22 : Too short

21 1 0
                                    

ARTEMIS


Humahangos akong nakarating sa isang abandonadong gusali. If I hadn't learned atleast the basics of locating someone, baka hanggang ngayon ay hinahagilap ko pa si Khali. The problem is, I can't actually see her. Medyo kinabahan tuloy ako dahil baka hindi tama ang ginawa kong pagt-track ng location niya.

Nagsimula akong maglibot sa buong gusali. Kung titingnan mo itong mabuti, parang isang langgam na lang ang tutungtong dito't magigiba na. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. I kept looking for another door but there was nothing.

Iikutin ko sanang muli ang buong lugar nang biglang tumunog ang phone ko na nasa bulsa ko. I quickly grabbed it and answered. Ni hindi ko na naisip tingnan kung sino 'tong kausap ko. Nanginginig ang mga kamay ko at namamawis. Muntikan ko pang mahulog ang hawak ko ngunit mabuti na lang at agad ko itong nasalo.

"Art, I can literally hear your footsteps. Look beneath you." Napabuntong-hininga ako sa narinig. I immediately looked down and realized I was stepping on a big piece of plywood.

Agad akong umalis sa pwesto ko upang maiangat ang kahoy. Well, I tried to, but it wasn't budging. Tatawagan ko sanang muli si Khali kaso kahapon pa ako nakatanggap ng notification na expired na ang load ko. Shit. I knew Dora can't always be prepared.

But she's smart. I think.

Bumalik ako sa dati kong pwesto at huminga ng malalim. Nagsimula akong tumalon talon. I could hear the loud ringing of my phone but I didn't stop. Patuloy akong tumalon hanggang sa makarinig ako ng mahinang tunog na nagmula sa plywood na tinutungtungan ko. Muli akong huminga ng malalim at tumalon, giving my full strength. At tulad ng inaasahan, natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa semento.

"Oh my gosh, Art! Alam kong gago ka pero hindi ko naman alam na ganito ka kagago! Inuulit ko! Gago ka!" Napangiwi ako sa mga pinagsasabi ni Khali na sa hula ko'y naialis na ang tali mula sa kanyang mga kamay at paa. Pretty cool, ay? She's a badass that doesn't have an ass.

Mas lalo akong napangiwi sa naisip ko.

Sorry, not sorry. Good job, Dora.

Napahiyaw ako sa sakit nang bigla akong hatakin ni Khali sa braso dahilan upang makatayo ako ng biglaan. Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka pinagpagan ang damit ko.

"How the fuck did you grab your phone from your fucking kidnapper?" Sa lahat ng pwede kong itanong ay 'yan ang unang lumabas sa bibig ko. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Khali. Pero agad din itong bumalik sa dati kaya napangiwi ako. Nakabungisngis na naman ito na parang timang.

"Magic." She said, not bothered by my glares. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya. Palagi na lang ganito. Sa dami ng beses na nadakip siya ng dahil sa mga kalaban ng ama niya sa negosyo nila ay natuto na itong pakawalan ang sarili mula sa pagkakatali. Kahit kadena ay madali na niyang natatanggal. At sa tuwing maililigtas siya at tatanungin kung paano nito nagawang pakawalan ang sarili ay ito ang sasabihin. The twins' words, not mine.

Napakamot na lang ako sa ulo ko, "Naaalala mo ba kung sinong kumuha sa'yo?"

Mabilis siyang umiling. She was sweating all over. Her hair was messy but looked hot as ever. Kung hindi siguro ako mas straight pa sa poste ng kuryente ay magkaka-girl crush ako ng wala sa oras.

At nawala na naman ang utak ko. Shit.

"So, how are we going to get out?" She asked, hugging her body. Fuck. Bakit naka pantulog pa siya? Of course she couldn't have expected she was going to be kidnapped but heck, it's way past noon and the sun's way up. She's shivering. Namumutla ang mukha niya.

"Nasaan ang upuang ginamit sa'yo? You're tall. Baka kaya mong umakyat."

"Here it is. Paano ka?" I smirked at her question. Ako pa? Para namang hindi niya alam na ako ang pinakamataas tumalon sa klase namin. Kahit hindi ako katangkaran ay kaya ko namang gumawa ng paraan. I wouldn't have escaped the accident with my parents with a bleeding head if I didn't know what to do, right? Great. Now I'm being overdramatic.

"Kaya ko. Umakyat ka na nga!" I grabbed the chair behind her and placed it below the damage I made. Malaki-laki din ito kaso matatalas ang paligid at pwede kaming masugatan dito. Mabuti na nga lang kanina at kaunting gasgas lang ang nakuha ko nang malaglag ako.

She sighed and stepped on the chair, holding on my shoulder for support. Nang makaakyat siya ay lumagpas pa sa balikat niya ang nakalabas sa butas. She hesitated to grab on the plywood for a while but I managed to convince her. Baka daw kasi mabuwal ang kahoy.

"Art! Grab my hand!" Agad akong tumungtong sa upuan. Pasalamat na lang ako at nakalabas ang ulo ko sa butas. See? I'm not that short!

Napakamot si Khali sa ulo niya at saka hinatak ang kamay pabalik. Ipinatong ko ang kamay ko sa kahoy at sinubukang iangat ang katawan ko. I heard a slight crack kaya mas lalo kong idiniin ang kamay ko para makataas. But louder cracks followed and I found myself lying on the ground once again.

"Art!"

Ang sakit ng katawan ko. Napamura na lang ako nang hindi ko maigalaw ang katawan ko. I could hear Khali's voice but it was faint. Nagsisirko ang paningin ko at nagbabadyang magsara ang talukap ng mga mata ko. And my head fucking hurts.

And it all came to the point where I just had to close my eyes and embrace the darkness.

▪︎▪︎▪︎▪︎

thenewtyphoon:
Sorry I hadn't updated in a while. Medyo busy kasi sa school lalo na kasi patapos na ang school year. Ino-organize ko din kasi ang plot para maging maayos ang takbo. Goodmornight! (It's currently 12:24 AM sooo hehe)


Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon