SUE
"What the─" Napaatras ako nang bumukas ang pintuan sa kwarto ni Art at lumabas ro'n si Trailer na parang nagmamadali. Hindi na niya ako nagawang pansinin at mabilis na naglakad palayo. Hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat o hindi dahil kanina lang ay itinulak niya ako palayo.
And why the fuck is he wearing a lab coat? At sino ang kasama niya?
I opened the door and my eyes widened at the sight. Nakaupo sa sahig si Temper habang si Art ay umiiyak habang nakahiga sa kama niya. Shit, she's awake!Nagmamadali ko siyang nilapitan at pilit na inaalo.
Tiningnan ko si Temper at napalunok nang makitang papikit na siya. Bakit ba siya nandito? Bakit naman dinala ni Trailer ang kakambal niya dito kahit na alam niyang delikado pa ang lagay niya?!
Umalis muna ako sa tabi ni Art at tinapik-tapik ang pisngi ni Temper.
"Temper? Temper anong nararamdaman mo? Tangina naman no'ng kakambal mo!" Yuyugyugin ko na sana ng mahina ang katawan niya para manatili siyang gising pero nakapikit na lang pala siya.
Sana naman ang dahilan kaya lumanas si Trailer ay para kumuha ng doktor para kay Art at para matulungan ang kaparid niya. Wala akong balak na iwan silang dalawa dito.
I just have to wait. I sat beside Temper and tried to move his body so his head was on my lap. Hindi pa naman pwedeng mabinat ang katawan niya kaya kailangan palaging maayos ang pwesto.
I waited for minutes. It felt so long I thought of going outside myself to call for help. What's taking him so long to call for a doctor or atleast a nurse?
Napasinghap ako nang biglang mamatay ang ilaw.
What the fuck is happening now?!
▬▬▬▬▬▬
TRAILER
I kept tapping my shoes on the floor as I wait for Apollo to return. Mag-iisang oras na nang umalis ako para tumawag ng doktor at ikuha si Temper ng wheelchair pero tinawag ako ni Apollo.
He said it was urgent. How could I ignore that?
But my brother is waiting and I have to─ Fuck this!
Mabilis akong naglakad at hinanap si Apollo. Nakababa na ako sa sumunod na floor nang maabutan ko siya sa labas ng exit at may kausap pa din sa telepono. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero bakas sa mukha ni Apollo ang kaba at pagkabalisa. He was pacing continuously without moving his lips.
Hindi siya nagsasalita? Bakit?
Maya-maya pa ay marahas niyang ibinaba ang cellphone niya at kasabay no'n ang pagpatay ng ilaw. Agad kong binuksan ang flashlight sa phone ko at itinutok iyon sa direksyon kung saan nando'n si Apollo. Napamura ako nang hindi ko siya makita do'n.
Saan siya nagpunta?!
▬▬▬▬▬▬
CONVERSATION
two years ago"This─ Hindi mo naman ako niloloko diba?"
"You've seen it with your own eyes, Apollo. I sent you the link, didn't I? You downloaded and played it. Naniniwala ka na ba?"
"..."
"You have to tell your parents, Apollo. Ayaw mo namang masangkot pa sa ganitong sitwasyon ang kapatid mo, diba?"
"..."
▬▬▬▬▬▬
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Mystery / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.