Twenty.
"Ano ba 'yan kalagitnaan ng gabi saka nagpatawag ng meeting." Nakabusangot na bigkas ng kambal ni Venice na si Vince, naka-suot pa ito ng terno nitong pantulog na spongebob at halatang antok na antok pa ito base na rin sa pag-hikab n'ya.Mabuti na lamang at gising pa ako hanggang ngayon dahil kung hindi ay baka katulad din ako ni Vince na sobrang antok pa.
"Urgent ang meeting na ito kaya agad ko kaya pinatawag." Seryosong bigkas ni Lucian at pormal na pormal pa rin ang suot nito, at halatang wala pa talaga itong balak matulog.
"Ano ba 'yon?" Tanong ng nakadukdok na si Jezabeth, hanggang ngayon ay parang hinihila pa rin s'ya ng kaantukan n'ya. Tch.
"Sa ngayon ay wala ang bago nating m'yembro na si King, dahil iyon sa imperial supervisor."
Imperial Supervisor? What is that? Parang ngayon ko lamang iyon narinig.
"Para sa mga hindi nakaka-alam, ang Imperial Supervisor ay ang kanang kamay ni Headmaster, iba pa ito sa principal dito sa bungad. Ang Imperial Supervisor ang nagmo-monitor, bantay sarado nito ang mga nabibilang sa special class kaya wala ngayon si King." Paliwanag nito kaya napatango ako. Naliwanagan na ako kahit papaano, hindi kasi ako mahilig mag-basa tungkol sa whereabouts ng imperial.
"Pero back to the topic. Pinatawag ko kayong lahat sa kalagitnaan ng gabi dahil sa importanteng nangyari kanina lamang sa loob ng isla, hindi pa ito alam ng ibang officials dahil President at Vice lamang dapat ang makaka-alam nito." Lucian paused at sandaling bumuntong hininga. Magsasalita na sana muli ito ng may sumingit sa kanya at iyon ay walang iba kun'di ang island committee leader na si Riyoski.
"Straight to the point, Lucian. Wala na tayong oras dahil magsisimula na mamaya ang pagmomonitor ng mga guardian." Singit nito kaya saglit na kumunot ang noo ko. Putangina? Ano 'yon?! Guardian? Monitor? Feeling ko ay nabobo na talaga ako ng tunay dahil wala man lang akong alam sa mga pinag-sasabi nila.
"Oo nga pala." Frustrated na bigkas nito at hinagod ng kanyang kamay ang kanyang buhok pataas.
"Bilis na, Lu. One hour na lang at malapit na mag two am." Ani naman ni Lezabeth kaya bumuntong hininga muli si Lucian at pinatahimik na muna sila at nag-simula na muling mag-salita.
"Shut up, everyone. Ang sasabihin ko talaga ay ipapasok na sa lab ng imperial supervisor ang mga napasok ngayong semester dahil maglalagay muli sila ng bagong set ng scientists." He paused at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa unahan.
"Kailangan na nating kumilos dahil baka sa isang araw ay madami na namang mabiktima at baka maisama pa ang kasama nating si King..."
YOU ARE READING
Badass Genius!
Mystery / ThrillerKnow or listen to those who knows. ------------ Status: Completed. Date Started:12-07-19 Date Ended:04-26-20 Date Re-writing: 06-28- 20 Date Ended: - - - Cover is not mine, credits to the rightful owner.