56 : Missing

9 1 0
                                    

SUE

"How are you feeling? Sumasakit pa ba ang ulo mo?" Art only looked up at him and shook her head. The doctor kept asking questions which she only answered by nodding or shaking her head.

They've been talking for a while and the doctor seemed to be frustrated by the short responses. The room was quiet and only their voices were heard. Gusto kong sawayin siya dahil halata namang wala sa mood si Art. Alam ko namang ginagawa niya lang ang trabaho niya pero pwede naman siyang bumalik sa susunod. Hindi ba?

I looked around and my eyes stopped on Temper who was sitting on a wheelchair. Nang dumating ang doktor kanina at ang kasama nitong nurse ay binigyan siya ng wheelchair at pababalikin na sana sa kwarto niya. Pero ayaw magpapilit ni Temper kaya andito siya ngayon. Tulog.

Trailer? Nakaupo sa pahabang upuan sa tabi ng higaan ni Art kaya hindi ako makaupo ro'n. Kung ko hindi pa siguro siya tinawagan para tanungin kung nasaan siya ay hindi niya maaalalang may naghihintay sa kanya.

The asshole took an hour to return with the doctor. Matapos mamatay ang ilaw ng sandali at muli itong magbukas ay tsaka lamang siya dumating. He immediately helped Temoer get on the wheelchair they brought and stayed quiet in one corner. Ni hindi ako kinausap nang makita niya ako.

Napatingin ako sa direksyon ng doktor nang bigla siyang bumuntong-hininga. Hindi iyon malakas pero dahil tahimik ang paligid ay madali namin iyong narinig. He looked into my eyes and then shifted them to Art na parang sumesenyas na bantayan ko siya at huwag iiwanan. Tumaas ang kilay ko kaya napaiwas siya ng tingin.

Malamang babantayan ko siya. Kahit hindi niya ako utusan ay gagawin ko iyon. At tsaka, babantayan din siya ni Dean─ I mean, Apollo.

Speaking of Apollo, I didn't see him here today. I shook my head and tried to shrug away the thought.

I shouldn't think about him. Not now.

Lumabas na siya ng kwarto kaya tuluyan nang nanahimik ang paligid. Napangiwi na lang ako at nagpaalam na lalabas kahit na alam kong walang sasagot sa sinabi ko.

Nang makalabas ako ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Khali. Nang makapasok ako dito ay naabutan ko siyang nakaupo at nakatulala lang habang hawak ang cellphone niya. Sumitsit ako para kunin ang atensyon niya. She looked at me and breathed deeply.

"You okay there, Khal?" Walang pagaalinlangan siyang umiling at iniabot sa akin ang phone niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinilabutan oras na mahawakan ko ito.

My heart raced as I moved my eyes and looked at the screen. Napakagat ako ng labi at ipinikit ang mga mata ko. I looked at Khali who was staring at me with a worried look on her face.

Ibinalik ko ang telepono niya sa kanya at umupo sa tabi niya. I could feel her fingers playing with my hair. I know she's nervous just as I am so I looked at her reassuringly and smiled.

▬▬▬▬▬▬

Caught In FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon