng pag ka inis si Alyza ng makitang lumapit si Raph kay Aluza na tila super close sa isa't isa.
Masinsinan ang pag uusap ng dalawang pamilya at may kinalaman ito sa mga gastusin at properties na pag me merge ng dalawa kung sakaling ikasal na sila. After mag pirmahan ay nag karoon ng salo salo.
Sa labas ng bahay ay nakatambay sina Adonis, Eugene at Raph habang umiinom ng softdrinks at kumakain ng dessert na macaroni salad at cake lumapit si Aluza sa kanila.
"Masarap ba ang cake na bake ko?' tanong ni Aluza sa mga kaibigan.
"Pasado na Aluza, pwede na mag asawa" puri ni Adonis.
"Bakit kasi ayaw pa mag pakasal eh" biro ni Eugene.
"Ayaw ko pa" sagot ni Aluza.
"Babae yata gusto mo" asar ni Eugene.
"Peste ka talaga Eugene. Akin na nga yang cake na ginawa ko" biro ni Aluza. Itinaas ni Eugene ang plato na may lamang cake para di maabot ni Aluza.
"Mag patangkad ka muna hahaha!" Biro ni Eugene.
"Ang sama talaga nitong damuho na to" wika ni Aluza. "Iwan ko muna kayo tutulong muna ako kina Mamang sa loob"
"Gueh! Tirahan mo kami ng graham Aluza kakainin namin bukas." Wika ni Raph.
"Sure malakas ka sa akin eh, si Eugene lang hindi" sagot ni Aluza.
"Wow naman ang saklap non Aluza" wika ni Eugene.
Nang makita ni Serene na hindi na magkausap sina Aluza at ang mga binata ay lumapit ito sa kanila.
"Ano," medyo nahihiyang wika ni Serene kina Adonis.
"Donis, kukuha muna ako ng cake" pag iiba ni Raph para naman makapag usap ng masinsinan sina Serene at Adonis.
"Sama na ko Dre," wika ni Eugene at sabay na silang umalis sa tinatambayan nila.
"Hi" matipid na wika ni Adonis. Biglang inilapat ni Serene ang dala dala nyang leche flan. "Ano to?" naka ngiting tanong ni Adonis.
"leche flan" ngiting sagot ni Serene.
"Oo nga naman leche flan, para saan?" nakangiting tanong ni Adonis.
"Pasasalamat? Kasi sinalo mo ako nung nalaglag ako sa terrace" sagot ni Serene. Kinuha ni Adonis ang ibinigay na leche flan ni Serene.
"Sa totoo lang hindi ako nakain ng leche flan eh" wika ni Adonis.
"Ganun ba? Akin na papalitan ko na lang" sagot ni Serene.
"Hindi, okay lang kakainin ko na lang para sayo" nakangiting wika ni Adonis at pinakita pa kay Serene na sarap na sarap sya sa pag kain ng leche flan na dinala nya.
"Hmm, Pasensya na kung nabigatan ka sakin, ang taba ko kasi eh" wika ni Serene. Ngumiti si Adonis.
"Di ka naman mataba, tama lang ang katawan mo, nabigatan lang ako kasi nabigla ako sa pag salo" Paliwanag ni Adonis.
"Ganon ba? Pero salamat at sorry na din, sya nga pala, Kaano-ano ka pala ng mapapangasawa ni Tita Solen?" tanong ni Serene. Itinabi ni Adonis ang platito na nilalagyan ng leche flan nang maubos na nya ang laman.
"Ako at saka si Eugene yung kasama ko nung nahulog ka, pamangkin kami ni Tito Alfie, sya nga pala ako si Adonis, Adonis Frigillana" pag papakilala ni Adonis sa dalaga.
"I'm Serenity Alcober, but you can call me Serene for short" sagot ni Serene.
"Ngayon ka lang ba nag bakasyon dito? Kasi ngayon lang kita nakita. Pati yung kapatid ni Aluza ngayon lang din namin nakita. Sa totoo lang ngayon lang namin nalaman na may kapatid pala si Aluza haay, kung hindi pa sa amin kinuwento ni Tita Solen hindi namin malalaman" wika ni Adonis "Upo ka, mukhang magtatagal ang kwentuhan natin ngayong gabi ang gaan kasi ng loob ko sayo." Pag aaya ni Adonis.
