Badass 12

81 4 0
                                    

Twelve.

"Na-save mo ba?"

I continued chewing my gum while asking King if he save the photocopy of the test paper. Mabuti na nga lamang at may naimbentong ganoon si Aston para sa mga emergency.

"Of course, ako pa? Bakit kasi 'yon pa ang ginamit mo? May cam naman tayong ginagamit 'di' ba?" I rolled my eyes ng itanong n'ya iyon dahil naalala ko na naman kung bakit nawala ang mini-cam na naka-dikit sa damit ko.

Kagagawan iyon ng lalaking may puting buhok, kung hindi lamang n'ya ako nabangga ay hindi sana ako namroblema noong nasa room ako.

"Nalaglag 'yung akin."

"Ngayon ka lang ata nalaglagan ng gamit berry, nakuha mo ba 'yung memory doon noong first exam?" Pinutok ko ang bagong palobong gum sa bibig ko at ngumisi. "Oo naman, bagong memory card ang naka-lagay doon, hindj pwedeng ilagay lahat ang pictures sa iisang memory lamang." I said dahilan para tumango si King at humalumbaba.

"Na-send ko na sa'yo 'yung copy, na-edit ko na rin para tanggalin 'yung mga sagot." Tumango ako sa sinabi ni King. "Mabuti naman, may iba ka bang ginagawa d'yan?"

"Nagsisimula na pala ang klase dito, pinasok nila ako sa isang special class at 'yung puro late na malapit sa item ang score o di kaya perfect ang nasa loob ng special class." I frowned ng sabihin iyon ni King. "So, ang binibigyan lang nila ng offer ay 'yung mga sobrang lapit ng score sa item at perfect lamang?" I asked. Hindi ba ganoon nga? Mga ganoong klase ng tao lamang ang ino-offeran nila. Siguro may malalim na dahilan kung bakit nila iyon ginagawa.

"Ganoon na nga."

I chewed my lips at tumitig sa screen ng laptop ko. "Kung gano'n dapat mo sigurong alamin kung bakit diyan kayo inilagay na section, naiintindihan mo?"

Tumango ito bilang pag sang-ayon. "Copy, and i will tell this to Aston."

"Right. And don't forget that i, you and Aston always needs a backup, kaya kung maari always wear the gadget that can communicate us." Bigkas ko kaya muli itong tumango. "Aye aye, Captain. Paano ba 'yan? Kailangan ko ng mag-off, malapit na mag-start ang klase ko." Napatingin ako sa nakasabit na wall clock ng banggitin iyon ni King. Malapit na pala mag eight kaya start na ng klase nila samantalang kami ay walang gagawin ngayon lalo na at bukas pa ang third examination namin.

"Sige."

In-off ko na ang laptop ko bago tumayo at lumapit sa trashbin na nasa sulok ng kwarto ko at iniluwa ko doon ang bubble gum na nasa bibig ko. Kinuha ko na rin ang cellphone ko na naka-patong sa ibabaw ng study table at lumabas sa kwarto ko at lumabas na rin ako sa dorm na tinutuluyan ko. I planned to go to our instructor dahil may ipapabigay raw ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang trip ng aming instructor at ginagambala pa ako at uutusan pa ga'yong wala naman kaming meeting ngayon.

Gumamit lamang ako ng elevator para makababa at ng bumaba na ang elevator ay lumabas agad ako at tahimik na lumalakad habang naka-tungo lamang. Wala naman akong pake kung may maka-banggaan ako lalo na at nakayuko ako.


"Miss! Miss! Miss!"

Tinunghay ko ang ulo ko at tumingin na sa unahan at hindi pinansin ang kung sino mang sumisigaw, pahiram na mag-aasume baka hindi naman ako 'yung tinatawag ta's lilingon pa ako.

"Miss! Miss with gray hair, stop!" Saglit akong napahinto at napatingin sa buhok ko at nakitang kulay gray iyon, oo nga pala, I dyed my hair one year ago. I shook my head at pinag-patuloy na lamang ang paglalakad, sa dinami-dami ng examinees dito baka may kapareha ako ng kulay ng buhok.

"Miss, stop! Please, stop! Ikaw na naka-black shirt!" I stopped when that someone shouted kaya tumingin ako sa shirt na suot ko at kitang black iyon kaya bumuntong hininga ako at lumingon na sa likod ko. There, i saw a petite girl running in my way at ng makarating na ito sa harap ko ay tumigil ito at hinihingal na tumingin sa akin.

"T-thanks god... tumigil...k-ka na rin..."I arc my brows while looking at her." What do you want?"



"Pinapabigay nga pala ito ni Instructor Victoria, kung maari raw dalhin mo na agad ito sa island committee para ma i-submit agad kay Headmaster." Napatingin ako sa folder na inaabot n'ya sa akin kaya kinuha ko iyon at tiningnan s'ya.



"Hindi ko alam kung saan naka-lokasyon ang office ng island committee." Bigkas ko kaya nagtataka itong tumingin sa akin.


"Teka, late examiner ka ba?" Tumango ako kaya bumuntong hininga ito. "Pasensya na, i can't accompany you lalo na at may pinapagawa pa sa akin ang aming instructor, but i can give you a direction." Tumango muli ako sa sinabi nito.



"Para kang bato, ang ikli mo sumagot tapos ang dalang mo pa mag-salita." Parang problemadong ani n'ya kaya napangisi ako. Seriously? Pati hindi ko pagsasalita po-problemahin n'ya pa?


"Sabihin mo na lang ang direksyon."




"Okay, so here is it. Diretsuhin mo lamang ang hallway na 'yan, tapos sa dulo ng hallway na ito lumiko ka sa kanan since dalawa ang likuan doon, pagkaliko mo sa kanan dumiretso ka lamang at sa dulo ng kanan na iyon makikita mo ang office ni Mr. Yanagisawa. "Paliwanag n'ya kaya tinandaan ko ang bawat sinabi n'yang direksyon.



Tinalikudan ko na ang babae at lumakad na ako pero hindi pa ako nakakalayo ng tuluyan ng may pahabol na sinabi ang babae.


"Ako nga pala si Venice Lendemann, nice meeting you!" Sigaw nito kaya saglit akong tumigil at lumingon sa kanya.

"Berry." Maikling bigkas ko kaya ngumiti ito at kumaway sa akin kaya nginisian ko na lamang ito at dumiretso ng lakad. Tahimik ko lamang na binabagtas ang pasilyo at may isang ideya ang nabuo sa aking isipan ng maalala ko ang folder na ibinigay sa akin ng babae.






Tumingin ako sa folder at dahan dahan iyong binuksan at isang bagay ang talagang nagpa-gulat sa akin ng mabasa ko ng buo ang nasa folder.



Shit! Paano nag ka-ganito ang University?




Badass Genius! Where stories live. Discover now