ARTEMIS
Kagigising ko lang. Unfortunately, I think I got kidnapped.After I uninstalled Detritus, bigla na lang kumalabog ang pintuan sa baba kaya kumaripas ako ng takbo para tingnan kung ano ang nangyari. All I remember is may humablot sakin at tinakpan ng panyo ang ilong ko.
I try to move my arms pero nakatali ang mga ito. Nakaposas ang mga paa ko. What the hell? Bakit baliktad? Hindi ba dapat nasa kamay ang posas at ang paa ang nakatali?
I face palm at the thought. Sa lahat ng panahon, ngayon pa tumama ang kabaliwan ko. Which I'd like to think isn't true.
"Uh, help?" Napangisi ako sa ginagawa ko. Of course walang magliligtas sa'kin dito! Just like in movies, sasabihin ng kontrabida na walang kwenta kung sisigaw ako dahil walang makakarinig sa'kin. So I won't dare. Mamaya may dala palang baril ang kumuha sa'kin.
But who cares?
"TULONG!" Umalingawngaw ang malakas kong sigaw sa buong lugar. Kinilabutan ako ng bahagya kasi wala ako gaanong makita. Madilim at mainit. Malaki pa ang lugar. Puro kahon na gawa sa kahoy at mga kinakalawang na bakal.
Ano 'to? Angry Birds?
"TULONG-" sisigaw ulit sana ako nang may magtakip ng bibig ko. The same scent went inside my nostrils. I assume that he's using the same handkerchief.
I open my mouth. Saktong tumapat ang isa nitong daliri sa bibig ko dahil akala'y sisigaw ulit ako kaya kinagat ko. Napahiyaw ang lalake at bumitaw.
"What the hell?"
"Pakawalan mo 'ko!" I demanded. Wriggling my arms and feet, hoping that the rope would eventually loosen any time now.
"Shut up, Art." Napatigil ako sa pagkilos nang marinig ang pangalan ko.
Sabi na eh! Masamang tao talaga ang may-ari ng number na 'yon eh. Paano kung siya si Dean? Malakas ang dating ng pangalan kidnapper naman pala. Tsk!
"Ikaw ba 'yung may ari ng number?" Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa'kin. Nakita ko na lamang siyang nasa tabi ko at nakatingin sa'kin.
"No." Tipid nitong sagot.
"Wala akong pera." Sumingkit ang mga mata niya at kumunot ang noo. He shook his head, looking disappointed at my statement.
"Temper! What the hell?" Biglang may sumigaw na boses ng lalake mula sa likuran. Sinubukan kong tingnan kung sino 'yon pero hindi maabot ng paningin ko.
I shouldn't have tried kasi pumunta din naman siya sa harapan ko.
"You told me to go get her. Here she is." Walang emosyong sabi ng katabi ko. Napatingin ako sa kanya. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at napakurap. I looked back at the man in front of me.
Magkamukha sila!
"Pero wala naman akong sinabing kidnap-in mo siya! She looks fucking traumatized! Mukha siyang sinapian ng multo!"
"Hoy! Nakakita lang pero hindi naman sinapian!" Hindi ko maiwasang sumabat. Ang kapal ng mukha ah?
"See? She isn't traumatized. Kinagat nga niya 'ko kanina. Does that seem like traumatized to you?" He raised his eyebrows at his twin brother-I'm not sure, pero mukha naman eh.
Bigla na pang lumuhod ang lalake sa harap ko at nginitian ako ng bahagya. Nanginit ang mukha ko at umiwas ng tingin. What the hell? If I hadn't known na sila ang kumuha sa'kin, baka bigla na lang akong bumulalas ng isang malakas na 'oo'.
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Mystery / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.