Twenty One.
Ilang ulit na akong bumuntong hininga habang naglalakad patungo sa kabilang building. Ngayon na ang ika-apat na pagsusulit namin at natapos ang dalawang araw na pahinga ko ng wala man lang nangyari sa pamumuhay ko kung hindi ang tumambay sa headquarters ng grupo ni Lucian.
Habang tahimik na naglalakad ay napatunghay ako sa unahan ko ng mapansing malapit na ako sa building na tinutukay ng aming instructor. Nahuli kasi ako ng pasok at naiwan nila ako kaya mag-isa lamang akong naglalakad patungo sa building na iyon.
Nang makarating na ako sa building ay agad akong tumungo sa ika-unang room dito sa first floor. Balita ko kasi ay parehas sa kabilang building ang bagong room namin dito.
Nang makatapat ako sa pinto ay marahan akong kumatok at binuksan iyon, bumungad sa akin ang tahimik na room at nakita ko sa loob na kompleto na ata ang mga ka-batch mate ko at ako na lamang ata ang kulang.
Bumuntong hininga ako.
"Ms. Steinfeld, late ka na naman. Mabuti naman at nahanap mo pa ang bago nating room." Tumango na lamang ako sa sinabi nito at lumakad sa pinaka-dulo ng last row dahil doon na lamang may bakante.
"So, dahil kompleto na tayo, mag-simula na tayo sa page-exam dahil limited na lamang ang ating oras." Ani ng aming instructor at hindi na ito nag-abala pa na tawagin ako para mag-distribute ng papel dahil s'ya na ang gumawa.
I smirk ng matanggap ko na ang papel at agad iyong tiningnan. Habang sinusuri ang papel ay s'ya namang pag-salita ng aming instructor na tapos na pala sa pagbibigay.
"Dahil late na tayo nagsimula, twenty five minutes na lamang ang ating limit time. So, start answering the questions now." Pagkasabi niyon ng aming instructor ay agad akong yumuko at mabilisan iyong sinagutan, wala namang kaso sa akin ang pagsasagot ngayon dahil napag-aralan ko na ang mga ito. Nag-graduate na ako ng kolehiyo sa Golden Dawn Academy o GDA kung tawagin, at masasabi kong mas advance pa ang ipinapatest sa mga examinees doon kesa dito sa imperial, though mas malaki ang sakop nitong imperial.
Nasa ika-apat na page na ako ng pag-sasagot ng mag-salita ang aming instructor sa unahan kaya sandali akong natigilan.
"Nineteen minutes."
Mas binilisan ko na ang pagsasagot hanggang sa makatapos ako kaya kinuha ko ang clear eyeglasses na naka-sabit sa kwelyo ng damit ko at agad ko iyong isinuot. Ito ang bagong imbensyon ni King at Aston na kapapadala lamang sa akin kagabi. Ito ay isang spesyal na clear eyeglasses, dahil may maliit itong camera sa gilid at automatic itong nakuha ng litrato pag itinatapat sa isang questioner. May scanner din ito kung saan pag-tiningnan mo ang isang tao habang suot ang salamin na ito ay lalabas ang mga info nito at lahat lahat ng impormasyon tungkol dito, kahit ang madidilim na sekreto ay nakukuha rin ng salamin na ito.
Nang mai-suot ko na ang salamin ay yumuko ako at ipinokus ang camera sa may unang page at ng marinig ko ang mahinang pag-click nito ay inilipat ko ito hanggang sa maka-abot na ako sa ika-apat na pahina.
"Nine minutes." Bigkas ng aming instructor kaya saglit akong napatigil at napatingin dito. Parang kanina nineteen lang ah? Tapos ngayon nine na lamang?
Saglit akong napa-iling at yumuko muli at itinapat sa ika-apat na pahina ang camera hanggang sa marinig ko ang mahina nitong pag-click, kaya pasimple akong ngumisi at inilipat sa kabilang pahina ang test paper.
Kukunan ko na sana ito ng litrato ng magsaliya si instructor Victoria. "Mabuti naman at gumamit kana ng eyeglasses, Steinfeld." Tumingin ako dito at tinanguan ko na lamang ito. Ang daldal naman n'ya, hindi paki-alaman ang kanyang sarili, busy kaya ako sa pag-kuha ng litrato.
Bumuntong hininga na lamang ako at yumuko muli pero na-antala iyon ng mag-salita na naman ang aming instructor na aking ikina-irap. Putangina, sarap busalan ng bibig ng aming instructor e, malaking distraction ang tawag sa laging pag-sasalita niya.
"Four minutes."
Lintek lang! Kung hindi sana siya daldal ng daldal e, sana kanina pa ako tapos!
Napa-busangot ako at tumungo at mabilis na kinuhanan ng litrato ang ika-limang pahina. Mabuti naman at hindi na ako ginambala ng boses ng aming instructor, kagigil e.
Nang matapos ako sa pag-kuha ay tinupi ko na ng maayos ang papel at iyon ay tinaob, mabuti naman ngayon at mapapadali na ang trabaho ko, yuyuko na lamang ako para kumuha ng litarato.
I yawned at inayos ang pagkaka-suot ng clear eyeglasses sa aking mata,at tiningnan lang ang aming instructor na naka-halumbaba na ngayon pero umayos din ito ng malapit ng matapos ang twenty five minutes at nag-simula na itong mag-count down.
"10."
Habang ina-antay s'ya matapos sa pag-countdown ay napatingin ako sa mga ka-batch mate ko na parang natataranta na dahil hindi sila tapos mag-sagot. I just shrugged at hindi na lamang sila pinansin at tinuon na lamang ang pansin sa aming instructor dahil gusto ko na rin talaga lumabas. "
" 6."
"5."
Napa-ngisi ako habang tinitingnan ang mga ka-batch mate ko na kanya kanya ng pabilisan ng pag-sagot at 'yung iba ata ay parang nagpapasahan na ng sagot, pero mukhang hindi iyon pansin ng aming instructor dahil busy ito sa pag - countdown.
"3."
"2."
"1."
"Times up! Pass all the test paper, finish or not."
YOU ARE READING
Badass Genius!
Bí ẩn / Giật gânKnow or listen to those who knows. ------------ Status: Completed. Date Started:12-07-19 Date Ended:04-26-20 Date Re-writing: 06-28- 20 Date Ended: - - - Cover is not mine, credits to the rightful owner.