16 : View

25 1 0
                                    

ARTEMIS


"Dean, nagr-ring 'yung phone mo." Tinatamad kong sabi at tsaka umupo sa harap ng hapag kainan. Nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone ni Dean mula sa kabilang kwarto. Aakalain kong nakakonekta pa sa speaker ang phone niya hanggang umaga.

"Bakit hindi mo pa kinuha?"

"Eh sa tinatamad ako eh. Tsaka ayokong pumasok sa kwarto mo. Malay ko bang baka may nakakalat pang brief do'n." Saktong nainom ito ng tubig kaya muntikan niya na itong maibuga. Lumunok muna siya bago humarap sa'kin. Sinamaan niya ako ng tingin at saka padabog na umakyat sa kwarto niya.

Sabi na nga ba't hindi talaga ako ang isip bata dito eh.

"DEAN! MAY NAHANAP NA 'KO!" Umalingawngaw sa buong bahay ang malakas na sigaw ni Sue. Nagmamadali itong bumaba sa hagdanan at muntikan pang matapilok. Hawak na naman niya ang laptop niyang palagi niyang dala. Buti naman at nakababa na ito. Kakatapos lang magluto ni Trailer ng umagahan at kasabayan lang din niyang bumaba si Temp. Trail na lang kaya itawag ko kay Trailer? Nakakabulol minsan 'yung mga pangalan nila eh!

Nang tingnan ko ang mukha ng kambal, parang nakakita ng multo at nanlalaki ang mga mata kay Sue. Nabitawan pa ni Trail ang sandok na hawak niya. Teka. Parang pamilyar sa'kin 'to ah?

Pati si Sue ay napatigil sa titig ng dalawa sa kanya. Sandaling nanlaki ang mga mata niya tsaka tumingin sa direksyon ko. Automatic na tumaas ang isang kilay ko. Tangina. Baka isipin nila nagtataray ako nang ganito kaaga.

"I mean, nahanap ko na 'yung brief ni Dean. Hehe." Ibinaba nito ang laptop sa lamesa at tsaka komportableng naupo. Napahagalpak ng tawa si Temp at dinampot naman ni Trail ang sandok habang nakangisi. What the fuck? Sabi na nga ba't may brief na nakakalat sa kwarto no'n eh!

"Dean, kain na." Biglang tawag ni Trail na patuloy sa pag kain. Hindi ko namalayang nakaupo na pala si Dean sa tabi ko dahil nakatutok lang ako sa pagkain ko. Masama kasing pinaghihintay ang grasya kaya ngayon pa lang ay lalamunin ko na.

Seryoso ang mukha ni Dean at nakahawak lang sa mga kubyertos. Hindi na nausok ang kanin niya dahil ang tagal na niya yatang tinititigan lang 'yon. Parang sobrang lalim ng iniisip nito at natahimik bigla.

"Hoy, Dean. Nag-aalala ka ba sa nawawala mong brief? Nahanap na daw ni, Sue. 'Wag ka nang mag-alala. Ligtas ang alaga mo."

Hindi maipinta ang mukha ni Dean habang nakatingin sa'kin. Maging si Sue na kanina pa nakatutok sa laptop niya'y mukhang nagpipigil ng tawa. Wala namang imik ang kambal kaya kumunot ang noo ko. Ano bang mali sa sinabi ko? Nagbibiro lang naman ako. Alam ko namang nagloloko lang sila kanina. Pero bakit parang apektado si Dean? So totoo ngang nawawala ang brief niya?! Dios mio!

"Hoy, Sue. Alam mo na ang gagawin mo. Akin na nga 'yang laptop mo." Sa wakas ay nakatapos na kami sa pagkain at nililigpit ko na ang lamesa. Huhugasan ko na din sana ang pinagkainan namin nang biglang inako ni Temp ang gawain. At ang gago. Akala ko pa naman ay nagkakawang gawa. Iyon pala ay nautusan lang ni Trail na may gagawin din at umakyat na kanina.

"At bakit ako?! Ako na nga nakahanap sa kanya eh!"

"Sue, alam mo namang bawal ako diba?" Itatali ko sana ang buhok ko nang marinig ko ang sinabi ni Dean. Anong bawal? Diba sabi nila matagal na nilang ginagawa 'to? Bakit bawal? Paano nangyari 'yon?

"Ugh. Sige na nga! Ingatan mo 'yang si Ace hoy!" Padabog itong tumayo at umakyat ng hagdan. Ace? 'Yung laptop niya? Pinangalanan talaga niya ang laptop niya? Mukha naman siyang matalino kaso bakit parang magkasing utak kami? Malakas kong nasampal ang pisngi ko sa naisip ko kaya napangiwi ako.

Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon