THIRD
Sa loob ng isang madilim na silid naroroon ang isang binata at ang isang dalagang walang malay. Nakatitig lamang ang binata sa dalaga gamit ang mga matang walang kaemo-emosyon.
Sa isipan nito'y naglabolabo na ang iba't-ibang hindi makataong paraan ng pagkitil ng isang buhay. Nakakrus ang mga kamay nito at animo'y napakalalim ng iniisip. Tila ba natauhan ito at mabilis na humarap sa isang lamesa kung saan naroon ang iba't ibang uri ng patalim.
Slow and painful, two words lingered inside the livid man's head.
Dahan-dahan itong nagtungo sa lamesa habang walang buhay na nag-inat. Inikot nito ang paningin sa nakahilerang mga patalim hanggang sa tumigil ang kanyang mga mata sa isang matalas na kutsilyong may bahid pa ng natuyong dugo. Agad niya itong kinuha at pinakiramdaman.
Iwinasiwas niya ito sa ere na tila ba pinag-aaralan kahit na ilang beses na niya itong nagamit. Walang emosyon itong lumapit sa dalaga at unti-unting inilapit ang patalim sa leeg nito. Marahan niya itong pinadaan sa balat ng dalaga na agad niyang nasugatan ng walang kahirap-hirap. Mabilis na umagos ang malapot na dugo mula dito.
Sa oras na iyon ay nagmulat ng bahagya ang dalaga. Bumungad sa mga mata nito ang mukha nang binata kaya napatili na lang ito sa labis na pagkagimbal at sakit na unti-unting rumerehistro sa utak ng dalaga.
Mas lalong lumamig ang titig ng binata dito at marahang iniangat ang patalim at inilayo sa leeg ng biktima. Pumikit siya at napaisip.
Do it, don't hesitate, bulong ng isang malambing ngunit nakakikilabot boses sa binata na tila gusto nang takpan ang mga tenga ngunit hindi magawa dahil labis itong naniniwalang may patutunguhan ang kanyang ginagawang pagsunod sa boses.
Marahas itong umiling at bumuga ng hangin. Hinigpitan niya ang hawak sa kutsilyo at dahan-dahang itinaas sa gitna ng ulo ng dalaga. Mabagal niya itong itinusok sa ulo ng dalaga na napatili na lamang sa sobrang sakit habang mas lalong lumalalim ang pagkakabaon ng patalim sa kanyang ulo.
Nagtatalsikan man ang dugo ng dalaga sa puting damit ng binata ay wala itong pakialam. Sandali itong tumigil at binatawan ang kutsilyo. Inilapit niya ang mukha sa dalaga at siniguradong nakatingin ito sa kanya. Hinawakan niya ang baba ng hinang-hina nang dalaga at pumipikit na at bumulong sa hangin.
"Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo." Mariing sabi ng binata kasabay ng pagtangis ng bagang nito at ikinuyom ang kamao. Nanghihinang umiling ang babae at binuksan ang bibig, "H-Hindi ko a-alam ang─"
Bago pa nito matapos ang sinasabi'y agad na tumayo ang binata't buong lakas na isinaksak sa ulo ng dalaga ang kutsilyo. Nagbigay ng isang makapanindig-balahibong sigaw ang biktima na unti-unti nang nawawalan ng ulirat. Umaagos ang dugo nito pababa sa kanyang damit na ilang araw na niyang suot.
Umiwas ng tingin ang binata at huminga ng malalim. Nanginginig ang mga kamay niya at pati ang paghinga niya'y nanginginig din. Itinaas niya ang mga kamay sa harap ng kanyang mga mata. Punong-puno ito ng dugo at marahas na nanginginig. Napalunok siya ng madiin at bumuga ng hangin.
Don't regret, no regrets, pagkukumbinsi ng binata sa sarili habang mabilis at madiing ipinupunas ang mga kamay sa damit na wala nang mapaglagyan ng dugo.
He huffed and puffed, his chest moving up and down, his heart racing and eyes blurred with resentful tears. Malakas itong sumigaw at malakas na hinataw ang ulo gamit ang nakakuyom na noo.
"Para sa kanila 'to, hindi sila magagalit sa'yo." Bulong pa ng binata sa sarili.
▬▬▬▬▬▬
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Mystery / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.