14 : mission

37 2 6
                                    

DEAN


"The mission was to track down Bea Alfonso and execute her. She was Temper and Sue's mission. Sue was the tracker with Temper as the-well, you know what I mean." Para akong kinakapos ng hininga habang pinapakinggan magsalita si Trailer. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Art. Baka bigla siyang tumakbo at umalis sa base.

"Because it's a mission, w-wala kayong choice kundi gawin at tapusin 'yon?" Nanginginig ang boses ni Art. Shit. Her feet are unconsciously pointing towards the door, probably planning to run away. I had to move towards the door to prevent her from running away.

"Oo. Here in this group, the mission is the rule. Hindi dapat masuway o makaligtaan kasi oras na hindi mo magawa ang nakaatas sa'yo, who knows what'll happen. I heard the first batch of members went missing after-" Pinanlakihan ko siya ng mata dahil itong katabi ko'y mukhang maiiyak na. Kung gaano siya kakulit kanina ay siyang iyakin niya ngayon.

"A-Anong nangyari sa kanila? Did they die?"

"Hindi namin alam ang nangyari sa kanila. Pero parang ilang taon na rin mula nang mawala sila at hindi na muling nakita. Nang malaman namin ang tungkol sa kanila, wala kaming ibang nagawa kundi ang sumunod sa mga misyon na inilalatag sa harap namin."

"So napilitan lang kayo?" Kung hindi ako nagkakamali, nawala na ang takot sa mga mata niya. She's curious.

"They didn't do anything to us para sumunod kami. Siguro dahil na lang sa takot kaya napilitan kami. They didn't blackmail us nor threaten us kaya kampante kami at sumunod na lang sa nagbibigay ng misyon."

"Paano ba kayo napasok dito? I mean, I don't think they accept members na bigla na lang nag-volunteer diba?"

"No, they don't. Kaming dalawa ni Dean ang nauna dito kaya malabong basta na lang silang nanghuhula sa isasali nila sa grupo. When Temper, Sue, and you were added to the list of people we had to track down, akala namin isa kayo sa mga target namin. Pero nang mahanap namin kayo at puntahan sa mga bahay niyo ay nakatanggap kami ng order na babantayan lang namin kayo at hindi gagalawin."

"Bakit hindi kayo ni Temper and magkasabay?"

"I think you should ask him that. It's not my story to tell. But yeah, wala kami sa iisang bahay noong mga panahong 'yon."

Natahimik si Art kaya napatitig ako sa kanya. Para siyang nakatingin sa kawalan at malalim ang iniisip. She's a very smart girl, sigurado akong may tanong siyang ibabatong hindi kaagad namin masasagot o hindi namin kayang sagutin dahil hindi namin alam. All these questions she asked, it wasn't the same questions the others said.

"Sino ba'ng nag-uutos sa inyo?"

Natahimik kaming dalawa. Kulang na lang ay may butiking mag-ingay sa sobrang tahimik namin. Para kaming nabato sa pwesto namin ngayon. Kasi kahit kami ay hindi alam ang isasagot sa tanong niya. Shit.

"No way. Hindi niyo alam? What the fuck? Anong kalokohan 'to? Pa-kidnap na lang ba 'ko? Bakit parang mas ligtas ako sa mangingidnap sakin kasi wala akong ibibigay na pera at baka pakawalan din ako? Shit. Shit. Shit. Bakit hindi niyo alam?!" She looked stressed. Nakalapat ang mga palad sa kaniyang pisngi. How cute. Kaso mukhang nauntog noong bata pa kaya medyo kakaiba.

"You were basically kidnapped, Art." Natawa ng mahina si Trailer at sinamaan siya ng tingin ni Art. Mas lalo lang natawa itong katabi ko kaya ang sama ng mukha nitong isa. Ano ba'ng pinag-uusaan nitong mga 'to? Na-kidnap na ba si Art?! Kaya ba siya gano'n mag-isip kasi nadukot talaga siya at nauntog kasi tumakbo siya ng mabilis nang mapakawalan?!

Great! Now I sound like Art. Wala pang isang linggo si Art dito nahahawa na 'ko.

▪︎▪︎▪︎

ARTEMIS

I tried very hard to laugh Trailer's joke off kaso nainsulto ako ng very very light kaya sinamaan ko siya ng tingin. At saka isa pa, masama sa puso ang takot at overthinking kaya naghanap ako ng paraan para maging kuryosidad ang takot ko.

Which is a risky choice, pero mas maganda pa rin kesa naman manatili akong takot sa bagay na hindi ko pa naman nahaharap. Sabi nga nila, unless you don't do what you need to do, you won't know what you need to know.

But it doesn't mean that I'm not afraid of the possibilities. Lalo na nang malaman ko ang tungkol sa first batch ng grupong ito na biglang nawala at hindi pa rin nakikita hanggang ngayon, at wala silang kaalam-alam sa katauhan ng nagbibigay ng mga utos sa kanila, and soon, sakin din.

Not knowing who runs this organization is terrifying, lalo na dahil baka mapaano kami at wala kaming laban dahil wala kaming ibang masisisi.

"Tara na sa kwarto mo, Art." Tumango ako at sumunod na kay Dean.

Ang tagal naming naglakad. Parang sobrang layo naman ng kwarto ko kung iisipin ko. I don't think I'll ever not get lost in this place. Masyadong malaki at malawak 'tong lugar na 'to kaya siguradong mawawala ako.

Missions. Tracking. Executing. The first batch going missing. Pucha. May mas malala pa ba dito?

Litong-lito na ako. Para akong paikot-ikot sa iisang lugar pero ni isang detalye walang nagtutugma. I don't even know what Detritus is. Kung anong ginagawa dito. Anong meron dito at umaabot sa patayan ang paglalaro dito.

"Art, may naintindihan ka ba sa mga sinasabi namin? You can ask me anything kung may hindi ka maintindihan." Biglang nagsalita si Dean kaya medyo nagulat ako. Napaisip tuloy ako bigla sa mga dapat kong itanong.

"Ano ba'ng meron sa Detritus?"

Napakamot siya sa batok niya at saka sumagot.

"It's an app for the bored, 'yung as in wala nang magawa sa buhay at puro kagaguhan na lang ang ginagawa. It gives dares and orders. Sa una ay madali lang gawin ang mga utos nito pero kapag tumagal at tuluyan na nitong nakuha ang loob ng naglalaro, in simple words, addicted na ang player ay unti-unti nang magiging seryoso at mahirap ang mga gawaing ibinibigay nito."

"Hindi siya ganoon ka-advanced pero may bagay dito na nakakahatak ng atensyon. Because the app can only be downloaded by a link, hindi ito basta basta makukuha ng kahit na sino hanggat walang nagpapasa sa kanya ng link at kung hindi niya ito pipindutin."

"Whoever created this damn app must be crazy. Buti na lang at dito lang sa Gilmore kumalat ang app. For some reason, the link cannot be accessed by people outside Gilmore."

Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Dean. Parang alam na alam niya kung paano ang takbo ng laro at kung ano ang epekto nito sa mga tao.

But seriously? Parang ang common naman ng objective ng larong 'yon. There are plenty of things to do when you're bored.

"May itatanong ka pa ba?" He opened the door to my room and switched on the lights. Smiling ear to ear, I hesitate to ask my question. Pakiramdam ko kasi ay mawawala ang ngiti sa mukha nito kapag tinanong ko ang gusto kong itanong sa kanya.

"Nasa'n 'yung CR? Medyo naiihi kasi ako eh."

▪︎▪︎▪︎





Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon