40 : Top of the Hood

14 1 5
                                    

FLASHBACK
two years ago

"Trailer, it's the middle of the night and we're in the middle of nowhere." Reklamo ng binata sa kakambal habang nakakrus ang mga kamay na sumusunod dito.

"Bro, that's the point. We're stargazing. Alangan namang umaga, diba?" The latter chuckled softly and used both his arms to make a way for both of them through the thick grass.

"We have a fucking balcony. It's not like you remember the exact location of every star that shows up every night at that point of view." Temper retorted. Muntikan pa itong matamaan sa mukha ng mga damo nang biglang humarap ang kakambal sa kanya na nakapameywang at inirapan siya.

Ang arte, Temper thought.

"Do you stargaze every night?" Usisa ng kakambal.

"No reason to."

"Then shut up and see what kinds of different things I see here." Agad na kumunot ang noo ng binatang si Temper sa sinabi ng kasama.

"Kaya ba palagi kang nawawala bigla sa kalagitnaan ng gabi? I thought you might have participated in some form of nocturnal activity." Napabuga ng hangin si Trailer sa binanggit ni Temper. Kahit kailan talaga'y may pagka-green ang utak nito. Or maybe it's just him who's green.

Sandaling natahimik ang dalawa at nagpatuloy na lamang sa paglalakad at paghawi sa damong humaharang sa kanilang daanan. Ngunit nakalipas na ang mahigit isang oras ay hindi pa sila nakakakita ng maliit na espasyong wala gaanong damo tulad ng daang tinatahak nila.

"Let's go home. Gabi na." Reklamo pang muli ni Temper.

"Kanina pa." Mahinang sambit ni Trailer na hindi pa din tumitigil sa paglalakad kahit na malayo na ang pagitan nila sa isa't-isa at napakadilim na. Wala tuloy ibang nagawa si Temper at sumunod na lamang sa kakambal na determinadong mapagmasdan ang ganda ng kalawakan.

Maya-maya pa'y biglang nagkaroon ng malakas na kalabog na para bang isang pagbagsak ng isang mabigat na bagat. Bahagyang kinabahan si Temper at binilisan ang paglalakad. Mas lalo itong kinabahan nang marinig ang malakas na pagtawag ng kakambal sa pangalan niya.

Mabilis itong tumakbo papunta sa direksyon ng kakambal hanggang sa matagpuan niya itong nakatigil at tila nakatitig sa kawalan habang nanlalaki ang mga mata.

Nang tuluyang makalapit kay Trailer ay hindi na siya nagtaka sa naging reaksyon ng kakambal.

Isang puting kotse na umuusok. It was a horrifying scenario. They didn't go here just to see this.

Temper didn't waste another second and called for help. Ngunit sa kasamaang palad ay walang signal sa paligid kaya paulit-ulit itong napamura at nagmamadaling ibinalik ang cellphone sa bulsa at lumapit sa sasakyan.

Labis itong nanlumo sa nakita. Isnag dalaga ang nakasubsob na sa hood ng sasakyan at halos maligo na sa sariling dugo. Nanlalambot man ang mga tuhod ay nag-isip ito sa maaring gawin.

"Trailer! Help me out!" Agad nitong sinigawan ang kakambal na tulala pa din at nakatitig lang sa sasakyang ngayo'y mas marami nang usok ang inilalabas. Natatarantang lumapit ang kasama pero hindi pa din ito makapagsalita sa labis na panlulumo sa sitwasyon.

"We can't move the body. I'll check on them. You go try to call for help. Don't stop." Utos nito kay Trailer na agad na sumunod.

Agad itong lumapit sa babae at agad na inilapat ang dalawang daliri sa palapulsuhan ng dalaga. Napamura siya nang may maramdaman ngunit mahina na ito kaya mas lalo siyang nataranta.

Lumapit siya sa sasakyan upang matingnan kung may kasama ba ang dalaga at mas lalo siyang nanlumo sa nakita. The two adults were very familiar to him and he's sure as hell that he isn't mistaken. Napatingin itong muli sa direksyon ng dalaga at napatakip na lamang sa bibig nang mapagtanto kung sino ito. Nais niya itong lapitan dahil sa labis na pag-aalala ngunit hindi niya maaaring iwan ang mga magulang nito.

Gaya kanina ay tiningnan nito kung may pulso pa ang mga ito ngunit tila mas lalong nanghina ang kanyang mga tuhod at muntikan pang mapaluhod nang mapagtantong hindi na humihinga ang mga ito at wala na ang pulso. Bahagya siyang napaatras at hindi na napigilang mapaluha.

Maya-maya pa'y lumapit sa kanya ang kakambal at sinabing papunta na daw ang tulong. Hindi na ito nakakibo at napayuko na lang.

He was worried. Kaya pala gano'n na lamang ang reaksyon ng kakambal. Both of them were worried sick after realizing that one of their closest friends back then is in a very agonizing situation.

Nang makarating ang ambulansya ay agad na sumama si Temper sa loob at nagdasal na lamang para sa kagalingan ng kaibigan.

Sa sobrang pag-aalala'y nawala sa isip niya ang kakambal na naiwan at hindi na nakasama pa sa loob ng sasakyan. Nang magkaroon ng signal ay agad siyang nagpadala ng isang mensahe upang manghingi ng paumanhin.

Temp:
I'm so sorry

Temp:
Makisabay ka na lang sa mga magulang ni Art

Trail:
Ayos lang

Trail:
I told them not to take the car away

Temp:
Wtf? Bakit mo ginawa yun?

Trail:
Ewan basta bantayan mo yang isang yan

Temp:
Did they revive her parents?

Trail:
No...

Napasabunot na lamang sa buhok ang binata at marahang napatingin sa kababata. Nag-aalala siya sa magiging reaksyon nito sa nangyari.

Napalunok siya at muling kinuha ang telepono mula sa bulsa.

Temp:
Pol, your parents| delete

Temp:
Your sister needs you
Seen

Matapos magpadala ng mensahe sa kapatid ng kababata ay isinunod niya ang matalik nitong kaibigang minsan na rin nilang nakasalamuha.

Temper:
Khal?

Temper:
You're still close with Art right?

Temper:
She needs you

Khali:
May nangyari ba? Nasan kayo?

Sakto namang tumigil ang sasakyan at bumukas ang pinto. Napalunok siya at sumunod sa kababata. Hindi na nito nagawa pang mag-reply sa mensahe ni Khali at sumama sa paghatid sa dalaga sa Emergency Room. Nang harangin siya ng isa sa mga nurse ay wala na siyang ibang nagawa kundi maupo sa isang tabi.

Khali:
Hey!

Khali:
Tangina anong nagyari?!

Temper:
Nasa ospital kami

Temper:
Sa G Central sila dinala

Khali:
Ayos lang ba sila?
Seen

Hindi na sumagot si Temper at napamasahe na lamang sa sentido at lumingon sa direksyon ng Emergency Room kung saan isinugod si Art.

Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon