Badass 2

241 6 0
                                    

Two.

"Our last prospective for this day, Lucian Montana, Apo s'ya ng may-ari ng Seinfeld University na si Louise Montana III. He have a high IQ but low confidence, he requested to help him to pass the exam in Imperial Intel University, and he can give up to thirty million payment."

"Oh, that desperate?" Itinukod ko sa baba ko ang ballpen na hawak ko at tumingin sa screen ng seventy-two inch na TV at makikita sa screen ang litrato ng isang lalaki na mukhang model ng isang mamahaling pabango. Oh, wait... pabango talaga?

Napailing na lamang ako at ibinaba ang ballpen na hawak ko. "Last na 'yan 'di' ba?" I boringly asked kaya tumango si King habang hawaka hawak ang remote at pinapangkamot sa pisngi n'ya.

"Last na."

"'yan na lang kunin natin berry, s'ya naman 'yung may pinakamalaking offer." Napatango ako sa sinabi ni Aston. Oo nga, napakalaki ng offer nitong si Montana at ibang iba sa offer ng iba pa naming prospective.

Namimili kasi kami ng prospective namin para sa panibago naming misyon kung saan tutulungan namin 'yung ibang studyante na pumasok sa mga gusto nilang paaralan, pero syempre payment is needed.

Lucian Montana is indeed billionaire, mayaman ang angkan nila pero iba pa rin ang yaman n'ya at mga napupundar n'ya kahit bata pa lamang s'ya.

"Okay, accept his offer at kunin mo na rin 'yung impormasyon na kailangan natin."Tumatango tangong bigkas ko at itiniklop ang folder na nasa ibabaw ng table namin. Ang arte 'di'ba? May pa-folder pang nalalaman.

"I already did."

"Ha?" Kunot noong tanong ko.

"Since alam ko na ang pinakamalaking offer ang kukunin n'yo. Binigyan ko na agad s'ya ng go signal at kinuha ko na rin ang mga impormasyon na kinakailangan natin." Kibit balikat na bigkas nito kaya napaangat ang sulok ng labi ko. Alam na alam ah.

"Then... what are you waiting for?" Aston asked dahilan iyon para mapairap si King at may pinindot sa remote at lumipat sa isang paaralan ang litrato sa screen.

"This is the Imperial Intel University. Lahat ng nakakapasa at nakakapasok sa loob ng paaralan na 'yan ay sadyang matatalino talaga, pero hindi naman natin masasabi iyon 'di'ba?" Natatawang bigkas nito kaya napairap ako. "Okay, so, let's proceed to our target. Ang kailangan nating makuha sa loob ng paaralan na 'yan ay ang mismong entrance exam paper, kailangan natin iyong makuha dahil iyon ang pinapakuha ng kliyente natin, kailangan n'ya iyon para makapasa s'ya sa entrance exam..."He paused." Wait, Imperial Grad ka Aston 'di' ba?"



Napatingin ako kay Aston ng itanong iyon ni King. Right, naalala ko rin iyon. Doon nag-graduate si Aston dahil kaya naman n'yang makipag sabayan sa mga tao doon.



"Oo."Tipid na sagot ni Aston.




"Kung gano'n mapapadali na lamang ang ating trabaho." Nakangising bigkas ni King na wari mo ay nasa amin na talaga ang tagumpay.




Napailing ako. "Iba ang generation ni Aston, kesa sa generation ngayon king."




"I have a friend na nakapasok sa Imperial at nasabi nito sa akin na hindi iniibi ng Imperial ang mga exam every year para sa mga kukuha ng entrance exam, ganun parin ng ganun ang exam." King said.




"Oo, hindi nila iyon iniiba, naranasan at nasaksihan ko na iyon, pero every level syempre iba iba ang mga test paper nila." Dagdag pa ni Aston sa binaggit ni King kaya napatango ako. Ganon pala gumana ang sistema sa loob ng paaralan na iyon.





"So, may maiitulong ka ba Aston?" Tanong ko at nakatanggap ako ng isang thumbs-up dito na ikinagisi ko.




"Marami akong maiitulong, alam ko kung saan nakalokasyon ang bawat entrance paper every level at kahit mataas ang security level nila, syempre kaya ko iyong tapatan lalo na at doon mismo ako nanggaling." Mahina akong napa-palakpak sa sinabi ni Aston. Talaga namang napakalaking tulong n'ya.



"It's already settled, kailangan lamang natin kausapin si Montana para tanungin ng ibang impormasyon para matiyak na tayo ay walang sabit." Bigkas ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair.






"Gabi na rin, magpahinga na lang muna kayong dalawa." Dagdag ko ng mapatingin ako sa suot kong pambising orasan at nakitang halos mag-aalauna na ng umaga. Ganito talaga kami pag nagsisimula pumili ng prospective, gabi na namin isinasagawa.



Sumaludo sa akin ang dalawa kaya tinanguan ko na lamang sila at agad na nagtungo sa aking silid para matulog.










Badass Genius! Where stories live. Discover now