12 : offer

44 5 16
                                    

ARTEMIS


"Ayos ka lang ba dito?" Tanong ni Trailer kasabay ng paglapag nita ng isang baso ng tubig sa bedside table. Tumango-tango na lang ako sa tanong niya. Paano ba namang hindi magiging ayos? Parang isang buong bahay ang kwartong 'to!

"Art, the offer's still up-" itinaas ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya at umiling iling.

"Wake me up at exactly 7:30 in the morning and I'll give you an answer. Tutal binigyan niyo 'ko ng kwarto para sa gabing 'to, susulitin ko na!" Kinuha ko ang baso at ininom ang laman nito. Napansin kong nakatitig sa'kin si Trailer kaya tumaas ang kilay ko. Sorry. Na-activate na naman 'yung kabaliwan ko.

"Ba't ka nakatitig? In love ka, 'tol? Speed lang?" Kumunot ang noo niya at natawa ng bahagya. Aba't! Anong nakakatawa do'n?

Hindi na din siya nagtagal at umalis na din ng kwarto. Sa wakas.

The offer he was talking about, tungkol 'yon sa pagsali ko sa grupo nila. Naguguluhan pa ako sa mga bagay tungkol dito kaya hindi ako kaagad pumayag. Magulo pa din ang lahat.

Hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi nila pero may kung anong bagay na nagsasabing totoo ang sinasabi nila. I was skeptical about the game like them, anyways. Kung hindi dahil dito ay hindi nila ako makukumbinse.

Detritus. Ano ba'ng meron sa larong 'yon?

Khali sent me the link without discussing anything about it with me. I didn't have a chance to open the app and use it kaya hindi ko alam kung ano nga ang ginagawa nito. Nakalimutan ko na ding itanong 'to sa kanila dahil pinaakyat kaagad nila ako dito pagkatapos nila akong bigyan ng mga detalye tungkol sa ginawa nila.

I should have been more skeptical about the way they act. Ugh! Stupid me!

Wala na 'kong oras para magsisi sa mga desisyon ko. Ako din naman ang may kasalanan at wala akong masisising iba. Speaking of Khali, kamusta na kaya siya ngayon?

▪︎▪︎▪︎

KHALI


"Art? Ikaw ba 'yan?" Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone ko. An unregistered number called me in the middle of playing Detritus, and as far as I know, I never gave out my number except Art. Kahit ang kambal ay hindi ko binigyan ng numero ko. Kaya imposibleng may tumatawag sa'kin ngayon bukod sa kanya.

Tahimik ang nasa kabilang linya. Hindi ito nagsasalita ngunit may naririnig akong mga yabag ng paa. Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko peeo hindi ko masabi kung naglalakad ba ang nasa telepono o may tao sa loob ng bahay.

"Kel? Kal? Sinong nandiyan?" Sumilip ako sa maliit na siwang ng pintuan ng kwarto ko pero walang tao.

Tok! Tok! Tok!

Napaigtad ako nang may marinig akong kumakatok sa bintana. Nabitawan ng kamay ko ang cellphone ko. Tahimik ang lugar kaya nakakakilabot ang biglang pagbagsak nito sa sahig. Kinakabahan man, unti-unti akong humarap sa likuran ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatili na lang ako ng malakas.

▪︎▪︎▪︎

Dean Alvarez
▪︎Active

Dean:
Nasa base ka na pala

Dean:
How are you doing?

Artemis:
Oh my gosh

Dean:
Art?

Artemis:
You sound creepy as hell

Artemis:
Akala ko ba ako na ang kakausap sa kanya?

Dean:
Sue? Bakit nasayo ang cellphone ni Art?

Artemis:
Iniabot ni Trailer sa'kin

Dean:
At ano naman ang gagawin mo diyan?

Artemis:
The usual
Seen

▪︎▪︎▪︎

ARTEMIS

Malamig ang hangin sa labas. Matataas man ang mga pader na nandito ay ramdam mo ang simoy ng hangin. If I hadn't known na wala ako sa bahay ko ay humiga na ako sa semento dito at tumingin sa langit.

I looked to my left and saw Trailer. Kinusot ko pa ang mga mata ko kasi baka si Temper 'to kasi ang tahimik niya. Akala ko din kasi ay hindi niya seseryosohin ang sinabi kong paggising niya sa'kin. Hindi tuloy ako nakatulog ng mas matagal.

Ang ganda na nung panaginip ko, eh.

"Trailer, anong breakfast mamaya?" Humarap siya sa'kin at natawa. Ayon naman pala. Si Trailer nga 'tong kaharap ko.

"The usual? Hindi ko din sigurado." Ipinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa niya at humikab. At dahil nakatingin ako s akanya ay hindi ko naiwasang mapahikab din. Shit. Ang pangit ko pa namang humikab.

Ang tagal naming natahimik. Ang awkward namin, sobra. Para akong napako sa pwesto ko at hindi makagalaw. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nanahimik ng ganito. Pati ako hindi sanay na walang dinadaldal at hindi nagmumura.

Naramdaman kong tumingin siya sa'kin kaya humarap ako pabalik. Nang magtama ang tingin namin ay napahinga na lang ako ng malalim.

"Oo na. Sasama na 'ko."

Nagliwanag ang mukha niya at napangiti ng malapad at akmang yayakapin ako. Grabe naman 'tong isang 'to. Yakap agad? Speed lang?

Agad kong iniharang ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin.

"Sa isang kondisyon," hindi nawala ang ngiti sa labi niya at tsaka tumango-tango. Pucha. Mukhang asong nakikipaglaro sa amo niya, ah. Sorry. Allergic ako sa aso.

"We'll spare Khali. She's my friend. Kaya ko naman siguro siyang kumbinsihing itigil ang paglalaro." Nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso ang hitsura. Natakot ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko kaya natahimik ako.

Tumalikod siya mula sa'kin at akmang hahakbang. Akala ko iiwanan niya ako pero tumigil siya. I heard him curse under his breath. Takte. Kahit gaano pa ako kabaliw sa ibang sitwasyon ay hindi ako ligtas sa nararamdaman kong 'to. Kinakabahan ako.

"Fine." Humarap ulit siya sa'kin at inalok ang isang kamay. Shit. Bakit ba ang pa-fall nitong isang 'to? Diba pwedeng maghinay-hinay muna kami? Ay, shunga. Tumatama na naman ang kabaliwan ko.

Nginitian ko siya at tinampal ang kamay niya. I stuck out my tongue and slapped his hand. I raised my middle finger at his face. Medyo nagulat pa kaya mas lalo akong natawa.

"Gago. Alam mo ba 'yung ibig sabihin no'n?" Nakatingin siya sa'kin na parang gulat na gulat. Nagmura tapos sasawayin ako? Patay tayo niyan. Hipokrito yata 'to.

Inirapan ko siya at tumakbo pabalik sa base.

Nang makapasok ako, nakita kong malayo pa si Trailer kaya tumakbo ulit ako. At ang shunga, may nabangga.

"Hala, sorry!" Pakiramdam ko hiyang-hiya ako kasi tahimik na nagbabasa 'yung tao. Agad kong pinulot 'yung librong nalaglag at iniabot sa kanya. Nang magtama ang tingin namin ay napatanga ako.

"Art?"

▪︎▪︎▪︎

Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon