58 : Recalled

12 1 0
                                    

KHALI

"Huy! Ate, nakikinig ka ba?" Napsinghap ako at humarap sa dalawa kong kapatid na pumunta dito sa ospital para bisitahin ako.

Tsk. Buti pa sila. Mukhang walang balak dumaan si Dad dito at idadaan na naman sa pagpapadala ng allowance and kawalan ng presensya niya dito.

"Ayos ka lang ba, ate?" Tumango-tango ako at marahang tumayo. Akala ko tutumba ako pero buti na lang ay nakaalalay sa likod ko ang braso ni Kel. Tumingin siya sa'kin at ngumuso, "Kay Kuya Temper ba?"

Umiling ako at bumalik sa pagkakaupo. Bakit nga ba ako tumayo? Ah! Si Sue!

"Si Ate Sue niyo? Nandiyan ba?" Nagkatinginan ang dalawa at tumango-tango. Tinanong nila ako kung gusto kong puntahan siya sa kwarto ni Art kaya mabilis akong umoo. Agad nila akong inalalayan papunta sa kabilang kwarto.

"Pwede ba kaming sumama sa loob, ate?" Nginisian ko sila at itinaas ang kilay ko.

"Makiki-chismis kayo, 'no? Hindi pwede. Do'n muna sa kwarto ng Kuya Temper niyo. Huwag kayong maingay baka mabuwisit 'yon." Biglang ngumiti ang kambal at nagmamadaling pumunta sa kabilang kwarto.

Napailing na lang ako. Ano naman kayang pinaggagawa ng tatlong iyon at ang saya nang payagan kong pumunta do'n?

Ah, nevermind. As long as they're happy.

Pinihit ko ang siradura at itinulak pabukas ang pintuan. Napangiti ako at tuluyang pumasok. Napatingin silang dalawa sa'kin at ngumiti ng pilit. Sinimangutan ko sila at naupo sa tabi ng kama ni Art.

For a minute we were dead silent. Pakiramdam ko hindi lang mga bibig namin ang hindi gumagalaw kundi pati ang buong katawan namin.

Kaya napapitlag ako sa gulat nang biglang magsalita si Art, "Two years ago─" Tiningnan ko sila at mukhang matatawa pa ang mga loko. Umirap na lang ako at tumingin kay Art para hintayin siyang ituloy ang sinasabi niya.

Pero kumawala lang ang malalakas nilang halakhak kaya sinamaan ko sila ng tingin. Akala ko wala nang balak tumigil ang dalawa sa katatawa hanggang sa magsalita na ng deretso si Art.

"Two years ago we were friends." Kung kanina'y magaan ang atmospera, ngayon ay parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. I could see in Sue's eyes that she felt the same. Hindi ako makatingin kay Art sa bigat ng pakiramdam ko.

"You," tumingin siya kay Sue na napalunok sa sobrang tense ng hangin dito sa loob ng kwarto. On the other hand, why are we tense anyway?

"Ikaw," humarap siya sa'kin at sunod na itinuro ang sarili niya, "Ako, tayong mga tao─" bigla siyang humagalpak ng tawa kaya napangiwi na lamang kami at sinubukang makisabay. Soon enough the laughter died down and she was back to looking at us without a clue on what she's about to say next.

Kinakabahan ako.

"Seriously though. No one was planning to tell me my brother's a stupid fuck?"

▬▬▬▬▬▬

TEMPER

I look at one corner and there's a flowering plant and on the other side, my brother who looks so fucking dark. Don't get me started with telling me his skin tone is fucking normal because that's not what I mean! Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa dilim ng hitsura ng mukha.

Bumubulaklak 'yung halaman pero bakit pakiramdam ko mamatay iyon sa sama ng titig ng kapatid ko sa kanya?!

Fuck?!

Anyway, he's never left my side. To be specific, he never left the hospital. Ang suot niyang damit ngayon ay ang suot niya since the last two weeks. It's horrifying to imagine what he smells like. Goodness shit.

Bakit ba ayaw pa niyang umuwi? He seriously needs rest.

"Temper, lalabas lang ako." Napatingin ako sa kanya at humalukipkip lang bilang sagot. I looked away from him and hummed in response.

Hindi siya umalis kaagad. I could almost feel his hesitation to go out that door. But he did. Isinarado niya ang pinto at hindi na bumalik pa kung sakaling nagbago ang isip niya.

Biglang tumunig ang cellphone ko kaya agad ko itong binuksan.

You have 1 new message!
Tap to open

This number is not registered in your contacts

Reply | Block | Save

09975293049:
Are you willing to help?

Temper:
Weird fuck
Sent

═════

Shit nasend. Too late to regret now.

═════

09975293049:
Are you?
Seen

This number is not registered in your contacts

Reply | Block | Save

═════

But sometimes a weird old piece of fuck's a bit useful.

═════

Number successfully saved to contact list!
View list




Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon