33 : No need

22 1 0
                                    

ARTEMIS

Days passed by faster than I wanted to. Temper and I are stuck with what we've learned since days ago and both of us are frustrated. Pakiramdam ko magkapareho na kami ng ugali ni Temper dahil nahahawa na ako sa kasungitan niya.

It's like we're running around in circles. We'll stop at one point and go around many times until we're pissed off by the fact that we'd stop at the exact same place. To be honest, if it wasn't for our frustration over not knowing things we should, we would have stopped halfway through which we're far from.

And as the days go by, the memories with my brother flush back in. Making it harder and harder for me to hold back on trying to use the little sister card on him to spill the beans. Nahihirapan na din akong tawagin siya ng Dean without the word 'kuya' and when his name's Apollo.

Kuya Apollo. What happened in those two years we didn't meet? Bakit nagkahiwalay kami? Bakit hindi siya nagpakita? All of these questions haunt ny mind every time I see his face which does resemble mine. Very uncanny for me not to notice.

And answering these questions make it harder when the memory of the argument in my dream still hasn't resurfaced.

What happened that night after I ran to Khali's house? Why was I so afraid to open the door. Why were my parents shouting at me? Another set of questions flood my head every time I reminisce the memories with my brother and I feel like something's missing. God, this is driving me crazy.

What can I say? Matagal na akong baliw.

"Art!" Napasinghap ako at tuluyan na akong bumalik sa wisyo. Napakurap ako nang matagpuan ko ang sarili ko sa dining table. Sa lalim ng iniisip ko'y nakalimutang kumakain kami. Very unusual. Not to mention na masarap ang ulam namin. What the fuck is happening to me?

I feel like I have disrespected the food in front of me so I closed my eyes tight and said sorry. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa at nanggaling ito sa katabi ko.

"Ku- Bakit ka tumatawa?!" Muntikan na akong madulas. Napatingin ako kaagad kay Temper na nakangising nakatingin sa direksyon ko. My eyes unconsciously landed on his twin who was also looking at me like he was looking at some hot girl. Guess what? I am!

Napakamot ako bigla sa batok ko. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak ko. Well, atleast this part of me is still here. Baka mamaya kami na ni Temper ang magkakambal nito.

"Go back to eating, you pig." Biglang singhal ni Temper na nakalukot na naman ang mukha. Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na kinuha ang kutsara't tinidor.

"Isip bata." Napatingin ako bigla kay Sue na nakangiti ng bahagya. Pinagtritripan ba ako ng mga 'to?! Aba! Ako na naman ang nakita ng mga insulto nila, ah!

Binilisan ko na lang ang pagkain ko dahil baka makarinig na naman ako ng patong-patong na mga pangungutya ng mga kasama ko.

"Patay gutom-"

"Pakyu all mga tangina kayo!" At naghagalpakan naman ng tawa ang mga gago. Argh! Nakakainis! Napanguso na lang ako at tinapos ang pagkain ko. Humanda talaga sila sa'kin!

▬▬▬▬▬▬

Imbes na sa kwarto ko ako dumeretso nang makaakyat ako ay sa kwarto ni Sue ako tumuloy. Hindi ko na kailangan pang magtago dahil nitong mga nakaraan ay dinalasan ko ang pagpunta dito para kapag nakita niya 'ko dito ay hindi na siya magtataka pa. Genius ko talaga!

Nang makapasok ako ay agad kong isinara ang pinto pero hindi ito ikinandado. Una kong hinalungkat ang kumpol ng papel na makalat na nakapatong sa lamesa. Minaigi kong kunan ito ng litrato para kapag ibinalik ko ito sa dating pwesto ay narito pa din sila sa pinaglagyan nila.

Marami-rami ang mga papel kaya binilisan ko pa. Pupunta na sana ako sa desktop ni Sue na iniwan niyang nakabukas nang may mahagip ang mata ko sa ilalim ng lamesa. Lumuhod ako para abutin ito. Bago ko intindihin ang ano mang nakasulat dito ay kinunan ko din ito ng litrato at sinigurong malinaw ang pagkakakuha ko dito.

Pinagmasdan ko ang papel at nakaprint dito ang mga salita, numero at simbulo na hindi ko maintindihan. Magkakahalo man ang mga ito ay maayos itong naka-organisa gamit ang iba't ibang kulay ng mga salita na parang sinasabing magkakasama ito sa isang kategorya.

Hindi ako sigurado, but it looks like a program. I remember seeing a classmate having something like this on her laptop. Ang sabi niya ay project iyon sa isang advanced class na kinukuha niya. And one familiar word catched my attention. Detritus.

Kung tama ang hinala ko, isa itong kopya ng mismong program ng Detritus. Bakit naman mayroon nito si Sue?

Mabilis kong binitawan ang papel at tumayo mula sa pagkakaluhod ng biglang gumalaw ang doorknob at gumawa ng mahinang ingay.

Nagmadali akong nahiga sa kama ni Sue at binuksan ang phone ko. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko dulot ng kaba. Ilang sandali pa'y iniluwa ng pintuan si Sue na hawak muli ang kanyang laptop.

"Ang tagal mo." Pakunwari kong reklamo sa kanya. Bahagya siyang natawa at dumeretso na sa lamesa upang doon ilapag ang laptop niya. Otomatikong lumanding doon ang mga mata ko sa pag-alalang may hindi ako nabalik sa dati. Napabuntong-hininga na lang ako nang dumeretso lang ito sa paggamit ng laptop niya nang hindi nililingon ang mga papel.

"Hey, Sue."

"Hmm?" Nanatili lang ang tingin niya sa screen ng laptop niya kaya hindi niya makikita ang kaba sa mukha ko. Pinunasan ko ang pawis kong namumuo sa noo ko at umayos ng upo.

"Alam mo ba kung sinong gumawa ng Detritus?" Binantayan ko ng maigi ang magiging reaksyon ni Sue pero walang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya. Bigla siyang humarap sa direksyon ko kaya napalunok ako.

Look away, please! Maiihi ako sa kaba nito!

"I don't know," she pointed her finger above kaya sandali akong napatingin doon, "Boss said we shouldn't look into it because finding out who created isn't the point. Which is foolish." Nakita ko siyang umirap at diniinan ang pagkakasabi sa salitang 'foolish'.

I cringed at the word 'boss'. Does Sue really not know we don't actually have a higher up which we recieve orders from and that that person might be someone here with us?

"Plus, I don't need to."

Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon