EPILOGUE

12 1 7
                                    

Two years later...

ARTEMIS

"Khali, tangina, bilisan mo!" Bulyaw ko habang sinusuklay ko amg basa kong buhok. Napamura ako bigla nang may mangurot sa tagiliran ko.

"Ang lakas ng boses mo." Tiningnan ko ng masama si Sue at tumapat sa electric fan.

Paano ba naman kasi, alas otso ang usapang alis namin pero hanggang ngayon ay hindi pa tapos magbihis si Khali! Maga-alas diyes na!

Lalabas na 'yung kambal at lahat, hindi pa din magmadali!

"Kalma lang. Sundo lang naman ang mawawala do'n sa dalawa kapag na-late tayo." Natatawang bulalas ni sue at inagaw sa'kin ang suklay at sinuklayan ako.

"Sira ba kayo? Paano kung hindi sila palabasin?!" Napahiyaw ako nang batukan niya ako at muntik pang tumama ang mukha ko sa electric fan.

"Ikaw ang sira! Dalawang taon lang sila do'n at hindi na lalagpas!" Sigaw nito pabalik kaya natahimik ako. Good point.

Maya-maya pa'y narinig namin ang mabibigat na hakbang ni Khali sa hagdanan nila. Grabe naman 'tong babaeng 'to! Magigiba ang hagdanan nila kahit semento pa 'yon!

Agad akong tumayo at hinatak ang dalawa palabas ng pintuan. Isasara din naman ng mga kapatid ni Khali 'yon kaya hindi na ako nag-abala pang isarado iyon.

▪︎▪︎▪︎

"Temper at Trailer Luciferio, heto na ang sundo niyo!"

Napasinghap ako nang umalingawngaw ang boses ng babaeng gwardiya sa pasilyo papunta sa loob. Grabe naman makasigaw 'tong si Ate, hindi ba mananakit lalamunan niya?

Rinig na rinig namin ang mga yabag nga paa ng mga dumadan kaya nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko. Bakit ba kinakabahan ako? Magkakaibigan pa din naman kami.

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko kaya napamura ako. Magkakaibigan pa naman kami diba?

"Humihinga ka pa ba, Art?" Napatingala ako at napatitig sa nagsalita. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang matangkad na lalaki sa harap ko. Napaawang ang labi ko at naguluhan ng bahagya.

Magkamukhang-magkamukha sila. Sino ang nagsalita?

"Earth to, Art?" Napakurap ako at napasinghap ulit.

Ang kambal!

Napatitig ulit ako sa kanila at napansing nakatitig naman silang lahat sa'kin.

"Problema mo?"

"Napakain ba ng tama 'to?"

"Tangina niyong lahat." Bulalas ko na lang at ibinuka ang mga kamay ko sa kanilang lahat. At gaya ng inaasahan, samut-saring mga reaksiyon ang natanggap ko.

Nakangiwi si Temper habang si Trailer ay nasa kabilang banda na ng kwarto, nakayakap sa sarili niya. Sina Sue at Khali naman ay magkayakap na at nakalabas ang dila na parang inaasar ako.

Ibinaba ko na lang ang mga kamay ko at tumalikod at akmang lalabas.

"Joke lang!" Napakapit ako sa lamesa sa harap ko dahil muntikan na akong tumaob nang lumapit sila upang humakap. Napangiti ako at umikot para yakapin silang lahat pabalik.

Oo na, corny na. Na-miss kong ganito lang kaming lahat.

Nakangiti kaming lahat na bumitiw sa isa't-isa. Agad kaming dumeretso sa van na dala namin at nag-agawan ng upuan.

"Gago, Temper doon ka sa tabi ni Trailer! Ako ang magd-drive!" Giit ni Khali na itinutulak si Temper gamit ang kamay niyang nakapatong sa mukha ni Temper. Palibhasa ay gusto siya nitong agawan ng pwesto sa driver's seat. Natatawa na lamang si Sue na nasa tabi nito at kaming dalawa ni Trailer na magkatabi sa second row.

Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon