49 : Tell him

12 1 1
                                    

SUE

Inis akong napakamot sa ulo ko at padabog na tumayo mula sa higaan. Ang ingay sa kabilang kwarto. Kakagising ko lang. Ospital 'to hindi kalye!

I opened the door and went straight to the information desk.  Medyo nagulat pa yata 'yung staff na nando'n dahil nakasimangot ako at bigla na lang sumulpot.

"Artemis Cruiz, what room is she in?" Nagkatinginan muna ang dalawa at parang magtuturuan pa kung sino ang maghahanap. Nahanpas ko ang counter sa sobrang inis. Wala ba silang assigned na trabaho?!

"Private Room 14 sa third floor, ma'am. Kaano-ano po ba kayo ng pasyente?" I rolled my eyes at them and walked away. But they threatened to call the guards if I don't tell them so I exhaled sharply and returned.

"Matatapos na ba shift niyo, ate? Tara. Samahan mo ako." I didn't wait for a response and walked away. I know, I know. Pwede ko namang sagutin na lang ng maayos ang tanong nila pero naiirita ako, eh!

First of all, they should have asked my connection with the patient before they gave me the room and floor.

Pumasok ako sa elevator at agad na bumungad sa'kin ang isang mukhang ayokong makita lalo na ngayong bwisit ako sa lahat. Kung wala lang sa tabi ko ang nurse kanina ay nabungangaan ko na ng wagas 'tong laharap ko.

"Temper and Khali are awake. Both of them are just beside Art's room." His voice was cold and distant. Ni hindi nga siya humarap sa'kin. Nagmukha tuloy akong tanga nang ako lang ang tumingin sa pagmumukha niya.

"Kagagaling mo lang do'n?" I tried to keep my voice as calm as possible. Pakiramdam ko anumang oras ay matatarayan ko siya. Nakakahiya naman kay ate na isinama ko.

He just hummed in response and stepped out the elevator quickly. Agad naman akong pumasok at isinarado ang pintuan. I could feel the nurse's stare from the side of my face, "What?" Mabilis itong umiling at tumingin ng deretso.

The elevator dinged the second time and I stepped out. I didn't want to look back because I'm sure I'm going to see that nurse's face. Talagang wala silang tiwala sa'kin. Tsk.

Pabaling-baling ang ulo ko habang ang mga mata ko'y tinitingnan ang bawat room number na nababasa ko. Nang makarating kami sa bandang dulo ay agad kong nakita ang kwarto niya. Nagmamadali akong pumasok at binuksan ang pinto.

My heart raced and hammered inside my chest. Not just because of Art's condition but because of the grim look on Dean's face.

"What happened to my sister?"

▬▬▬▬▬▬

thenewtyphoon:
Keeping updates short
and kind of annoying
just for the sake of sleeping.
Time check: 11:31 PM.
Matulog na kayo grr! ヾʕ •̀Д•́ʔゞ

Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon