THIRD
Kanina pa paikot-ikot ang lakad ng binatang si Trailer sa harap ng Emergency Room kung saan naroroon ang kapatid. Nasa ibang mga kwarto ang dalawang dalaga ngunit nananatili ang isip nito sa kapatid.
Halo-halo na ang mga emosyong rumerehistro sa sistema niya. Pag-aalala, panlulumo, galit, lungkot, ngunit higit sa lahat, pagkalito. Ang mga salitang binitawan ng dalaga kanina ay bumabagabag sa kalooban niya. Nagsalita ito na tila ba may mga bagay itong alam na paniguradong mas lalong magpapagulo sa sitwasyon.
May tiwala ito sa sariling kaalaman ngunit hindi niya maiwasang piliting pagkonektahin ang alam nila ng nakatatandang kapatid ng kaibigan at ng dalagang nagpupuyos sa galit habang nagsasagutan sila.
Napasabunot na lamang ito sa buhok at padabog na naupo. Pilit nitong kinakalimutan ang mga sinabi ng dalaga ngunit talagang ayaw maalis ng mga ito sa kanyang isipan. Impit siyang napamura at paulit-ulit na tinanong ang sarili niya tungkol sa mga pinaggagawa nila.
▬▬▬▬▬▬
CONVERSATION A
two years ago"Come on. It's just a simple game. I mean, we have the brains, the passion, and the courage!"
"That doesn't make any sense to me."
"Sa'yo 'yon! Ikaw? Ano sa tingin mo."
"Wala tayong pera para mai-submit 'yan sa kung anong kompanya para mai-release. Sayang ang oras. Wala din namang maglalaro niyan."
"I beg to disagre, honey─"
"Kadiri ka! Pahoney-honey ka pa diyan. Hindi talaga kami papayag, sige ka."
"Grabe naman! Sige na, wala nang honey. Pero diba may mga games na pwedeng ipasa through link? Hindi naman na ata kailangan ng pera sa gano'n. Tsaka, 'wag nga kayong nega! Malay niyo, may magka-interes sa laro natin."
"Virus tawag do'n, tanga!"
"Tse!"
"Eh, paano nga 'yung oras? May pasok pa tayo, tandaan mo."
"Sinabi ko ba'ng 'yun lang ang gagawin natin buong magdamag?"
"Ay, basta! Ayoko. KJ na kung KJ. Sa ayoko, eh."
"Pleaaaaase?"
"Yuck. Ew. Pweh! Magtigil ka nga sa kagaganyan mo! 'Di bagay!"
"Oo na, papayag na ako. Isa na lang ang kukumbinsihin mo."
"Bakit? Hindi mo ako tutulungan?"
"Ayoko. Pinagbigyan na kita. Bahala na kayo diyan. Uuwi na 'ko. Bye!"
"I hate you na talaga!"
"Babawiin ko ang sinabi ko, umayos ka."
"Sige na! Layas!"
"K. Bye."
"Oh, ano na? Payag ka na dali!"
"Ayoko nga. Pwede naman kayong dalawa na lang, diba? Moral support na lang ako. Bye!"
"Hoy! Bumalik ka nga dito! Bwisit kayo! Oo na! Babye na!"
▬▬▬▬▬▬
CONVERSATION B
two years ago"Oh? Akala ko ba ayaw mo?"
"Aalis na nga lang ako. Bye."
"Hoy, teka! Joke lang 'yon. Balik ka na dito. Nabobobo na kami sa grammar."
"Ay, gago. 'Yun lang role ko?"
"Hindi. Moral support din─ Teka, 'wag mo 'kong hahampasin! Meron ako ngayon!"
"Ang kulit niyo! Magsiupo na kayo nang matapos tayo!"
"Aluh, tatapusin nating ngayon? Mukhang inaantok na nga 'tong isang 'to. Namumugto mga mata. Mukha tuloy kamatis."
"Pakyu."
"Tanga 'wag kang mang-away. Bakit nga namumugto mata mo?"
▬▬▬▬▬▬
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Mystery / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.