Badass 5

122 6 0
                                    

Five

"Tracker, earpiece, mini cam, wait... ano 'to?" Kunot noong itinaas ko ang isang bagay na nakita kong nakasama sa mga bagahe namin ng gamit para sa gagamitin namin sa misyon.

"Smoke bomb lang 'yan, baka sakaling kailanganin." Kibit balikat na bigkas ni King kaya napairap ako at isinama na ito sa bagahe namin. May inspeksyon naman ng mga gamit pero kaya naman namin itong ipuslit sa isla.

Yes, nakatayo sa isang isla ang paaralan na iyon at sobrang pribado niyon. Ipinatayo iyon sa isang isla dahil para raw maiwasan ang pagiging kabulastugan ng mga ito.

Ini-zipper ko na ang bagpack ko at inilagay iyon sa tabi ng dala kong maleta, ngayon ang alis namin patungo sa isla dahil nakalipas na ang isang linggo, bilis 'di' ba?

"Nasaan na si Aston?" Kunot noong tanong ko ng hindi ko maaninag kahit ang anino ni Aston.

"Nasa jet na s'ya." Napatango ako sa sinabi n'ya at kinuha na lamang ang bagpack ko at isinakbit iyon sa balikat ko at hinila ko naman ang maleta ko.

"Una na ako." Tumango ito kaya lumabas na ako at tumungo kung saan nakatigil ang private jet. Naka-jet kami na pagmamay-ari ni Aston, ayaw ko namang ipagamit ang akin dahil baka magasgasan lamang iyon.

Napailing ako at pumasok na sa loob ng private jet, ibinigay ko na rin sa driver namin ang bagahe ko.

"Nakuha mo na ba 'yung invitation?" Bungad na tanong ko kay Aston na prenteng naka-upo habang hawak hawak ang tablet n'ya. "Oo naman, buti na nga lamang at naabutan ko pa s'ya kun'di hindi talaga ako makakapasok sa University." Iling iling na bigkas nito. Invitation card, kailangan iyon ng mga nag-grad sa Imperial para makapag visit sa unibersidad, kahit masabi mo pang graduate ka sa paaralan na iyon pero wala kang maipakitang invitation card hindi ka talaga nila papapasukin.

"Sa bungad lang pala tayo ng isla 'no?" Napatingin ako sa bagong pasok na si king ng tanungin n'ya iyon. "Late lang dumating sa'yo?" Pang-aasar ni Aston kaya agad s'yang nakatanggap ng batok mula kay King.

"Sariling research ko iyon." Pagmamayabng nito kaya napairap ako. "Sa bungad lang talaga tayo ng isla dahil kailangan pa nating makuha ang entrance exam, hindi nila tayo hahayaang pumasok sa main island, maliban na lamang kung makakapasa ta'yo." Ani ko.

Napatingin ako sa labas mula sa bintana ng maramdaman kong umangat na ang jet na sinasakyan namin at umandar na iyon.

"Paano nga pala kung makapasa kayo?" Tanong ni Aston kaya nag kibit balikat ako. "Edi makakapasa." Tipid na sagot ko.

"Okay lang 'yon, magandang opportunity rin iyon sa atin lalo na at marami ang nangangailangang makapasok sa University."

Sumandal ako sa bintana at hinayaan na lamang silang mag-usap, hanggang sa hindi ko namalayan na napapikit na ako.

-----


"Berry! Berry! Gising na!" Agad kong naimulat ang mga mata ko ng may yumugyog sa akin at nakitang si King iyon na nasa tabihan ko na. "Bakit?"Tanong ko at hindi ko maiwasang mapatikhim ng marinig ko mismo ang pagka-piyok ng boses ko.

"Nandito na tayo." Tumango ako sa sinabi n'ya at agad ng tumayo, inayos ko muna ang buhok ko bago bumaba at bumungad sa akin ang napakalaking kastilyo, oh! Hindi ko ini-expect na sobrang laki pala nito sa personal.


Inaya na ako ni king at sinabing nauna na raw sa loob si Aston kaya sumunod na lamang ako at tumapat kami sa napaka-laking gate, may lumapit sa aming isang lalaki na naka-formal suit at binigyan kami ng striktong tingin.

"Kayo ba ang last examinees?" Tuwid lamang ang mukha nito habang tinatanong iyon kaya si King na ang sumagot. "Opo."



"Kung gano'n, sumunod kayo sa akin para makuhanan na kayo ng litrato para sa inyong pagkaka-kilanlan." Pagkatapos n'ya iyong sabihin ay tumalikod na ito at nagsimulang lumakad kaya sumunod na rin kami at nang tumapat kami sa gate ay dahan dahan iyong bumubukas.
Oh, automatic ah?


Badass Genius! Where stories live. Discover now