25.
"Finals na ngayon, yehey! Ano guys, saan n'yo gusto pumunta pag-katapos?!" Naka-halumbaba lamang ako habang tinitingnan ang mga ka-batch mate ko na mag-saya sa unahan. Balak kase nilang magliwaliw pag-katapos ngayon ng finals namin.
Napailing na lamang ako. Dapat pag-katapos na lamang ng result ng examination sila ng didiwang.
"President, say ka naman d'yan. Ano sama ka ba?!" Agaw pansin sa akin ng Secretary namin kaya umiling na lamang ako para iparating sa kanila na wala akong balak sumama.
"Ay, ang kj mo naman pres, sama ka—" Natigil ito sa pag-sasalita ng biglang bumukas ang pinto ng room at pumasok doon ang strikto naming instructor.
Mabilis pa sa langgam na nag-sibalikan ang mga ka-batch mate ko sa kani-kanilang upuan. Pasimple akong ngumisi.
"Finals na ngayon. Ibig-sabihin ito na ang last day na mag-eexam kayo. So, goodluck at pagbutihin n'yo ang pag-sasagot." Straight face na bigkas nito at dumako ang tingin sa akin, ibig sabihin ay lumapit ako sa kanya dahil gagampanan ko na naman kuno ang pagiging president ng room na ito.
I sigh at lumapit sa instructor namin, kinuha ko dito ang mga test paper at nagsimula ng mag-distribute sa mga ka-batch mate kong naka-upo.
Nang matapos na ako ay agad akong umupo at inantay na lamang ang senyas ng aming instructor kung kailan ba kami mag-sisimula.
"Dahil three hundred items iyan ay bibigyan kayo ng isang oras para matapos iyang sagutan, that's all. Magsimula na kayo, and remember, cheating is not allowed." Dumiin ang bigkas nito sa dulo kaya naipilig ko ang ulo ko at yumuko na. Nag-simula na akong mag-sagot.
Habang tahimik na nagsasagot ay saglit akong napatigil sa ikalawang page ng may sunod sunod na tanong na bumungad sa akinna hindi ko alam.
Napa-maang ako at binasa iyon ng mabuti. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa mga ito since wala naman akong alam sa imperial.
Ang ibang tanong kasi ay tungkol sa Imperial University, tulad ng,
'Who is the founder of the Imperial Univ?'
Hindi ko naman alam ang isasagot dito dahil hindi ako nagbabasa ng backgrounds ng iba.
I sigh at tumingin sa aming instructor na naka-yuko at may kung anong ginagawa sa papel na hawam n'ya. Aagawin ko na sana ang pansin n'ya ng may naka-una sa akin na isang babae.
"Yes?" Tanong ng aming instructor ng maka-tunghay ito.
"Instructor Vic, bakit po may random question dito tungkol sa Imperial?" Tanong nito kaya nagsi-sangayunan ang iba pa.
Our instructor sigh. "Every year sa finals ng iba't ibang year level, laging may random question about imperial, kaya h'wag na kayo magtaka at isa pa sa Imperial n'yo naisipan na pumasok kaya makikita n'yo talaga ang random question about imperial." Anito dahilan para wala ng maka-sagot.
I hissed at pinag-patuloy na lamang ang pag-sasagot. Hindi ko na pinansin ang mga random question about imperial at pinag-igihan na lamang ang pagsasagot hanggang sa umabot ako sa ika-dulong page.
Madali lamang ang mga tanong maliban na lamang sa mga random question ng imperial, hindi ko naman iyon ika-babagsak dahil sa tingin ko ay nasa twenty lamang ang mga random question.
Nang matapos ako sa pag-sasagot ay hinila ko sa may kwelyo ng suot kong V-neck ang clear glasses na ginamit ko noong nakaraan.
Isinuot ko ang salamin at yumuko. Itinapat ko ang lens ng salamin sa test paper.
"Fifteen minutes..." Napatigil ako sa pag-focus ng marinig ko iyon. Fuck?! Ang bilis.
Inalis ko sa isip ko ang sinabi ng aming instructor at pinokus na lamang ang lens sa pag-tutok, at ng makuha ko ang tamang anggulo ay automatic iyong nakuhanan ng litrato hanggang sa umabot ako sa ika-sampung pahina.
Napaka-kapal ng test namin na ito at mayroong kinse na pahina kaya pahirapan rin ako sa pag-kuha.
"3 minutes." Napa-maang ako at saglit na nataranta. Fuck! Mayroon pa akong limang kukuhanan at three minutes na lamang iyon.
Huminga ako ng malalim bago inilipat sa ika labing-isa na pahina at kinuhanan iyon ng litrato. Ipinokus ko lamang ang aking ginagawa hanggang sa umabot ako sa ika labing-apat na pahina.
Kukuhanan ko na sana ng muling mag-salita ang aming instructor na parang ikina-pasma ng aking kamay.
"Nineteen seconds." Huminga muli ako ng malalim at inayos ang lens bago kuhanan ang ika labing-apat bago lumipat sa pinaka-dulo.
Namawis ang sintido ko at inayos ang pagkaka-suot ng salamin sa akin at inayos ang tutok ng lens sa test paper.
Huminga ako ng malalim at ng mag-pokus na ay s'ya namang pagka-rinig ko ng mahinang pag-click.
Napahinga ako ng maluwag at inayos ang test paper ko at ang clear glasses.
"9."
"8."
"7."
"6."
"5."
"4."
"3."
"2."
"1."
Bumuga ako ng hangin at pinahid ang pawis sa noo at sintido ko, gayon din ang mga kamay kong pawis na pawis na.
Tumingin ako sa aming instructor ng mag-salita ito.
"Pass the paper now."
YOU ARE READING
Badass Genius!
Mistério / SuspenseKnow or listen to those who knows. ------------ Status: Completed. Date Started:12-07-19 Date Ended:04-26-20 Date Re-writing: 06-28- 20 Date Ended: - - - Cover is not mine, credits to the rightful owner.