TEMPER
Pagod na pagod ako nang makabalik sa kwarto. It just felt like I had to drop myself on top of the bed face-first. Napamura ako nang tumama ang ibabaw ng ulo ko sa headboard.
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog. Nagpagulong-gulong na ako sa kama pero hindi dumadating ang antok sa sistema ko. I tried to count shit, not sheep, pero puno na ng sama ng loob ang kabilang bakod sa kakatalon ng jebs papunta sa kabilang banda ng bakod.
One hundred and one shit, one hundred and two, one hundred and three, but still, I'm wide awake. Marahas akong tumayo at dumeretso sa banyo. Maglilinis na lang muna ako ng katawan at baka sakaling antukin ako matapos nito.
Matatapos na akong maligo at sabon na lamang sa mukha ang kailangan kong banlawan pero biglang tumigil ang pag-agos ng tubig. Oh, come on! Mahihilam ang mga mata ko nito, eh!
Nakapikit ang mga mata ko nang mapagtanto kong wala na akong ibang magagawa kundi kunin na lamang ang tuwalya at magpunas ng mukha.
"What the fuck?" Ang problema, hindi ko maalala saang direksyon ako huling nakaharap nang magsabon ako ng mukha ko. Kinailangan ko pa tuloy umikot sa buong banyo habang nakahawak sa dingding bilang suporta.
"Ayon!" Agad kong hinatak ang tuwalya at pinunasan ang mukha ko. Nang maaari ko nang imulat ang mga mata ko ay agad akong bumaling sa shower. Agad kong hinawakan ang showerhead at ang maliit na bagay sa dulo nito na may butas na nagsisilbing pinaglalabasan ng tubig.
Kinapa ko ang bawat butas at napansing may manipis at malambot na bagay na nakalawit sa isang parte. Nang ipinadaan ko ang kamay ko dito at nakarinig ako ng kumaluskos mula sa bagay na 'yon ay napangiwi ako.
Plastic. Damn human beings, polluting the fucking Earth.
I looked for a way that I can remove the showerhead's lid. Nakaangat ito sa kabuoan ng shower kaya sinubukan ko itong iikot pero hindi ito natatanggal. Pinaikot ko ang kamay ko sa paligid niyon at kumapa. There were four latches on every side. Madali ko lamang natanggal ang mga iyon sa pagkakakabit at tuluyan itong tinanggal.
As expected, may isang piraso ng plastic labo na nakabara sa loob ng shower. The thing is, may laman ito sa loob. Agad ko itong kinuha at ipinatong muna sa lababo.
Gusto ko mang tingnan kung ano ang laman ng plastic ay minabuti ko nang tapusin ang paliligo.
▬▬▬▬▬▬
"What the fuck is a 16GB flash drive doing inside a shower?"
Pinagmasdan ko ang maliit parihabang bagay na nasa kamay ko at umiling-iling. I never knew people threw away these things but wrap them in a piece of plastic.
Nang matanggal ko ito sa plastic kanina ay tuyo ito at mukhang bago pa. Gusto ko sana itong itabi na lang para sa ibang bagay na pwede itong maging useful kaso baka kung anong laman nito.
Napabuntong-hininga ako at mabagal na lumapit sa laptop ni Trailer. Kaso baka may virus. I mean, it's Trailer's laptop. Bukod sa baka may virus ito ay hindi naman kami magkasundo ng isang 'yon.
Wala na akong ibang nagawa kundi pumunta sa desktop computer na matagal-tagal nang hindi nagagamit. Binuksab ko ito at laking pasasalamat ko na lang na gumagana pa ito. Agad ko namang isinaksak ang flash drive dahilan para lumitaw ang icon nito sa bandang gilid nang buksan ko ang Files.
Accident, ito ang nakalagay na pangalan sa flash drive. May laman itong ilang video. The names of all the videos are different yet the videos itself, though six in total, are filmed using only three cameras.
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Mystery / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.