Badass 4

143 8 0
                                    


Four

"Someone help him?"Kalmadong tanong ng isang binatang lalaki sa kaharap nyang isang matandang lalaki. Naglalaro ang edad ng binatang lalaki sa twenty. Matangkad ito at may matipunong pangangatawan, meron itong berdeng mga mata at may matangos na ilong, may kulay dugo rin itong labi at halos kasing kulay ng papel ang balat nito, meron din itong kulay abong buhok at kahit kalmado ang pagsasalita nito ay mapapansin naman sa mukha nito ang magkasalubong nitong makapal na kilay.

"Yes, Master."Parang robot kung sumagot ang matandang lalaki. Nakayuko na ito ngayon sa binata. Kalmado ang pagsasalita ng matanda kahit ramdan nya ang mabigat na presensya ng taong niyuyukuran nya.

"Who?" Muling tanong ng binata. Kanina pa ito naiinis pero pinananatili nitong kalmado ang kanyang pananalita at postura. May tumulong na naman sa kapatid nya. Iyon ang kanina pang iniisip ng binata, hindi nya kase matanggap na kailangan pa talaga nitong humingi ng tulong para lamang makapasok sa eskwelahan nila. Hindi nya maintindihan ang kapatid nyang iyon, matalino ito pero laging nagdududa sa sarili hindi nya alam kung ikakahiya nya ba ang kapatid nya dahil sa ginagawa nito.

"Our Team can't reach who was that, but they found out that it's a girl." Agaran na sagot ng matanda. Mabilis itong sumagot dahil ayaw nitong mapahiya sa master nya.

Mabilis na nakarating ang balitang iyon sa natukoy na lalaki at hindi iyon nagustuhan ng binata. Maraming naka-kalat na espiya ang binata sa kanyang kapatid para naman matukoy n'ya kung may gagawin na naman itong kakahiyang gawain na talaga namang ikalulubog ng pride ng kanilang pamilya.

"A girl?" Kumunot ang noo ng binata at napahilot sa sintido nito. Bakit kailangang sa babae pa ito lumapit? Hindi talaga nahihiya ang kapatid nya, ang angkan nila ay matatalino lahat at matataas ang kompyansa sa sarili pero bakit ang kapatid nya hindi? Wala talaga itong pride para sa sarili at para na rin sa kanilang angkan!

"Yes, Master. We found out that she's good at everything , that's why Master lucian pay her 30 million." Sagot ng matanda na ikinalalim ng hininga ng binata. 30 fucking million? Shit! Nagiisip pa ba ang taong iyon?

"Fuck! Don't tell my brother that i know his fucking useless plan." Sa puntong iyon ay nalagot na talaga ang pasensya ng binata at lumabas na ang galit sa mukha nito. May namumuong pawis sa sintido nito at masama kung tumingin.

"Yes, Master."

Badass Genius! Where stories live. Discover now