Fifteen.
"Talaga bang mapapagkatiwalaan ka namin, Aston Harrington?" Pina-singkit ko ang mata ko habang nakatingin sa kanya kaya ngumisi s'ya at tumawa ng mahina.
"Bakit tumatawa ka lamang? Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko?"
"Sa tinagal tagal na nating magka-grupo, ngayon ka pa nanghinala sa akin, berry?" Nakangising bigkas n'ya kaya napa-iling ako at bumuntong hininga. Limang taon na rin kaming magkakasamang tatlo at hindi ko pa rin masasabi kung mapapagkatiwalaan nga ba talaga si King o di kaya ay si Aston.
"Sagutin mo na lamang ang tanong ko Aston."
"Kakampi ako berry, kapit ako sa iyo lalo na at kinakailangan ka rin ng isa ko pang grupo." Kumunot ang noo ko at matiim na tiningnan si Aston.
"Anong grupo?"
"Hindi ko dito p'wedeng ipaliwanag berry, masyado iyong pribado at maraming naka-kalat na CCTV dito sa Imperial, kung maari ay doon na lamang tayo sa iyong dorm." I sigh at tumayo na bago s'ya tingnan. "Sumunod ka sa akin." Ani ko at lumakad na at gayon din ang ginawa n'ya dahil rinig ko ang pag-urong ng upuan nito at pag-sunod nito sa may aking likuran.
"Sa limang taon nating naging isang grupo ngayon mo lang ako pinag-hinalaan." I looked at him and smirk.
"Dahil sa nakita ko kaya nag-bago ang pananaw ko na mapagkakatiwalaan ka talaga." I said dahilan para bumuntong hininga ito at hindi na mag-salita.
I tsk-ed at pinindot ang button patungo sa 10th floor dahil nandoon ang dorm ko at sa tingin ko ligtas pa naman doon mag-usap. Habang ina-antay na makarating ang elevator sa ika-sampung palapag ay napa-sandal ako napa-halukipkip.
"Matagal mo na palang kilala si Montana..."I bring out kaya napalingon sa akin si Aston na naka-tayo ng tuwid sa aking harapan.
"Sorry, i don't have any choice but to lie." Sinserong paumanhin n'ya kaya napatango na lamang ako at tuminin din sa unahan ng tumigil na ang elevator at bumukas na kaya lumabas na kami at tumungo agad sa aking dorm at binuksan iyon gamit ang gold card na isiningit ko sa may bewang ko.
Nang makapasok na kami ay ini-lock ko agad ang pinto at agad na inilibot ang tingin sa paligid para tingnan kung may inilagay na kung ano mang pang-espiya ang unibersidad dito.
I sigh ng wala akong makita at inaya si Aston na umupo sa couch at ganoon din ang aking ginawa. Nang maka-upo na kami ay agad kong kinuha ang laptop ko na ngayon ay naka-open pa rin at agad ko iyong itinapat sa mukha ni Aston para makita niya na kasama ang pangalan niya sa mga pangalan na naka-lista.
"Ipaliwanag mo sa akin kung ano ba talaga ito." Seryosong ani ko kaya bumuntong hininga muna ito at sumadal sa sofa.
"Ang site na iyan... ginawa ng official ang site na iyan para maka-sagap pa kami ng iba namang kasapi, sa katunayan matagal na iyang nagawa ngunit ngayon lamang ako nakasali dahil pending pa noon ang membership ko, ang site na iyan..." He suddenly paused kaya agad akong napatingin sa kanya." Bakit? "Kunot noong tanong ko kaya umiling na lamang ito at ipinag-patuloy ang sinasabi n'ya.
"Ang site na iyan ay para mapa-bagsak ang Imperial..."
"What?! Tangina, p'wedeng ituloy tuloy mo na?!" Nanggigigil na bigkas ko kaya napa-kamot ito sa pisngi n'ya at ngumuso. "Oo na, atat ka naman e." I rolled may eyes at nakinig na lamang sa susunod nitong sasabihin.
"Nang maka-tungtong sa first year college si Lucien ay doon na s'ya natauhan at na-diskubren n'ya na may illegal pa lang ginagawa ang imperial kaya gumawa agad s'ya ng plano, at sa pagkakataong ding iyon ay naluklok s'ya bilang presidente ng Imperial kaya mas lalong umayon sa kan'ya ang plano, napag-alaman n'ya rin na alam din pala ito ng ibang naluklok na officials, kaya napag-isipan n'ya na kailangan n'ya ng maraming kasama para mapa-bagsak ang imperial at kinausap n'ya isa isa ang mga officials at sumang-ayon naman ang mga ito...."He paused again at humawak sa lalamunan n'ya.
"Namamaos na agad ako."Nangiwing anito kaya sinamaan ko ito ng tingin." Oo na, itutuloy ko na."
"... at doon nga nabuo ang site na nakita mo at doon na nga sumali ang iba't ibang tao na handang kumampi sa amin para patumbahin ang imperial."
"So, si Lucien ang leader ninyo?" I asked kaya tumango ito. "Paano kung may mag-bulgar sa inyo? Hindi n'yo masasabi kung mapag-kakatiwalaan lahat ng m'yembro n'yo."
"Dumadaan lahat sa isang pag-subok ang kung sino man ang gustong pumasok sa site at ang tatlong assassin na ang bahala doon at lahat ng mga naka-pasok na ay tested at walang manlaladlad." Sigurading bigkas n'ya kaya tumango ako pero kunot ang noo ko. "Sinong tatlong assassin?"
"Ang island committees." Bigkas n'ya.
"Halos lahat siguro dito kasalu na, may ranking pa..."
"Oo kailangan ang ranking na iyon para matukoy kung saang posisyon ka ba ilalagay isa pa masasali ka rin naman doon."He said dahilan para mapatiim ang tingin ko sa kanya." Hindi ako sasali sa grupo n'yo. "Buong bigkas ko kaya bumuntong hininga ito.
"Berry naman, kailangan ka namin dahil isa kang mahusay at talentadong tao." Pangungumbinsi n'ya sa akin kaya inilingan ko s'ya kaya bumuntong hininga ito.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit namin gustong ipa-bagsak ang unibersidad?" Ungkat nito.
"Bakit sa akin mo iyan itinatanong? Hindi ako interesado sa mga bagay na iyan dahil alam mong isa lang ang ipinunta ng grupo natin dito."
"Berry, kailangan mo ring pakinggan kung bakit ba namin gustong patumabahin ang Imperial..." Anito sa desperadong boses kaya kumamot ako sa pisngi n'ya at tumango. "Ipaliwanag mo sa akin kung ganoon, baka sakaling makumbinsi mo ako." Aniko kaya sumilay ang ngiti sa mukha nito at agad na umayos ng upo.
"Gusto naming patumbahin ang Imperial dahil sa mga illegal na ginagawa ng mga ito, kinukuha nila ang mga matatalinong studyante na naka-perfect ng scores sa first exam o di kaya naman limang mali lamang ang mali sa test, kinukuha nila sila para gawing mga scientists nila, pinipilit nila itong pag-aralin kung paano maka-buhay ng patay at minsan naman ginagawa nilang human tester ang mga nakukuha nila..."

YOU ARE READING
Badass Genius!
Mystery / ThrillerKnow or listen to those who knows. ------------ Status: Completed. Date Started:12-07-19 Date Ended:04-26-20 Date Re-writing: 06-28- 20 Date Ended: - - - Cover is not mine, credits to the rightful owner.