Eleven.
"Ayos lang ba talaga sa'yo na maiwan?"
I sigh at inabot kay King ang hawak kong bagpack na kasasarado ko lamang."Of course, madali lamang sa akin ang mga ganitong bagay but remember i always need a backup."
"Then always wear your earpiece and tracker para mas madali ang kominikasyon natin." Tumango na lamang ako sa sinabi ni King at tinulak s'ya, 'yung mahina lamang sapat na para mapahakbang s'ya ng kaunti paatras. "Umalis kana, inaantay ka na ng officials." Ani ko. Si King na lamang ang pinag take over ko sa offer ng officials dahil alam kong hindi n'ya kakayanin kung maiiwan s'ya dito, i don't underestimate him but that's the truth kaya ako na lamang ang nagpa-iwan lalo na at may iba pa akong kailangang gawin.
"Okay, bye. Take care." Tumango ako sa sinabi nito kaya ngumiti ito at ginulo ang buhok ko na ikinairap ko.
"Seriously, King? You always do that kapag ikaw ang nalayo sa akin." Irap na bigkas ko kaya tumawa ito. "Signature lang, aalis na talaga ako. Bye." Tumango na lamang ako sa sinabi nito at tumalikod na ito kaya napabuntong hininga ako at tinanaw na lamang s'ya na lumakad paalis hanggang sa hindi ko na maaninag ang pigura n'ya.
I massage my neck at tumalikod na rin parapumunta sa aming room, malapit kasi ako sa gate papasok sa main island at hinatid ko lamang doon si King dahil malapit lamang doon ang aming dormitory. Tahimik lamang akong naglalakad habang pasulyap sulyap sa paligid lalo na at napapasin kong kakaunti lamang ang dumadaan sa dinadaanan ko dahil malapit na ang time ng examination.
Oo nga pala, malapit na ang exam namin. I look in my wristwatch at nakitang malapit ng mag eight kaya nagmadali na akong maglakad hanggang sa hindi ko napansin ang taong nasa unahan ko at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkabungguan kaming dalawa.
"Aww—fuck..." I closed my eyes then open it again at dali dali tumayo. Tangina, ang sakit ng pagkaka-bagsak ko.
"Shit! I'm sorry miss. Nasaktan ka ba?" Napatingin ako sa lalaking nakabanggan ko at una ko agad napasin dito ay ang puti nitong buhok at nalaglag ang tingin ko sa mukha nito, napasin ko rin ang napaka-puting balat nito.
"Oo." I straightforwardly said kaya nakita ko itong ngumiwi at napa-kamot sa pisngi n'ya.
"Sorry talaga, hindi ako nakatingin, gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" I shook my head at muling napatingin
sa wristwatch ko."H'wag na dahil kailangan ko na ring umalis." I said at tumakbo na agad at nilagpasan ang lalaki dahil five minutes na lamang bago mag eight.
Napabuga ako ng hangin at habang tumatakbo patungo sa room namin at natungin din ako sa relos ko at nakitang one minutes na lamang na ikinangiwi ko. Damn, ang bilis ng oras!
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa tinagal tagal ng pag-takbo ko ay narating ko na rin ang room namin kaya napahawak ako sa door knob at napahawak sa dibdib ko dahil tumitibok iyon ng malakas at tumutulo rin ang pawis sa noo ko.
Hinabol ko muna ang aking hininga bago tumayo ng maayos at kumatok sa pinto bago iyon buksan at bumungad sa akin ang mga kabatch-mate kong tahimik lamang at nabaling ang tingin sa akin.
"You make it in time Ms. Steinfeld, kaya pagbibigayan kita, maupo kana dahil magsisimula na tayo." Napatingin ako sa instructor namin ng istrikto niya iyong sabihin kaya tumango na lamang ako at dumiretso sa upuan ko.
"So, today is the second day of examination, naintindihan n'yo na naman siguro kung ano ang bawal at hindi 'di'ba? So, i expect na wala ng magkakamali sa inyo." Said by our instructor dahilan para tumango silang lahat 'liban sa akin and they said 'yes' in unison.
"Okay, here is it. Pass the paper at may thirty minutes kayo para sagutan qng one hundred item na 'yan." Pinasa nito ang mga test paper kaya nag-abang na lamang ako habang tumitingin sa unahan.
