Badass 8

90 6 0
                                    

Eight.

"Ngayon ang exam mo 'di' ba?" Tanong ko sa kanya habang inilalagay sa likod ng damit n'ya ang tracker, kailangan iyon para malaman namin kung saan kami bawat naka-lokasyon.

"Oo, success ba kahapon?"

Nang matapos ko ang paglalagay ng tracker sa likod ng damit ni king ay umupo ako sa swivel chair na nakaharap sa study table n'ya. Nandito ako ngayon sa dorm ni King and guess what? Pumuslit lang ako dito sa dorm n'ya which is naka-locate sa fifth floor.

"Oo, mabuti na nga at nahabol ko pa ang pag kuha ng litrato sa last page." Naiiling na bigkas ko at humarap na lamang sa computer n'ya at binuksan iyon.

"Ayos na din 'yon, aalis na ako. Magsisimula na ang exam namin, dito ka ba muna?" Tumango na lamang ako sa sinabi ni king at tumutok na lamang sa computer n'ya.

"Bye." Tumango na lamang ako at biglang nanlaki ang mata ko ng may malambot na kung ano ang dumampi sa pisngi ko.

Mabilis akong napatingin sa pinsan kong ngiting ngiti na nakatingin sa akin at kinindatan pa ako. "King!"

"H'wag mo seryosohin Berry." Anito at kumindat pa bago kumaway at lumabas na sa dorm. Napairap ako at ibinalik na ang aking tingin sa computer n'ya at napansing nag-bukas na iyon.

I type King's password dahil alam ko naman iyon, nag-log in agad ako facebook account ko. Nang makapag log in ako ay tinungo ko agad ang message dahil tambak na naman iyon pero hindi ko na iyon pinansin at pumunta na lamang sa group chat namin.

BADASS GENIUS CLIENTS

09: Oi, nag-trend sa ig at twt 'yung nangyari sa GDA!

04: Kaya nga e, sana h'wag matulad doon si Ms. Berry 'no?

10: Hindi 'yon mangyayari lalo na at kasama n'ya si Manager at ADM

Berry: Saan?

16: Omgggg! Miss berry!!!

20: Welcome backkkk!!

06: After 1 week

09: Welcome back

Berry: Tungkol saan ang pinag-uusapan n'yo kanina?

09:  May cheating incident kasi sa GDA at nakuhanan pa ng video kaya mabilis na nag trend sa social media.

01: Pero ang galing nila mag-bigayan ng sagot 'no? Pumalpak nga lang

Berry: Sa entrance exam ba?

10: Oo, miss berry. Hindi kasi nila alam na may hidden camera sa classroom nila kaya ayun, nahuli sila.

Berry: Hindi iyon ilalabas ng GDA dahil masisira ang reputasyon ng school nila

18: Hindi GDA ang nag-labas, may nang-hack kasi ng system ng school kaya nakuha ang video

32: Ay, 'yung hacker nga pala 'yung nag-palabas ng vid 'no?

12: Oo, kaya nga kino-cover na ng GDA ang insedente e.

Berry: Pasend ng link

13: Oi, sinong may link d'yan?

45: Labas labas may mga link ng vid

09: Eto miss berry (link attached)

******

Napailing na lamang ako at pinindot ang link, para talagang mga reporter ang mga nasa gc ko, daig pa nila ang mga newscaster kung makapag-abot ng balita e.

Nang mag-loading na ang link ay bumungad sa akin ang isang video kaya ini-play ko iyon.

Makikita sa video ang isang babae na nagsasagot ng test paper at maya-maya ay may ginawa itong senyas sa kamay n'ya at biglang nalipat ang focus sa isang lalaki na pasimpleng nakatingin sa kamay ng babae at tumatango tango pa, ganoon din ang isa pang babae na nasa likod ng babae na kalmado lamang na nakatingin sa senyales ng babae. Nang matapos ang babae sa pag-senyas ay ang lalaki naman ang gumawa ng sign at kita ko sa daliri nito ang mabilis na pag-galaw. Para bang eksperto ito sa pag-sign ng ganoon dahil gamay n'ya ang pagsesenyas.

