Eighteen.
"Alam n'yo ba kung bakit ko kaya pinatawag lahat?!"
Pasimple akong humikab at tumingin kay instructor Victoria na ngayon ay nag-aalburuto na ata ngayon sa galit sa hindi malamang kadahilanan.
"Hindi n'yo alam?!! Hindi ko alam kung bakit nagkaganito sa room natin! Ikinahihiya ko kayong lahat!" Sobrang tahimik ng paligid at rinig na rinig ang mga dumadaang hangin at boses lamang ng aming instructor ang naririnig.
"Alam n'yo ba ang nabalitaan ko?! Kung nabalitaan ko ngayon siguro kumakat na rin iyon! Ngayon, alam n'yo ba kung bakit ko kayo nandito?!" Halos mapatid na ata ang litid ng aming instructor sa kasisigaw kaya biglang tumayo ang isang babae na parang nabubulol pa.
"M-may kumakalat po na may spy sa ating section!" Malakas na bigkas ng babae at nagmamadali itong umupo kaya natigilan ako. Spy? Oh sh—?! Did they know? But i am careful as fuck.
"Oo! Iyon nga, sa iba ko pa talaga nalaman! Now, all i want is all your honesty, umamin na kung sino man ang spy na iyon!"
Tahimik pa rin ang paligid kaya sa sobrang kagalitan ata ng aming instructor ay inihampas nito ang kamay n'ya sa table n'ya at galit na tumingin sa amin." Wala ba talagang aamin sa inyo?! Ha?! Kung ganoon ako mismo ang magkakaladka—"Napatigil sa pagsigaw ang aming instructor ng may biglang tumayo na babae at nakayuko ito. Oh! I know her, she's our treasurer.
"Aamin na po ako, ako po ang spy ng section natin!" Malakas na pag-amin nito habang nakayuko at biglang sumabog ang samu't saring komento ng mga ka-batch mate ko pero ako ay nananatiling kalmado lamamg. Maliban pala sa akin ay marami pa rin ang spy, akala ko talaga ay ako lamang.
"I am so very disappointed at you, Ms. Beatrice, hindi ko inaasahan na ang isang matiyaga na katulad mo ay isa rin palang sakam na tao." Naiiling na bigkas ng aming instructor na ngayon ay medyo kalma na bago tumingin ito sa amin.
"Sana ay h'wag na muli ito maulit, kinahihiya ko pa rin na naging instructor n'yo ako. Dito muna kayo dahil aasikasuhin ko lamang ito, for you Ms. Beatrice, follow me to the principal's office." Rinig at halatang halata ang disappointment sa boses ng aming instructor at inaya na nito si Beatrice na lumabas pero bago iyon ay bumaling ang tingin nito sa akin.
"And you, Ms. Steinfeld, follow me to the principal's office..."
YOU ARE READING
Badass Genius!
Mystery / ThrillerKnow or listen to those who knows. ------------ Status: Completed. Date Started:12-07-19 Date Ended:04-26-20 Date Re-writing: 06-28- 20 Date Ended: - - - Cover is not mine, credits to the rightful owner.