Badass 10

85 4 0
                                    

Ten.

"Tangina! Ang sikip!"

"Tangina mo. H'wag kang malikot, ang sakit."

"Ang sikip kaya."

"Edi h'wag kang mas'yadong magalaw dahil ang sakit!"Inis kong napukpok sa ulo si king dahil naglumikot na naman ito.

"Sorry naman 'no?! Nangangalay na hita ko e."

Umirap ako at umayos ng upo. Nandito kasi kami sa ilalim ng cart,' yung lalagyan ng pagkain ng mga mayayaman? Nagsiksikan kami ngayon dito ni king dahil kailangan naming makapuslit sa tinutuluyan ni Aston, iyon lamang kasi ang safe na lugar kung saan kami p'wedeng mag meeting.

"Will you two please shut up? Ang ingay n'yo, baka may makarinig sa inyo."Aston whispered, 'yung sapat lang para marinig namin kaya tiningnan ko ng masama si king kaya nag peace sign ito sa akin habang nakangiwi.

"Malapit na ba tayo?" I asked dahil kanina pa talaga kami nagsisiksikan ni king.

"Malapit na." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Aston at ilang minuto lang ang inantay namin ng tumigil ang pag-andar ng cart kaya sumilip ako sa telang nakataklob sa amin at nakitang may binubuksang pinto si Aston. Ito na siguro ang silid n'ya. Inayos ko na muli ang telang nakaharang ang mabuksan na ni Aston ang pinto at itinulak muli ang cart papasok.

Nang marinig ko ang pag-sarado ng pinto ay agad akong lumabas at nagpaypay sa aking sarili. Damn that was hell.

"Aray! Ang sakit ng likod ko." Napatingin ako kay king at nakitang paika-ika pa itong naglalakad. Hindi ko maiwasang mapangisi, masyado kasi s'yang matangkad at pinagkasya lang ang sarili sa cart.

"Sabi ko naman sa inyo e, dapat 'yung usually na ginagawa na lamang natin." Nakasimangot na bigkas ni Aston kaya napailing na lamang ako at agad na umupo sa couch ni Aston.

"Lalo tayo mahuhuli doon."

"Paano nga pala pag-balik natin?" Napalingon ako kay King ng itanong n'ya iyon kaya nagkibit-balikat ako. Totoo, hindi ko talaga alam kung paano kami makakablik, I wasn't prepared fo this though, bigla na lamang namin 'to naisip at hindi man lang naalala ang pag-balik. Badtrip lang.

"Syempre sa cart ulit." Sabat ni Aston habang umupo rin sa couch kaya napailing ako ng inis na nag-mura si King.

"Cart na naman?! Fuck! Feeling ko baluktot na ako pag-balik natin sa bungad." Nakasimangot na bigkas ni King at umupo rin sa couch kaya napahalakhak si Aston.

"Tanga, edi sana ginawa mo na lang 'yung ginagawa natin lagi." Ani Aston kaya napatango ako. Oo nga naman, para mas mapadali s'ya. Pumupuslit kasi kami at kahit magpatalon talon pa kami sa nagtataasang bakod nitong University ay kaya pa rin naming makapasok, kaso kailangan pa rin naming mag-ingat sa mga CCTV na naka-kalat, pwede rin naman na ishut down na lang namin muna ang buong system ng University para makapasok kami ng walang sabit.



"Oo nga at kaya ko but ayaw ko talaga ngayon mag-unggoy ungguyan, may injury kaya ako sa tuhod."



"Tama na ang daldal King, magsimula na tayo." Sabat ko dahil balak pa atang i-kwento ni King ang buong pangyayari sa kanya.



"Nagsisimula na kayong dalawa pero wala parin akong nagagawa." Nakasimangot na bigkas ni Aston kaya tumawa ng malakas si King at tinapik tapik pa ang braso ni Aston. "Okay lang 'yan p're, isipin mo na lang ambag mo ang sarili mo." Pang-aasar pa ni King kaya lalong napasimangot si Aston.

Napailing na lamang ako. "Tumigil na kayo. Isa pa, may gagawin ka rin naman Aston kaya mag-intay intay ka lamang."


"Right! Oo nga pala, tungkol doon sa in-offer..."



Bumuntong hininga ako sa sinabi ni King at napahilig sa sandalan ng sofa. "Hindi dapat natin iyon tanggapin." Agap na sagot ko.




"Kahit isa sa inyo dapat tanggapin iyon." I cinfusely look in Aston.


"Walang dahilan para tanggapin iyon." Kunot noong ani ko kaya mabilis itong umiling. "Iba ang pinupunto ko, pag kasi may tumanggap sa inyo kahit isa pwede natin iyong maging advantage at pag nakapasok na ang kahit isa sa inyo makakatanggap pa ulit tayo ng ibang misyon at madali na nating makukuha ang dapat nating makuha." Mahabang salaysay ni Aston kaya hindi maiwasang mapataas ang sulok ng labi ko. That make sense, maliban kasi sa misyon namin para kay Montana ay meron pang iba pero hindi pa iyon dapat ibulgar ngayon dahil iyon ang pinakang pinunta namin dito sa Imperial.





"Oo nga 'no? Feeling ko na bo-bobo na ako simula ng pumasok ako dito sa Imperial." Iling na bigkas ni King kaya napairap ako. "Hindi 'yon feeling King, inborn na 'yon sa'yo." Pang-aasar ko kaya narinig ko ang halakhak ni Aston at binara bara rin si King.



"Back to the topic. Sino sa atin ang tatanggap?" Agaw pansin na tanong ko sa kanila kaya nanahimik na rin sila na tila ay nag-iisip. Siguro kung ako ang tatanggap ay mas mapaoadali pero alam ko si King, pag s'ya ang naiwan sa bungad ay baka hindi n'ya magawa, hindi naman kasi ito ang ginagawa n'ya pag may misyon kami.




Napabuntong hininga ako at magsasalita na sana ng unahan ako ni King at napatigalgal ako sa sinabi n'ya.



"Ako na lamang ang maiiwan..."




Badass Genius! Where stories live. Discover now