I know that sign, nagawa ko na rin iyan dati sa misyon ko pero wala pang nakakahuli sa akin.


I sigh at ini-back na ang video. Siguro naman walang makakahuli sa amin sa misyon na ito dahil pinag-isipan talaga namin ito.

Napailing na lamang ako at tumayo na, hindi na rin ako nag-abala pang i-off ang computer ni king at lumundag na agad ako pababa mula sa fifth floor, sanay na naman ako tumalon mula sa matataas kaya hindi na ako nasaktan pag-landing ko sa baba, kung may makakakita lang siguro sa akin mapapagkamalan nila akong isa sa akyat dorm gang.

Napailing na lamang ako at ipinagpag ang kamay ko na natuon sa buhangin at lumakad na palayo.

********

"Berry,hinahanap ka ng president."

Kumunot ang noo ko at napatingin kay Aston na ngayon ay nakatingin din sa akin at may hawak pa itong mga papel sa kamay niya.

"Sinong president?" Tanong ko at umupo sa isang bench na malapit sa akin kaya ganon din ang ginawa n'ya at ibinaba muna ang mga papel na hawak niya sa kanyang tabi.

"Si Lucien, ang remaining president."

Kumamot ako sa pisngi ko. "Bakit nga? Wala naman siguro akong nagawang masama."

"Ewan ko ba, pero pinapahanap ka na n'ya sa iba pang studyante at pinapapunta ka sa office n'ya."



"Sa tingin mo ba makikita ko ang office n'ya sa napaka-laking isla na ito." Nairap kong bigkas.

"Ihahatid sana kita, kaso kailangan ko 'tong dalhin sa Room B-3."Kumamot pa ito sa batok niya kaya napahalukipkip ako. Dapat hindi na lamang n'ya sinabi na ihahatid sana n'ya ako.


"Bakit ba kailangan mo pa 'yang dalhin?"

"Nag- volunteer kaya ako na maging isang instructor, na-approve naman agad dahil dito ako nag grad, kaso na-assign ako sa senior high school." Nakangiwing bigkas n'ya kaya napangisi ako at tinapik na lamang ang balikat n'ya.

"Ituro mo na lamang sa akin ang direksyon para naman makarating ka agad sa senior high building."

Tumango ito at sinabi sa akin ang direksyon kaya nakinig ako at nag-paalam na ng matapos n'ya iyong masabi. Dalawa pala ang office ng president kaya 'yung nasa bungad na lamang ng isla ang pupuntahan ko.


Lumakad na ako at sumabay sa agos ng iba't ibang studyante hanggang sa maaninag ko na ang idang kulay itim na pinto. Kumatok ako doon ng tatlong beses hanggang sa may narinig akong nag-salita na pinapa-pasok ako kaya tumuloy ako at sinarado na ang pinto.

"Glad you came Ms. Steinfeld." Tumingin ako sa isang binata na na nakaupo sa swivel chair at napansing titig na titig ito sa akin.


Tumango na lamang ako. "Have your sit Miss." Inimwestra nito ang kanyang kamay patungo sa monoblock chair na nasa harap ng table n'ya kaya tahimik lamang akong umupo.


"Diretsuhin mo na ako Mr. President 'kuno' anong ba talagang kailangan mo?" Diretsong tanong ko sa kanya kaya kita ko ang pag-ngisi nito.

"I want to offer you something."


"Ano 'yon?"


"Dahil ikaw ang pangalawa sa nakakuha ng perfect score sa entrance exam test na pangalawang beses pa lamang na nangyayari sa kasaysayan ng Imperial ay nag meeting ang officials at napag-pasyahang pumasok kana agad sa isla."
















Badass Genius! Where stories live. Discover now