THIRD
Natigilan ang hepe sa pag-aanalisa nang may kumatok sa pinto. Nag-angat ito ng tingin at bumungad sa kanyang harapan si Baltazar na may kasamang isang binata.
"Chief, kakausapin daw ho kayo." Kinolekta muna ni Montreal ang mga sobre at itinabi sa isang drawer bago ito tumango rito. Pinaupo niya ito sa kanyang harapan at tinanong kung anong sadya nito.
"Hawak niyo ang kaso ng GU, hindi ba?" Noong una'y nasa laman ng bawat sobre ang isip ng hepe ngunit nang marinig ang patungkol sa kaso ng mga pagpatay sa loob ng unibersidad ay kaagad nitong inalis ang bumabagabag sa kaniyang isip at hinarap ang binata.
"Oo, hijo. Bakit? Nakita mo ba ang may gawa?"
Umiling ang binata at saka seryosong tumingin sa hepe, "Nakakatanggap po kayo ng mga sobre, tama po ba?"
Kumunot ang noo ng hepe at tumango-tango, "Ikaw ba ang nagpapadala ng mga iyon? Anong alam mo sa mga pagpatay?"
Sunod-sunod ang mga tanong ni Montreal ngunit ang isinagot lamang nito ay isang iling.
"Ang ikatlong sobre. Alam mo ba kung sino ang gumawa no'n?" Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Montreal at patuloy na nakinig dito.
"Ako, Chief. Ako. And I know the culprit of your case."
"Are you turning yourself in? Alam mo ba kung nasaan siya? Si Apollo Cruiz ba ang tinutukoy mo?" Tumango lamang ang binata at saka muling nagsalita.
"See for yourself, sir." Tumayo ang binata at dumeretso sa pintuan ngunit tumigil ito bago pa tuliyang makalabas.
"Can you do me a favor, sir? Arrest me later. May plano kami." Hindi na nakasagot pa ang hepe dahil nakalabas na ang binata. Blanko na ang isip nito at tila naglabo-labo na ang mga nalalaman nito.
Sinong 'kami' ang tinutukoy nito?
▬▬▬▬▬▬
BINABASA MO ANG
Caught In Flames
Mystery / ThrillerIt was just a harmless decision until she delved deeper into the truth.