Badass 1

541 11 0
                                    

One.

"Of course, ano ba sa tingin mo ang gagawin ko? Kukuha lamang ng bato doon?"


Pasimple akong umirap at tumuon na lamang ng pansin sa pag-sisintas ko ng aking sapatos. Ngayon ang araw na itinakda ko para gawin ang aking misyon.

Nang matapos ako sa pagsisintas ay inayos ko naman ang cellphone na nakaipit sa aking tainga at balikat. Kausap ko ngayon si King na pinsan ko.

"Whitehall talaga?! Anlayo n'yan berry." I sigh at lumakad na papalabas sa hotel na tinutuluyan ko. "Nandito na ako, ano pang magagawa mo 'di'ba?"

Inayos ko rin ang cap sa ulo ko at agad na sumakay sa kotse na dala ko at agad iyong minaneho patungo sa Whitehall Academy. Isa iyong pribadong paaralan, magpapanggap akong isang exchange student para makapasok sa paaralan na iyon. Its already settled at wala ng makakapigil dahil napatahimik ko na ang exchange student na dapat ay pupunta sa Whitehall, mabuti na lamang at naagapan ko at inunahan ko na agad ito.

"Yeah, right." He sarcastically said.

"And of course, i can't broke the deal between my client and me." I stated like its not a fact.

Mabuti na lamang din at hindi agad bumalik si King mula sa misyon na ipinagawa ko sa kanya dahilan iyon para hindi n'ya ako madiktahan sa mga tinatanggap kong misyon.

"You're damn right, berry. Kailangan pa bang sabihin 'yan? Kahit naman si Aston alam na 'yan."

Itinigil ko na ang kotse at agad iyong ipinarada, dahil narating ko na ang Whitehall Academy. Mabilis lang ang b'yahe lalo na at malapit lamang ang tinutuluyan kong hotel sa nasabing akademya.

"Right. So, mamaya na lang ulit, nandito na ako e. Bye." I bid a goodbye at hindi ko na s'ya inantay na sumagot dahil pinatay ko na agad ang tawag.

Agad akong bumaba sa kotse at tumingin sa napakalaking gusali na nasa harapan ko.

"Hi, ikaw ba 'yung exchange student?" Kumunot ang noo ko at luminga sa gilid ko.

Oh! This must been the start. Ngumiti ako sa kanya. Okay, simulan na.

"Yes, bakit?"

"Lorient Montenegro?" Muling tanong nito kaya tumango na lamang ako bilang sagot.

"Oh! It's nice meeting you Ms. Montenegro, I'm Janina Montague." Nakangiting pakilala nito.

"It's nice meeting you too."

"Okay, so, dadalhin na lang muna kita sa Principal's office para makuha mo muna 'yung exam na kailangan momg sagutan para matukoy kung saang sectiom ka ilalagay." Tumango na lamang ako sa sinabi n'ya at sumunod sa kanyang maglakad.

Sa panahon ngayon kailangan pang kumuha ng isang exchange student ng exam para lamang makapasa sa standard ng school, pati na rin malaman kung saan section ka ba nararapat.

"Balita ko galing ka sa isang pribadong paaralan sa Dubai?" Lumingon ako kay Janina na biglang nagbukas ng usapan.

"Yup, ba't mo natanong?"

Dahil galing sa isang paaralan mula sa Dubai ang totoong exchange student, ay iyon na lamang ang aking ginamit para mas mapadali ang mga ginagawa ko.

"Wala lang."Tumatawang bigkas nito kaya tumango na lamang uli ako." Nandito na pala tayo eh."She added kaya napatingin ako sa harap ng pintuan na tinigilan namin.

Kumatok ng tatlong beses si Janina bago may sumagot mula sa loob.

"Come in."

Binuksan ni Janina ang pinto at bumungad sa amin ang isang lalaki na nakaupo sa isang swivel chair. Tumingin ito kay janina at kalaunan ay napatingin din ito sa akin.

Badass Genius! Where stories live. Discover now