THIRD
Sa isang kainan naroon ang dalawang babae. Kapwa hindi nagsasalita at tulad ng dati, ay magkasiklop ang mga kamay na tila kumukuha ng lakas sa bawat isa. Halos isang oras nang narito ang dalawa at ilang beses nang nadaanan ng isang waiter na tila naiinis na dahil wala pang kinukuha ang mga ito magmula pa kanina bukod sa dalawang baso ng mainit na kape.
"Alvarez! Puntahan mo na nga 'yong dalawang babae at paalisin mo na. Ayusin mo ang pagkakasabi at bantayan mo 'yang bibig mo. 'Wag kong malalaman na may minura ka na namang customer kundi, sisisantihin na talaga kita."
Naiinis man sa manager niya ay agad itong tumalikod upang paalisin ang dalawang babae. Nang makarating siya sa tapat ng lamesa ng dalawa ay biglang tumayo ang mga ito. Napatigil ang waiter ilang metro ang layo sa dalawa na nagpalitan pa ng ilang mga salita bago tuluyang lisanin ang kainan.
"Has she read the letter?" Usis ng isa habang inaayos ang sarili kasabay ng pagbitaw sa kamay ng kasama.
"Yeah. Have you planted the copy?"
"Oo. Artemis Cruiz. Matalino siya. She'll get what that is." Tumango-tango ang kasama at hinatak na ang babae palabas ng kainan.
Naiwang nakatayo do'n ang waiter habang nakakunot ang noo. Umiling na lamang ito at saka bumalik sa pwesto. Habang naglalakad ito pabalik ay mas lalo siyang naguguluhan sa pagkabanggit ng isang pangalang pamilyar sa kanya.
Anong kinalaman ng pinsan niya sa pinaplano ng dalawang babaeng 'yon?
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Mystery / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.