Badass 17

71 5 0
                                    

Seventeen.

"Talaga?! Payag kana talaga?!" Tila hindi makapaniwalang tanong n'ya kaya ngumisi ako at tumango upang iparating sa kanya na totoo talaga ang sinabi ko.

Napag-desisyunan ko kasi na pumayag na sa alok n'ya na sumali sa grupo n'ya at ngayon naman ay patungo na kami sa headquarters kuno nila na nandito rin pala sa bungad ng isla. Aniya, dalawa ang hq nila, isa sa bungad at isa sa loob.

"Mabuti naman at pumayag kana, mabuti ang pinanigan mo berry." Naka-ngiting bigkas nito kaya nagkibit-balikat na lamang ako. Nagdadalawang isip pa rin ako kung sasali ba talaga ako pero sa huli sumali na talaga ako dahil naisip ko rin na madali ang magagawa ko lalo na at may kailangan pa rin akong kuhanin at nalimutan na rin ata iyon ni Aston.


"Bakit hindi ka man lang magsalita, berry? Alam mo bang ilalagay kana agad sa rank at nasa 17 kana, pero pwede pa iyong mapababa kung malalagpasan mo ang bawat challenge nila sa iyo."

"Wala akong balak na magpababa pa ng rank." Walang emosyong aniko kaya nagkibit balikat na lamang ito hanggang sa makarating kami sa may isang malaking pinto na kulay brown at pumasok doon si Aston na hindi man lang nag-abala na kumatok.

I shrugged at sumunod na lamang sa kanya hanggang sa bumungad sa akin ang tahimik na sala. "Nasaan ang mga kasamahan mo?" I asked habang inililibot ang tingin sa paligid. Sobrang tahimik at parang walang kalaman laman at ng napabaling ako sa p'westo ni king ay wala na s'ya doon at saka ko lamang naramdaman na may paparating na bagay sa kinalalagyan ko kaya agad akong nag back-flip bago tumingin sa paligid.


Tangina, balak ba nila akong patayin? Tumingin ako sa pader at nakita ko doon ang isang kunai na sobrang talas, kung matataan siguro ako nito patay na ako. Lumapit ako sa pader at kinuha ang kunai doon pero muli akong napa-iwas ng may naramdaman na naman akong tatama sa akin at lumagpas sa paningin ko ang isa na namang kunai.

"Kung sino ka man, lumabas kana." Kalmado kong bigkas at itinapon sa baba ang hawak kong kunai at kinuha ang isa pang kunai na tumarak sa pader bago iyon ihagis sa isang direksyon at wala pang minuto ay may narinig na akong kalabog kaya lumapit ako doon at ngumisi.


"Ganito pala kayo mag-welcome, nakaka-excite naman."I said at pinarinig ko talaga sa kanya ang pagka-sarcaatic ko kaya sinamaan ako nito ng tingin at inalis ang kunai na nakatarak ngayon sa binti n'ya bago tumayo at paika ikang lumakad kaya nagkibit balikat na lamang ako at sumunod sa kanya hanggang sa nakarinig ako ng palakpakan.

Nanalaki ang mata ko ng makita ko ang mga taong nakapalibot na sa akin habang sila ay pumapalakpak. I know them, they're the big people in the site.


"Congratulations, Ms. Steinfeld, you never failed to amused me, sadyang napakagaling mo talaga." Lumabas mula sa nagpapalakpakang tao ang isang lalaki at napalakpak din ito habang naka-ngiti kaya binalik ko muli sa pagiging expressionless ang itsura ko.


"Thanks." Maikling aniko at kita ko ang pag-ngisi nito.

"Kung maaari ay tumungo muna tayo sa meeting room para sa isang formal introduction."


****

"First, gusto kong ipakilala sa'yo ang 16th member of AG." May nag-flash na isang litrato sa i 72 inch TV at isa iyong babae na sobrang pamilyar sa akin.


"Wala s'ya ngayon dahil sa may pinagawa pa ako sa kanya at dahil na rin sa exam ngayon kaya wala s'ya, and i guess kilala mo na rin s'ya but let me introduce her to you in formal." Ani n'ya kaya tumango na lamang ako habang tahimik naman ang iba pa sa paligid ko.


"She's Venice Andy Lendemann, she's our researcher at blah.... blah...." Hindi ko na narinig ang sinasabi n'ya at nakatingin lamang ako sa litrato. Alam kong kasali na talaga s'ya pero hindi ko inaasahan na totoong kasali talaga s'ya sa grupong ito, i though she's so innocent.



