Seven
Lucian Montana
*is now online.Lucian: Hey, miss berry.
Berry: Oh?
Lucian: Can you inform me every time ma mag-e exam kayo?
Berry: Asked king about it, hindi ako ang in-charge sa mga bagay na gan'yan.
Lucian: Uh! Okay, thank you.
Berry: Wc
************
Pinatay ko na ang laptop ko at nilagay iyon sa gilid ng study table dito sa aking dorm. Naka-handa na naman ako na umalis kanina pa pero nagambala iyon ng mag-chat si Montana.
Napailing ako at tumayo na mula sa higaan ko at pinagpag ko ang suot kong ripped jeans, pwede naman ang naka-civilian dahil examinees pa lamang naman pero kung studyante ka na talaga ng isla, uniform na ang ipapasuot sa iyo.
Kinuha ko muna ang cellphone ko at isinuksok iyon sa bulsa ko at gano'n din ang ginagawa ko sa dalawang card na ibinigay sa akin ng babae.
March 12 ngayon at itong araw na ito ang simula ng exam namin, hindi pa naman ako late, in fact maaga pa nga ako e.
Lumabas na ako sa dorm na tinutuluyan ko at nagtungo sa baba, naalala ko hindi pa nga pala ako nai-itour sa islang ito, kahit pa ito lang 'yung pinaka-bungad.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at agad na ini-dial ang number ni King. Nakaka-tatlong ring pa lamang iyon ng sagutin na agad iyon ni King kaya itinapat ko iyon sa may bandang tainga ko.
"Saang room ka?" Bungad na tanong ko sa kanya at lumapit sa isang bulletin board. Ito na ata ang pangalan ng bawat studyante at kung saan ang room ng bawat isa.
"Room A-2 sa first floor, bakit?"
Nananatili lamang akong tahimik habang tiningnan ang unang section para sa first year college student. Tumuon agad ang tingin ko sa unang letrang surname ay S.
CLASSROOM A-1 STUDENTS
16. Steinfeld, Strawberry A.
Napailing na lamang ako. "Room A-1 ako, first floor din ba 'yon?" Ani ko at lumakad na patungo sa building ng First year college.
"Oo, ngayon na ba ang exam mo? Bukas pa ang sched ko e, bwesit!"
Napangisi ako sa tinuran ni king. Iba-iba pala ang sched namin?
"Okay lang 'yon, ako ang una remember? Ikaw ang sunod." Iling na bigkas ko. "Sige, mamaya na lamang." Hindi ko na inantay ang sagot ni King at binaba ko na agad ang tawag at dumiretso na agad ako sa room ng A-1 ng makarating na ako sa first floor ng college building.
Pagkapasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang tahimik na paligid, hindi dahil sa kakaunti pa lamang kami, dahil ay naka-upo na sila lahat ng tuwid habang may instructor agad sa unahan na nag-aarrange ata ng exam namin. Napatingin sa akin ang mga ka batch mate ko kaya tiningnan ko lang din sila pabalik.
YOU ARE READING
Badass Genius!
Mystery / ThrillerKnow or listen to those who knows. ------------ Status: Completed. Date Started:12-07-19 Date Ended:04-26-20 Date Re-writing: 06-28- 20 Date Ended: - - - Cover is not mine, credits to the rightful owner.