Badass 9

97 5 0
                                    

Nine.

"Hindi ako makaka-uwi ngayon Ma, marami pa akong ginagawa!"

I winced at inis na napasipa sa hangin. Tangina lang, wrong timing naman lagi si mama e. Kung kailan may misyon ako saka tatawag at gusto akong pauwiin sa bahay.

"Kailangan mong umuwi ngayon, honey. Paano na ang gatherings natin with your fiancé's family?"

"Ma! Wala naman akong pake d'yan okay? Hindi ko na problema 'yan, kayo ang nag-arrange n'yan."

"Honey naman, minsan na nga lang kita pauwiin dito sa bahay tapos hindi ka pa uuwi?"

"Marami akong ginagawa Ma."

"You always say that! Bakit may ginagawa ka na naman bang kabulastugan ha? Mag-hanap ka na lang ng ibang trabaho berry, please."

"Hindi na kailangan Ma. Mas gusto ko ito, bye."

Ibinaba ko na ang tawag at inihagis ang cellphone sa ibabaw ng couch ko. Nakaka-inis talaga, badtrip.

Pumunta na lamang ako sa kwarto ko at agad na nahiga sa kama. Hindi lang din si mama ang problema ko, pati na rin ang president kuno. Namomroblema ako sa kanya dahil pinipilit n'ya ako na sumang-ayon na pumasok na agad sa isla, but i can't let that pass dahil kailangan ko pang matapos lahat ng entrance exam paper lalo na at iyon ang kailangan ni Montana.

"Dahil ikaw ang pangalawa sa nakakuha ng perfect score sa entrance exam test na pangalawang beses pa lamang na nangyayari sa kasaysayan ng Imperial ay nag meeting ang officials at napag-pasyahang pumasok kana agad sa isla."

Napa-maang ako sa sinabi ng lalaki sa aking harapan." Sorry Mr. President, but i can't accept your offer because that ain't fair."Iling iling na bigkas ko. Oo nga at hindi fair pero alibi ko lamang iyon para matabunan ang totoo kong rason, hindi ko iyon pwedeng sabihin dahil lahat ng misyon namin ay sekreto at kami kami lamang ang nakaka-alam at ang kliyente.

"For us that's fair Ms. Seinfeld, dahil ikaw pa lamang ang pangalawang tao na nakakuha ng perfect score lalo na at unang entrance exam pa lamang iyon."

"But that's not fair for me so my answer is no, i don't want to be unfair dahil lamang sa ako ang pangalawang tao na naka-perfect score sa first exam." Nailing na bigkas ko.

Ngumisi ito. "Is that your final answer Ms. Steinfeld? Marami ka namang makukuha na benefits pag tinaggap mo ang alok namin." I shook my head. "My decision is always the same."

"But, this is a good opportunity Ms. Steinfeld, sasayangin mo lang ba iyon?" Pamimilit nito sa akin kaya pasimple akong napa-irap. Seriously? Ano ba talaga ang mapapala n'ya pag napapasok n'ya ako sa isla? Tch.

"No, thanks but my decision is final, salamat na lamang ulit, aalis na ako." Tumayo na ako at lumapit na sa pinto, handa na sanang lumabas ng may hinabol pa s'yang sinabi.

"If you change your mind, pwede ka pa namang lumapit sa akin." Napa-iling na lamang ako at lumabas na mula sa silid.

"Berryyyyy!"

Napa-buntong hininga ako at mabilis na napa-bangon sa pagkakahiga ko. Taragis na king 'yan, hindi man lang mahiya at sumigaw pa ng pagkalakas lakas kalalaking tao.

Inis akong lumabas sa kwarto at lumakad papunta sa front door ng dorm ko bago iyon pabalag na binuksan at bumungad sa akin ang nakangiting pag-mumukha ni king.

"Ano ba?" Naka-simangot na tanong ko pero nginitian lamang ako nito at dire-diretsong pumasok sa dorm ko dahilan para lalo akong mainis.

"Fuck idiot! High ka ba?" Sinarado ko ang pinto at inis na sumunod kay king na ngayon ay naka-ngiti pa rin at nakaupo pa sa sofa ko.

"May good news ako berry." Ngiting asong anito kaya napa-irap ako at umupo sa katabi n'ya. "What?!"

"The president offered me something." Nakangising bigkas nito at nag taas baba pa ang kilay.

I tsk-ed. "May-offer ba s'ya na pumasok ka agad sa isla dahil naka-perfect ka sa exam?" Bored na tanong ko at kita ko ang gulat sa mukha nito. Well, my guess is right.

"Psychic ka pala berry?" Napa-irap ako sa tinanong n'ya. "Obvious naman kung ano ang in-offer sa'yo ng president na iyon dahil nag-offer na rin iyon sa akin." Ani ko habang nahilig sa sandalan ng sofa at itinaas ko ang paa ko sa may center table.

"Pumayag ka ba?"Umiling ako bilang sagot.

"Mabuti naman, pumayag kasi ako e."

Napamaang ako at mabilis na napatingin kay king. "What?! Why did you accept his offer?!" Salubong ang kilay na tanong ko.

"Charot. Ito naman 'di mabiro, syempre nag-iisip pa rin naman ako 'no." Anito sa pilyong boses kaya napa-irap ako at bumalik sa dati kong pwesto.

"Mabuti naman at naisip mo pa 'yon, test paper ang kailangan nating makuha ngayon, kailangan din nating makapasok sa University pero hindi pa naman ngayon."

"I know, pero alam mo na ba?" Kunot noo akong napatingin kay king.

"Ang alin?" Tanong ko. Mukha na siguro kaming mag-kumare na nagchichimisan dahil sa kadldalan ni king.

"Nakita na natin ang kambal ni Lucian."

"Sino?"Tanong ko because i don't have any hint at wala akong natatandaan na naka-encounter ko na ang kambal ng kliyente namin.

"Si Lucien Montana ang Imperial president..."

Badass Genius! Where stories live. Discover now