"So, iyon lang. Sana nakilaka mo pa s'ya lalo." Tumango na lamang ako sa sinabi nito at may pinatayo ito sa tabi n'ya at iyon ay wakang iba kundi si Andrew, ang Vice president ng room namin, s'ya rin ang natamaan ko ng kunai kanina at medyo maayos na naman ito maglakad kahit sariwa pa ang sugat nito.

"He's Vale Andrew Lendemann, kapatid s'ya ng dalawa pa nating m'yembro at isa s'ya sa nagiimbestiga ngayon."


"Next is Aston, kilala mo na s'ya so hindi na siguro kailangan ng formal introduction." Anito ng tumayo na si Aston kaya sumunod naman ang katabi nitong babae.


"This is Aella Scott, her rank is 13 at isa s'yang official, she's also researcher."


"This is Xena Lovato, her rank is 12 at isa rin s'yang official, isa s'ya sa gumagawa ng mga kunai." Anito ng tumayo ang isang babae na petite ang katawan at sobrang putla pero sa tingin ko normal lamang iyon sa kanya. Sunod naman tumayo ang katabi nitong lalaki na sobrang puti at kahit medyo malayo ay kita ko ang peklat nito sa may gawi nitong kaliwang pisngi pero hindi naman iyon pangit sa kanya, in fact mas nakakadagdag pa iyon sa pagiging charming n'ya.



"This is Cassius Alaric Mortel, his rank is 11,at s'ya ang gumagawa ng mga smokebombs na ginagamit namin."




"Next, this is Vince Lendemann, his rank is 10, at isa s'ya sa spy ng grupo." Tumayo ang isang lalaki na kasing tangkad ko lamang ata at kamukga ito ni Venice at Andrew, ito siguro iyong isa pa nilang kapatid. Sunod namang tumayo ang babaeng kulay sky-blue ang buhok at isa pang babae na blue ang kulay ang buhok at isa lamang ang masasabi ko, sobranf magkamukha sila.

"They're the Palvin twins, the girl with sky blue hair is Lezabeth Palvin, her rank is 9 and next to her is her twin, Jezabeth Palvin, her rank is 8 at silang dalawa ay spy rin." Anito kaya tumango tango lamang ako habang tinitingnan sika hanggang sa mapadako ang tingin ko sa katabi ng dalawa. Isa iyong lalaki na kulay pula ang buhok at kumikinang silver cross nitong hikaw na nakasabit sa kaliwang tainga n'ya.


Tumayo ang lalaki at ngumisi sa akin. "He is Ryo brendel, isa s'ya sa island committee kasama ang dalawa pa at isa s'yang spy." Tumingin lamang ako sa lalaki hanggang sa makaupo ito at tumayo naman ang lalaki pa sa gilid nito. Lumipat ang tingin ko sa bagong tayo na lalaki at masasabi ko na mukha itong mataray dahil sa makapal nitong kilay na halos mag-dugtong na ata.


"He is Kieran Drake Pimenova, his rank is 6,at isa s'yang archer." Lumipat ang tingin ko sa sunod nito at isang babae iyon na sobrang angas kung tumayo, ngumunguya pa ito ng bubble gum. Pinalobo n'ya iyon at pinaputok bago ngumisi sa akin kaya pa simple akong napailing.


"She's Levi Lancaster, isa ring island committe, her rank is 5 at isa rin s'yang spy." Muling ngumisi sa akin ang babae bago ito umupo. May protocol ba ang mga taga island committe at may kailangan silang sundin na ngumisi sila sa akin bago tumayo at umupo? I shrugged at tumingin sa sunod na lalaki na tumayo, nakangiti ito kaya kita ko ang napaka-lalim nitong dimples sa kanan at kaliwang pisngi n'ya at sobrang puti rin n'ya.

"He is Neo Salvatore, his rank is 4, isa rin s'yang archer."


"Next is the leader of island committe, none other that Riyoski Yanagisawa, he's a spy." Tumayo ang isang lalaki na sobrang pamilyar din sa akin at nakangisi rin ito habang ang puti nitong buhok ay nakalaglag hanggang sa mata n'ya. Tangina, sabi na e at protocol talaga nila na kailangang ngumisi sa akin.



"Next, Ashton Welch, he's the co-founder of this group at s'ya ang planner namin."




"Last but not the least, i am Lucien Pierce Montana, the founder of this group and proud to say that i am also a spy." Nakangising pakilaka nito pero napatingin ako sa TV ng may lumabas doon na mga letra.


"And welcome to the Assassins Group..."

Badass Genius! Where stories live. Discover now