Nineteen.
"Anong update d'yan king?" Tanong ko habang naka-halumbaba habang s'ya naman ay may tinitingnan na kung ano sa papel na hawak n'ya. Ka-video call ko ngayon si King para humingi ng update dahil medyo matagal ko na rin s'ya hindi nakaka-usap.
"Alam ko na kung bakit nila kami inilagay sa special section." Seryoso n'yang bigkas kaya napa-upo ako ng ayos at seryoso ring tiningnan si King.
"Ano? I have a hint na sobrang seryoso nito."
Tumango ito sa sinabi ko. "Yes, you're right. Sobrang seryoso talaga nito dahil natuklasan ko ang illegal na gawain ng imperial."
"What is it?" I asked at kahit parang alam ko na ang sasabihin n'ya ay nakinig pa rin ako.
"Lahat ng taong napupunta sa special section ay pawang matatalino lamang, kinukuha ito ng imperial at pinagsasama-sama sa isang silid para gawing mga scientists nila o di kaya ay gawing mga human tester, hindi ko pa alam kung bakit nila iyon ginagawa pero isa lang masasabi ko. Sobrang dami na nilang nakuha na mga studyante at binabayaran nila ng malaki ang pamilya ng mga nakukuha nila. "Napabuntong hininga ako sa sinabi ni King. Sabi na nga at iyon ang sasabihin n'ya.
"I know, kaya sumali ako sa isang grupo." Mahinang bigkas ko at kita ko bigla ang oagkunot ng noo nito.
"Saang group berry? Sa grupo ba ni Lucien?" Tanong nito kaya tumango ako.
"Oo, kasasali ko lamang dahil hindi ko lamang matutulungan ang iba pang studyante, makukuha ko rin ang libro na kinuha nila sa angkan natin King." Aniko kaya bumuntong hininga ito.
"Sumali rin ako kanina berry, mas madali nating makukuha ang libro kung magtutulungan tayo." Tumango ako sa sinabi nito, oo nga. Sad'yang mas mapapadali kung magtutulungan kami.
"Mabuti 'yon."
"Sige, sa susunod na lang ulit. May exam ka pa bukas e." Bigkas nito kaya ngumisi ako sa kanya.
"Na-extend ang pahinga namin, wala kaming exam bukas dahil sa nangyari sa section namin, sige sa susunod na lang ulit, bye." Pinatay ko na agad ang video call at humilata sa kama ko. Hindi ko na s'ya hinayaan pang magsalita dahil alam kong magtatanong lamang iyon nang magtatanong hanggang sa masatisfied s'ya.
Napa-buntong hininga ako at pumikit pero napamulat muli ako at muli kong maalala ang nangyari kanina noong pinapunta kami sa principal office.
"Didn't you heard what i said? The president must come also."
Napakamot ako sa pisngi ko dahil sa sinabi ng aming instructor pero agad rin naman akong sumunod sa kanila papunta sa principal office. Nasa likod lamang nila ako at rinig ko ang usapan nilang dalawa.
"Who told you to spy?" Rinig kong tanong ng aming instructor kaya napairap ako. Trabaho nya bang tanungin pa iyon? Sa pagkakaalam ko para lamang iyon sa principal.
"Hinding hindi ko ilalaglag ang taong iyon." Napataas ang kilay ko dahil sa sagot nito. Loyal huh? Malapit na nga syang makick out sa isla na ito at ganyan pa rin?
YOU ARE READING
Badass Genius!
Mystery / ThrillerKnow or listen to those who knows. ------------ Status: Completed. Date Started:12-07-19 Date Ended:04-26-20 Date Re-writing: 06-28- 20 Date Ended: - - - Cover is not mine, credits to the rightful owner.