Twenty-Three.
"Alam n'yo na siguro ang magkakasama 'di' ba? Mag hiwa-hiwalay na kayo para gampanan ang inyong misyon." Mahinang bigkas ni Lucian at sumenyas pa kaya nag-sitanguhan sila at naghiwa-hiwalay kasama ang kani-kanilang grupo, hanggang sa matira kaming dalawa ni Aston kaya nagtatakang tumingin sa amin si Lucian.
"Kayo lang bang dalawa?" Kunot noo nitong tanong kaya tumango ako. "Sige, kung ganoon ay sasa—" Naputol ang sasbaihin nito ng may bumalik sa aming kasamahan, ito ay ang tatlong Island Committee.
"Lucian, kasama ka namin. Hayaan mo na silang dalawa ang mag-kasama tutal ay gamay na nilang dalawa ang isa't isa." Ani ng mayabang na babaeng si Levi dahilan para mangasim ang mukha ni Aston at mapangisi naman ako.
"Okay." Tanging tugon ni Lucian at bumaling sa amin.
"Tumungo na kayo sa naka-talaga n'yong misyon." Tumango kami sa sinabi ni Lucian at tumalikod na sa kanila.
"Mabuti na lamang at may pakinabang din naman pala ang mga mayayabang na Island Committee." Ani ni aston ng medyo maka-layo na kami sa kanila. Yeah, mabuti na lamang at dumating agad sila dahil kung sasama sa amin si Lucian ay malalaman n'yang iba ang kukuhanin namin.
"H'wag ka nang madaldal Aston, mag-mat'yag ka na lamang doon sa laboratory room 6, nalaman kong nandoon naka-lagay ang libro ng angkan namin." Ani ko kaya tumango ito. I smirk at binilisan pa ang lakad hanggang sa mabilis akong maka-rating sa lab room 6.
I tiptoe at luminga linga sa paligid bago tumingin sa taas para tingnan kung may naligaw bang mga CCTV, at ng makita kong wala ay napahinga ako ng maluwag at dumikit sa pader malapit sa pinto. I sigh again at kinuha sa bulsa ng suot kong pantalon ang dalawang pares ng gloves bago iyon maingat na isuot sa mga kamay ko.
Nang tagumpay ko iyong mai-suot ay muli akong luminga sa paligid bago tumapat sa pinto at hawakan ang seradura niyon. Dahan dahan ko iyong pinihit hanggang sa mag-tagumpay ako at nabuksan ko agad ang pinto. Hindi ko alam kung bakit ito hindi naka-lock pero saka ko na lamang iyon iisipin.
Nang makapasok ako ay muli kong dahan dahang sinarado ang pinto pero bago iyon ay senenyasan ko muna ang naka-tagong si Aston na mag bantay ng maiigi.
Tumingin ako sa paligid ng mai-sarado ko na ang pinto. Una kong pinuntahan ang kaisa-isang office table doon. Agad kong binuksan ang mga drawer nito ngunit wala ako doong nakitang libro na may tatak na ibon kaya pinagsasara ko ang mga iyon at muling nilibot ang tingin, hanggang sa tumigil ang tingin ko sa isang kabinet na naka-hang sa pader kaya dali dali akong lumapit doon at agad iyong binuksan at kinalkal kaya laking dismaya ko ng wala ako doong makita.
Bumuga ako ng hangin at lumapit sa mga bote na may lamang iba't ibang liquid na lamang at mayroon itong iba't ibang kulay. Tinignna ko iyon isa isa at masuri iyong tiningnan, tumingin rin ako sa mga ilalim at sa mga taas ng kabinet ngunit wa talaga akong makita.
Fuck! Mali ba ang resources ko?! Pero, hinding hindi ako maaring magkamali."I gritted my teeth at sumandal sa pader upang mag-pahinga ngunit agad akong napalayo at napangiwi ang tumama ang likod ko sa kung ano kaya tiningnan ko ito. Agad na nanlaki ang mat ako sa aking nakita.
Isa iyong lalagyan ng passcode at sa tabi nito ay finger print security. Agad akong nabuhayan ng loob at masuring tiningnan ang pader na katabi lamang ng nakita ko. Tiyak na may secret vault dito at pader mismo ang harang.
Ngumisi ako at tumingin sa passcode security. Bumuo ako ng kung ano anong number na maaring i-passcode dito ngunit wala akong nakuha dito maliban na lamang sa paulit ulit nitong 'access denied.' I frowned at nag-try muli.
Habang busy ako sa kapipindot ay s'ya namang pag-ingay sa may kabilang tainga ko. "Berry."Narinig ko ang boses ni Aston.
"Bakit?" Tanong ko at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
"Ano ng ginagawa mo d'yan? Halos five minutes kana d'yan?" Reklamo ni Aston kaya bumuntong hininga alo at tumigil sa aking ginagawa.
"Hindi ko mabuksan ang secret vault na nandito, sigurado ako na nandito ang libro." Madiing bigkas ko at maya maya lamang ay parang natigilan ito kaya nagyaka ako. "Aston?"
"Shit! Alam ko ang passcode n'yan!" Nanlaki ang mata ko ng medyo lumakas ang boses nito. "Ano 'yon?!"
"Sana ito pa rin, nakikita ko kasi sila dahil assistant ako dati ng leader ng silid niyan. Try this, 053-44-528, try that berry, masama iyong gitli." Napatango ako at hindi na sumagot dito.
I type the number that Aston said to me at ng na-itype ko na ang huling number ay nabigla ako ng bigla itong mag-salita ito na ikinangisi ko.
"Access passed."
Ngumisi ng malawak at ng bumukas ang maliit na pader pa-tabi ay bumungad sa akin ang isang libro.
Suminghap ako at kinuha ito dahil ito ang aming libro. Ang libro na ninakaw nila sa angkan ng mga Steinfeld.
Dahan dahan kong itinaas ang aking kamay at hinawakan ang libro na ngayon ay maayos na naka-lagay mula sa isang puting stand. Nang mahawakan ko ito ay agad ko naman itong kinuha, kasabay niyom ang pag-alingawngaw ng nakakarinding tunong na nagmumula sa paligid ng isla.
"Shit! Berry, lumabas kana d'yan ngayon din! Baka mahuli nila tayo!"
YOU ARE READING
Badass Genius!
Mystery / ThrillerKnow or listen to those who knows. ------------ Status: Completed. Date Started:12-07-19 Date Ended:04-26-20 Date Re-writing: 06-28- 20 Date Ended: - - - Cover is not mine, credits to the rightful owner.