"Mukha nga eh." Naka ngiting sagot ni Serene at umupo sya sa loob ng tricycle na walang bubong. "Dati madalas kami mag bakasyon dito pero ngayon na lang naulit"
"Kaya pala ngayon lang kita nakita. Buti naman at nag bakasyon ulit kayo" sagot ni Adonis.
"Oo nga eh, kaso one week lang kami sana nga masulit namin ang bakasyon sa loob ng isang linggo lang." Wika ni Serene.
"Gusto mo bang tulungan kitang sulitin ang bakasyon mo?" tanong ni Adonis sa kanya at umupo sa motor ng tricycle.
"Paano?" tanong ni Serene.
"Simple lang, lahat ng iuutos sa atin lalo na kung uutusan tayo sa malayo ay susundin natin" naka ngiting wika ni Adonis.
"Mag eenjoy ba ako non? Bakasyon nga ang habol ko dito hindi para maging utusan" reklamo ni Serene.
"Adonis!" tawag ni Aluza.
"Oh!" sagot ni Adonis. Lumapit si Aluza at binigyan si Adonis ng pera.
"Bili ka don ng Ice tsaka pineapple juice" utos ni Aluza.
"Lahat na to?" tanong ni Adonis.
"Tatlong pineapple juice tapos ice na yung sukli" sagot ni Aluza.
"Ok," pag sang ayon ni Adonis. "Gusto mo sample na mag eenjoy bakasyon mo kahit palagi tayong inuutusan?" tanong ni Adonis kay Serene.
"Hmmm," nag dadalawang isip pa si Serene kay Adonis dahil ngayon lang nya ito nakilala kaya tumingin sya kay Aluza. Ngumiti si Aluza.
"Sama ka na, mabait yan si Adonis wag kang mag alala" nakangiting wika ni Aluza sa pinsan. Ngumiti si Serene kay Adonis.
"Sige nga siguraduhin mong sulit yung sample mo ah" wika ni Serene kay Adonis.
"Promise yan!" sagot ni Adonis at inistart nya ang tricycle. Habang nagda drive si Adonis ay naka upo naman sa sidecar si Serene. Sinadya ni Adonis na bilisan ang takbo ng tricycle.
"Wooohhh!! Ang lamiggg!!!" masayang sigaw ni Serene habang nililipad ng hangin ang buhok nya, tumayo sya at itinaas ang mga kamay na parang naka ride sa roller coaster. Natutuwa si Adonis sa reaksyon ni Serene na tila ngayon lang sumakay sa tricycle.
"Sarap ng hangin diba?" tanong ni Adonis habang nag da drive.
"Oo!! Ang saya mamaya pag pababa yung daan bilisan mo yung takbo ng tricycle ah" masayang utos ni Serene.
"Pero wag kang tatayo baka tumaob ka okay?" sagot ni Adonis.
"Promise!" sagot ni Serene.
Nang nasa tindahan na sila ay sabay silang bumaba ng tricycle.
"GF mo Adonis?" tanong ng dalagang tindera.
"Babaeng Kaibigan" sagot ni Adonis.
"Sus! Baka naman bukas ka holding hands mo na ah" biro ng dalaga habang kumukuha ng yelo. "Miss di nga? GF ka nya?" tanong ng babae.
"Hindi po. Kaibigan lang po nya ako talaga" sagot ni Serene.
"Weh? Yung totoo nga" pilit ng tindera.
"Ang kulit mo Venice! Asan na yung juice?" tanong ni Adonis sa tinder. "Pamangkin sya ni Tita Solen yung mapapangasawa ni Tito Alfie"
"Di po nag sisinungaling si Adonis." Naka ngiting sagot ni Serene.
"Okay sige, maniniwala na ako kahit hindi" wika ng tinder. "Oh! Masyado kang nag mamadali"
"Matutunaw na kaya yung yelo" sagot ni Adonis at inilagay ang ipinamili sa loob ng tricycle.
BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Novela Juvenil"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...