THIRD
Napahawak ang dalawang babae sa kamay ng isa't isa at sabay na huminga ng malalim. Tila malalim ang mga iniisip at hindi nagpansinan sa loob ng ilang minuto. Makalipas ang ilang sandali, binasag ng isa sa kanila ang katahimikan. Tumingin ito sa mga mata ng kasama niya at napakagat sa labi niya.
"You think this will work out?"
"It has to." Tumango-tango na lamang ang kasama at saka iwinakli ang kamay. Tumalikod na ito at walang paalam na umalis.
▬▬▬▬▬▬
ARTEMIS
"Haaay!" Tamad kong ininat ang mga braso ko at saka napahikab. Hindi na gaanong masakit ang ulo ko. Thank you, G! Agad akong tumayo at inayos ang sarili. Natawa na lang ako nang may makita akong tuyong laway sa gilid ng labi ko. Agad ko itong pinunasan at ngumiti. 'Yan! Nasosobrahan ako sa drama kahapon kaya chill tayo ngayon!
Napatingin ako sa bintana sa dulo ng kwarto ko. Kaya pala ramdam ko kaagad ang araw sa paanan ko kanina. The glass used for the windows is stained black so I like it closed. Ayoko ng masyadong maliwanag. Nakakairita. Bakit kaya bukas 'to? Hindi naman ako nagbubukas ng bintana sa gabi.
I stood up from the chair to close the windows. Napamura ako nang tumama sa mga mata ko ang sinag ng araw. Ang liwanag naman! Anong oras na ba?
Matapos kong maisara ang bintana ay bumungad sa akin ang isang papel na nakadikit sa likod nito. Muli ko itong binuksan para kunin. Kaso tangina naman, oh! Hindi ko abot!
Isasara ko na sana ito ulit dahil hindi ko na din naman ito makukuha. Kaso biglang may humarang na kamay kaya hindi ko ito maisara. Agad akong humarap dito at bumungad sa'kin ang mukha ni Temper.
Kinilabutan ako bigla. Ang lapit ng mukha niya. Agad ko siyang naitulak pero hindi siya gumagalaw. Hindi ako makahinga ng maayos. Sinubukan ko ulit siyang itulak pero hindi pa din siya kumikilos.
"Lumayo ka nga!" Pilit ko siyang tinutulak palayo pero sadyang mas malakas siya. Napalunok ako. Tila nanghina ang mga tuhod ko kaya agad akong naupo sa upuan sa ibaba ng bintana.
Nakatitig lang siya sa'kin na parang pinag-aaralan ang mga kilos ko. Napaiwas ako ng tingin. Pinagpapawisan ako ng malamig. Kinuyom ko ang mga kamao ko at saka siya sinuntok sa tiyan. Mukhang nagulat siya kaya agad siyang humakbang paatras.
"S‐Sorry. Bakit?" Natawa ako ng mapait. Ilang beses ko na ba naipakita sa kanyang ayokong nilalapitan ako ng gano'n? Baka isipin niya gano'n na lang ang pagkamuhi ko sa kanya kahit hindi naman. Pinilit kong tingnan siya sa mga mata niya at saka ngumiti. Sandali lang ang nangyari pero nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya.
"Why are you like this? Is this because of that Lance?" Seryoso na ang mukha nito at hindi inaalis ang tingin sa'kin. Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanila. Pero bakit- Bakit parang gusto kong sabihin kay Temper? Awa dahil lagi ko siyang naitutulak palayo at nag-guilty ako? No. Definitely not. Then what?
Napakuyom ako sa kamao ko. The mention of the name gives me the chills. Tuwing nababanggit ang pangalan niya'y gusto kong itapon at tapak-tapakan ang sarili kong utak dahil paulit-ulit ko na namang naaalala ang ginawa niya. That bastard. I'll surely get back to him.
"Kapag sinabi ko bang oo, may gagawin ka?" Napangisi ako. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Dahil sa sinabi ko, alam kong hindi ko na kailangan pang sabihin kung anong ibig sabihin no'n.
"Kaya ba pinapahanap siya ni Dean? Kaya ba kausap ni Sue si Khali kahit sabi niya hindi sila magkakilala?" Sunod-sunod ang mga tanong niya. Mapait akong napangiti. Kinakausap ni Sue si Khali? Another lie then. At anong pinapahanap ni Dean? Nabanggit kong hinahanap ko din si Lance. He said he was his friend. May kutob kaya siya? I doubt.
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Mystery / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.