ARTEMIS
"Artemis! Bumaba ka dito, ngayon na!" Napabangon ako mula sa kama at nagmamadaling bumaba nang marinig ko ang sigaw ni Mommy.
"B-Bakit po?" Pinagmasdan ko ang mga itsura nilang galit na galit habang masama ang tingin sa'kin. I remember feeling flustered and terrified seeing their cold gazes.
"Pinalaki ka namin ng tama ng ama mo pero bakit nagkakaganyan ka?!" Kumunot ang noo ko pero hindi ako sumagot. Naguguluhan ako.
"Artemis, nakikinig ka ba?!" I quickly nodded and met their gazes. I know very well they hate seeing us averting our gazes when they reprimand us. Gusto nilang malaman namin na para sa amin ang ginagawa nila.
But at that time, I thought, bakit nila ako pinapagalitan? Anong ginawa kong mali para pagalitan nila ako ng ganito?
My dad raised his hand, holding a piece of paper that was near unrecognizable. Gusot-gusot na ito at kulang na lang ay mapilas na sa higpit ng pagkakahawak ni Daddy sa papel.
"Detritus. A game that will soon cause chaos if you continue. Anong pumasok sa kokote mo at sumama ka pa sa mga kaibigan mo sa mga kalokohan nila?!"
"P-Po?" Naguguluhan kong tanong habang pilit na iniintindi ang laman ng papel.
"Don't play dumb with us, Artemis. Hindi kami nakikipagbiruan sa'yo!" I could feel a lump in my throat as I stared at them, puzzled.
Noong mga panahong iyon ay wala akong balak na makisali pa sa paggawa ng larong 'yon. I didn't want to get involved because I thought it was stupid and a waste of time.
Pero hindi ko na napigilan pang sumagot dahil sa sinabi ni Daddy. What chaos? Anong sinasabi nila?
At paano nila nalaman ang tungkol do'n?
"Dad─"
"Si Khali ba? Siya ba ang nag-suggest na gawin niyo 'to?! Sabi ko na nga ba masamang impluwensiya ang batang 'yon. Hindi 'yon nababantayan ng tatay niya kaya kung ano-anong─" I felt offended kahit na kaibigan ko ang pinagsasabihan nila ng masama. Pero iyon na nga, eh! Kaibigan ko si Khali!
"Where did you get that, Dad?" I tried to keep my voice calm so I wouldn't raise my voice at them. They're still my parents afterall.
"Sa Kuya mo! Kung hindi pa sinabi sa'min ni Apollo, hindi ka magsasabi, ano?!"
"Kay Kuya? Paano naman po malalaman ni Kuya? I never told him about it─" Before I could even explain myself, Mom cit me off.
"It doesn't matter how he knew! Ang mahalaga ay alam namin ang tungkol sa mga kalokohan mo! Artemis naman, anak─"
"I never agreed─"
"Oh, stop with the bullshit, Artemis Cruiz! Bukas din ay lilipat ka ng paaralan! Doon ka tumira sa Tita Hera mo! Siguraduhin mo lang na magtitino ka dahil sinasabi ko sa'yo, hindi mo na makikita ang mga kaibigan mo!"
I had enough with their words. I felt so suffocated. Hindi nila ako pinapakinggan. Ni isang salita wala silang tinanggap. And Dad... minura niya ako. Sa buong buhay ko, noon lang ako namura ng ama ko. And it hurt. It hurt more than the baseless accusations.
Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko na nagawa pang magsalita. Hinayaan ko silang sigawan ako at pagalitan ako sa mga bagay na hindi naman totoo.
Hanggang sa nagmamadaling bumaba ng hagdan si Kuya.
I just... lost it.
Pati sarili kong katawan gusto nang takasan ang sitwasyon. Nagmamadali akong lumabas. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa marating ko ang bahay nila Khali.
"Oh, akala ko ba ayaw mo?" Khali's voice was teasing and playful. I was not in the mood for jokes but I tried to laught it off and sound as normal as possible.
I puckered my lips and said, "Aalis na nga lang ako. Bye."
Akala ko no'n tuluyan na akong aalis dahil nagpaalam ako pero laking tuwa ko nang hatakin ni Khali ang kamay ko para pigilan ako. Bumungad sa mukha ko ang nakabungisngis na si Khali.
"Hoy, teka! Joke lang 'yon. Balik ka na dito. Nabobobo na kami sa grammar." Sinimangutan ko sita at tuluyan nang naupo sa harap nilang dalawa ni Sue na nakatutok sa laptop.
"Ay, gago. 'Yun lang role ko?"
"Hindi. Moral support din─ teka 'wag mo 'kong hampasin meron ako ngayon!" In a matter of seconds nagtatawanan at naghahampasan na kami. Kahit papano'y gumaan ang loob ko.
"Ang kulit niyo! Magsiupo na kayo nang matapos na tayo dito!" Biglang sigaw ni Sue kaya napatigil kami at bumungisngis lamang na ikinailing niy.
"Aluh, tatapusin natin ngayon? Mukhang inaantok na 'tong isang 'to. Namumugto ang mata. Mukha tuloy kamatis."
I raised my middle finger and cursed at her. Natawa na lamang silang dalawa at pinakyuhan din ako.
"Tanga, 'wag kang mang-away. Bakit nga namumugto ang mata mo?"
"Huy! Nakikinig ka ba?" Tila bumalik ako sa realidad nang pitikin ni Temper ang noo ko. Inikot ko ang paningin ko. All five of us were here. Except Kuya and that... guy.
Nakarinig ako ng buntong-hininga kaya napatingin ako sa gilid ko. Si Trailer pala.
At kaharap niya si Khali.
Naglalaro ng bato-bato-pik. Tangina lang talaga.
I guess it's fine. Medyo awkward, pero ayos na. He knows the plan. Naturally, he now knows the truth, too. There would be no reason to be angry at each other. Rinig ko pati sila ni Sue ay nagkaprpblema.
Mabuti na lang nagkaintindihan na sila.
"Hindi ka na naman nakikinig." Napaharap ako kay Temper na nagsasalita pala. Nakasimangot na naman siya at halatang naiinis na.
Nakataas ang kamay nito at nakasarado.
"Ano ba kasi 'yon?"
Hindi siya sumagot at sa halip ay ngumuso sa direksyon nina Khali at Trailer na ngayo'y kalaro na din si Sue.
Napailing na lang ako at iniangat na din ang kamay ko.
"Bato, bato, pik!" Wala pang ilang segundo'y nakaramdam ako ng kirot sa noo ko. Pinitik niya ako!
"Bakit mo ako pinitik?!"
"Panalo ako." Napatingin ako sa kamay naming dalawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Papel ako tapos ikaw bato, ako panalo!" Inangat ko din ang kamay ko para pitikin ang noo niya. Akala ko iiwas siya pero nanatili siya sa pwesto kaya napitik ko siya.
Napatingin ako sa hitsura niya at nakangisi na naman ang gago.
Nako! Papitik nga ulit sa noo!
▬▬▬▬▬▬
thenewtyphoon:
Napansin kong medyo
gloomy 'yung past chapters
kaya medyo chill muna
ngayon HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Mystery / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.