Badass 3

161 6 0
                                    

Three

"You mean?... you have a twin brother?"

Sumandal ako sa likod ng silyang inuupuan ko at tiningnan na lamang si Aston kung paano tanungin si Montana. Nandito kami ngayon sa lugar ni Montana at syempre naka-maskara pa rin kaming dalawa ni Aston para narin maingatan ang pagkatao namin.

"Oo, nag-aaral s'ya sa Imperial bilang isang college student, doon na rin siya nag-aral ng high-school."



"Threat ba s'ya sa amin kung gumawa na kami ng galaw?" Ako naman ang nagtanong dahil puro walang kabuluhan ang tinatanong ni Aston. Tinanong ko iyon dahil baka maging hadlang ang kapatid n'ya sa gagawin naming misyon at syempre kung ganoon nga, hindi ko iyon hahayaang mangyari.


"Sa tingin ko Oo, dahil masyadong mataas ang pride n'ya bilang isang Montana at mataas din ang tingin n'ya sa akin, hindi n'ya ako hahayaang humingi ng tulong sa iba para makapasok sa Imperial." Paliwanag n'ya kaya napatango ako. Sa tingin ko malaking hadlang talaga ang kapatid n'ya kaya gagawa kami ng paraan para maiwasan s'ya at kung hindi naman namin s'ya maiiwasan, gagawa na kami ng paaran para hindi na s'ya maging hadlang sa amin.






"Kung gano'n, Anong gusto mong gawin namin sa kapatid mo? Kill or torture?" Seryosong bigkas ko at ginamit ko talaga ang pamatay kong boses para kapani-paniwala ang mga sinasabi ko.


"W-what? Kill? Torture? Wala naman sa usapan natin iyon ah?!" Nanlalaking matang tanong nito kaya napangisi ako.


"Naku, pasensya kana d'yan kay berry. Nag-bibiro lang 'yan, hindi naman namin iyon gagawin sa kapatid mo dahil iba ang ginagawa namin sa mga hadlang sa plano namin." Kumalma si Lucian ng biglang iyong sabihin ni Aston na iniirapan ako kaya inirapan ko rin ito, parang bakla talaga e.



At isa pa, niloloko ko lang naman talaga si Montana sa mga sinabi ko, ibang iba ang ginagawa namin sa mga hadlang sa misyon namin at hindi naman kami pumapatay.


"Kung gano'n...'yun lang ba ang tanong n'yo?" Tanong nito kaya tumayo na ako. "Oo, ganon lang. Aalis na kami at antayin mo na lamang ang dating ng unang exam paper."Bigkas ko at umalis na kami ni Aston doon.





*********



"So, babaguhin natin ang taktika?" Kunot noong tanong ni Aston habang kumakamot naman si King sa noo n'ya na parang hirap na hirap s'yang magpaliwanag.



"Oo gano'n na nga." Nakangiwing bigkas nito dahilan para mapabuntong hininga ako. "E, anong bago?" Bagot na tanong ko at napahalumbaba sa table.




"Tayo na mismo ang kukuha ng entrance exam at tayo ay magiging examinees." Paliwanag n'ya kaya napatango ako. Okay na rin iyon pero...




"Bakit gano'n pa?" Napatingin ako kay Aston ng itanong n'ya iyon, naunahan pa ako.





"Dahil sa tingin ko mapapadali tayo doon, pinag-aralan ko ang plano natim dapat kanina at masasabi kong baka magkaroon tayo ng komplikasyon pag basta na lamang natin kunin ang entrance exam paper,at kung maibigay na natin ang papel at maiging mag-aral si Montana at ma-perfect n'ya ang lahat ng score baka mapag-kamalan s'yang s'ya ang kumuha ng exam paper. "Paliwanag n'ya.




"Wala namang makaka-alam na kukuha tayo ng isang copy ng test paper so bakit pa?" Kunot noong tanong ko. Oo nga at baka mangyari ang sinasabi ni King pero bakit malalaman pa nila na may kumuha ng exam  'di' ba? Unless na lamang kung may magsasabi.




"Nang hindi ako sumama sa inyo kanina, nag-imbestiga ako at napag-alaman kong hindi pa nila kina-copy ang lahat ng entrance exam paper at puro original copy pa lamang ang nandoon at pag kinuha natin iyon... alam n'yo na ang mangyayari." Iling iling na bigkas nito. His words does make sense, pero meron pa ulit...



"Pwede naman nating kunin ng weekends ang test paper para i-copy ito at ibalik na rin natin." I suggested, pwede rin naman iyon at sa tingin ko mapapadali pa ang gawain namin kung gagawin namin iyon.



"Hindi pwede, hindi natin pwedeng i-take ang risk sa napaka-liit na panahon lalo na at mas maraming instructor ang napunta sa University pag weekends, mas maliit ang tyansa natin na makuha ang original copy so i came up with a new plan, at iyon na nga ang sinasabi ko sa inyo.




"Okay, payag na ako."



"Ako rin." Ani Aston na ngayon lang muli nagsalita.




"So, it's settled. Next week ang alis natin patungo sa Imperial."




Badass Genius! Where stories live. Discover now