Shit! Oo nga pala, hindi pa nakukuha ni King ang copy ng second test paper. Napalabi ako at napatingin sa papel na nabigay sa akin, kailangan ko pa pala itong kuhanan ng litrato.
I scratch my cheek at agad na sinagutan ang mga tanong at minsan ay hindi ko maiwasang mapatawa lalo na at may madadaling tanong lamang ang nasa test paper katulad ng...
Question 92: What is the co-factor of DNA polymerase?
That so easy right? Pasimple akong napa-iling at pinag-patuloy ang pagsasagot hanggang sa matapos ako, ang bilis ko matapos.
I looked in the wall clock at napansing kinse minutos na ang nakakalipas ng magsimula kami kaya itinapat ko ang test paper sa tapat ng dibdib ko at agad akong napatingin sa damit ko para tingnan ang mini-cam doon pero sandali akong natigilan ng wala akong nakitang mini-cam doon kaya naibaba ko ang test paper at kinapa-kapa ang buong katawan ko. Shit! Nasaan na?!
Then a short scenario awhile ago came in my mind kaya medyo nataranta ako. Damn, nahulog siguro pagka-bangga ko sa lalaki. I panicked a little pero pinakalma ko rin ang sarili ko dahil alam kong wala iyong magagawa.
I gulped at tumingin muli sa wall clock, tangina. Thirteen minutes na lamang ang natitira.
Napahawak ako sa ulo ko at nag-isip, tangina paano na? Hindi naman pwedeng basta basta na lamang akong lumabas. I chewed my lips hanggang sa may biglang pumasok sa utak ko kaya napatikhim ako ng mahina at in-on ang earpiece na naka-kabit sa tainga ko.
"Hello? Hello king?! Can you hear me?" I whispered habang inu-uli ang tingin sa paligid at napansing busy pa rin ang lahat kaka-sagot sa kani-kanilang mga test paper.
"King!" Nakagat ko na ang dila ko kaya napangiwi ako hanggang sa marinig ko na parang may ginagawa sa King.
"Berry?! Bakit?!" Agad na tanong nito kaya napa-buntong hininga ako. "May camera itong earpiece 'di' ba? P'wede mo bang i-save ang mga kukuhanan kong litrato?" Napatingin ako sa wall clock habang ina-antay ang sagot ni King.
"Okay, may nangyari ba?" Lalo akong napangiwi sa itinanong ni king. "Tangina! Mamaya kana magtanong, paubos na ang oras ko, i-save mo na ah?!" I said in rush at hindi na inantay sumagot si King at tinanggal ang earpiece sa tainga ko at agad na iniharap ang napaka-liit na cam sa mga test paper at sunod sunod ko iyong kinuhanan. I was in the third page at ililipat ko na sana sa fourth page ng mag-salita ang aming instructor.
"Last 1 minutes." Napalabi ako, ang bilis ng oras. Agad kong kinuhanan ng litrato ang ika-apat na pahina at halos mapigti ang hininga ko ng mag-simulang mag-countdown ang aming instructor. Ang bilis.
"39."
I chewed my lips at inilipat na agad sa last part at kinuhanan iyon pa-unti unti dahil mas'yadong maliit ang lens ng earpiece namin ay hindi agad makukuhanan ng buo ang isang page kaya ang hirap kumuha ng litrato.
"17."
"16."
Saglit akong napapunas sa pawis sa noo ko at muling itinutok ang camera sa pang-huling kukuhanan ng litrato ng marinig ko muli ang pagbibilang ng aming instructor.
"3."
Tangina, ang bilis. I gulped at agad na kinuhanan ang last part at muling ibinalik ang earpiece sa tainga ko at ibinalik sa front page ang papel.
"2."
Napapunas ako sa noo ko at tumingin sa instructor namin na nakatayo na.
"1."
"Okay, times up. Pass the paper finish or not."
YOU ARE READING
Badass Genius!
Mystery / ThrillerKnow or listen to those who knows. ------------ Status: Completed. Date Started:12-07-19 Date Ended:04-26-20 Date Re-writing: 06-28- 20 Date Ended: - - - Cover is not mine, credits to the rightful owner.