Badass 16

83 5 0
                                    

Sixteen.

"Since this is all your third examination day, alam n'yo na naman siguro ang mga patakaran natin 'di' ba?" Tanong ng aming instructor kaya sumagot sila at ako naman ay nananatiling tahimik at naka-tingin lamang sa unahan.

"Okay, president of this section, please, come in front." Anito kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya at ibinigay nito sa akin ang mga test paper at sinabi n'yang idistribute ko iyon kaya tumango na lamang ako at isa isa iyong ipinamigay sa mga ka-batch mate ko hanggang sa natapos ako.

"Okay, since nai-pamigay na sa inyong lahat, magsimula na kayong lahat dahil pagkatapos nito ay may iaanunsyo ako."

Tumungo ako at maiging tiningnan ang pahina at sunod sunod iyong sinagutan hanggang sa matapos ako. Hindi ko alam kung ano ang mahirap sa mga tanong na ito dahil wala naman akong nakikitang mali, lahat ng ini-exam namin ay talaga namang napaka-dali dahil itinuturo na talaga ito.

Nang matapos ako sa pagsasagot ay saglit akong ngumisi at inayos ang wristwatch ko bago iyon isabit sa palad ko pero bago ko kuhanan ng litrato ay tumingin muna ako sa paligid at nakahinga ako ng maluwag ng busy parin ang lahat sa kakasagot kaya kinuha ko ang t'yempo na iyon at pinindot ang button na nasa gilid ng wristwatch ko at napangiti ako ng marinig ko ang mahina nitong pag-click.

Wristwatch ngayon ang gamit ko dahil sa tingin ko mas madali ito, lalo na at naka-konekta ito sa printer ni king at diretso na agad ito sa pagiging isang test paper, ngayon lang nailabaa ang gadgets na ito dahil katatapos lamang gawin ni King at tini-test ko lamang, at kung pumalya man may pang back-up naman ako.

Habang busy ako sa pag-lipat ng pahina at pag-pindot sa button ay napatigil ako sa ika-limang pahina ng biglang magsalita ang aming instructor. "Remember, no cheating." I tsked at kinuhanan ang huling pahina bago ayusin ang pagkakasalansan ng aking test paper at itinalikod iyon bago sumandal sa lilod ng upuan.

"Okay, 20 seconds."

I yawned and massage my neck. Ito na pala ang ika-limang araw ko sa imperial at masasabi kong andaming nangyayari ngayong kakaiba, katulad ng sa grupo ni Aston na hindi ko alam kung sasali ba ako dahil may isa pa akong pino-problema.

Kailangan kong makuha ang book of knowledge, iyon ang librong pag-aari ng aming angkan at ninakaw iyon ng mga taga imperial. Kailangan namin iyong makuha dahil baka gamitin iyon ng mga imperial sa mga masasama nilang plano lalo na at naglalaman ang librong iyon ng mga iba't ibang eksperemento at mga sangkap.

"10."

Our instructor start to countdown at may biglang pumasok sa utak ko. Oh, alam ko na ang gagawin ko kay Aston, it's like hitting a two birds with one stone.

"5."

"4."


"3."

"2."

"1."

"Okay,times up. Pass the paper, finish or not." Tumayo ang aming instructor kaya ipinasa ko ang test paper ko hanggang sa makolekta na iyon lahat at itinabi sa isang gilid.

"As i said earlier, may iaanunsyo ako sa inyo." Seryosong bigkas ng aming instructor kaya biglang naging seryoso ang atmospera dito sa loob ng room.

"Lilipat na tayo sa kabilang building pero sa first floor pa rin tayo naka-locate, dapat maaga kayong papasok sa ikalawang araw dahil maaari kayong maiwan at baka hindi n'yo matukoy ang ating bagong silid-aralan." Anito kaya madaming nag-react at ang iba naman ay umangal, kesyo 'bakit aalis pa?' 'mami-miss ko ang room na 'to." I rolled my eyes at nanatili na lamang tahimik hanggang sa isang kamay ang nakakuha ng atensyon namin at iyon si Andrew.

"Bakit Andrew?" Tanong nng aming instructor kaya tumayo si Andrew.

"Bakit po kailangan pa nating lumipat? Malapit na naman po ang finals natin." Tanong ni Andrew kaya nag-sangayunan ang lahat, at napabuntong hininga ang instructor namin dahil doon.

"Hindi ko rin alam, pero masasagot din ang tanong natin, so, maari na kayong magsipag-balikan sa inyong dorm." Nagsi-tayuan na ang mga kabatch mate ko at lumabas na sila isa-isa. Nang makalabas na silang lahat ay tumayo na rin ako at handa na sanang lumabas ng tawagin ako ng aming instructor.

"Bakit?" I asked kaya tumiin ang tingin nito sa akin na hindi ko naman pinansin.

"Dalhin mo ito sa island Committee, alam mo na naman siguro ang office nila 'di' ba?" Tumango ako kaya napabuga ito ng hangin. "Good."

Binuhat ko ang ibinigay nitong test paper at ito ang sinagutan namin kanina. Tahimik lamang akong naglalakad at hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid at nakitang kakaunti na lamang ang pagala-gala ngayon, dahil siguro nagpapahinga na ang iba at mamaya pa ang exam ng iba.

I sigh bago lumiko sa dinadaanan ko hanggang sa maka-abot ako sa pinaka-dulong bahagi nitong pasilyo kaya pinasadahan ko ng tingin ang pinto at kulay silver ito.

Kumatok ako ng tatlong beses at ng marinig ko na pinapapasok na ako nito ay dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at pumasok sa loob at muling isinarado ang pinto bago tumingin sa unahan at napansing nakatalikod ang isang swivel chair.

"What do you need?" Pagka-tanong ng taong iyon ay humarap ang swivel chair sa akin at hindi ko maiwasang mapa-maang ng makita ko ang pamilyar nitong mukha.

"So, what do you want?" Muling tanong nito kaya pasimple akong napatikhim. Damn, that was embarrassing.

"Ibibigay ko lang ang third exam paper namin." Ani ko at lumapit sa table n'ya at inilagay iyon sa ibabaw.

"Is that so? What's your name?" Muling tanong nito at itinaas ang puti niyang buhok na sumasagi sa mga mata niya at hindi ko maiwasang masundan ang bawat galaw ng kanyang kamay. Damn! Muli akong napamaang ng mapatingin ako sa mukha nito at kita ko kung paano nito dilaan ang ibabang bahagi ng kanyang labi.

Putangina! Isn't that a crime?!

Muli akong tumikhin at inalis ang namumuong kamalmalan sa aking utak. "Berry Steinfeld." Ani ko kaya tumango ito at kinuha ang papel na nasa gilid ng table n'ya at isang ballpen bago s'ya may isulat doon.


"Section?"


"A-1."Maikling bigkas ko.

"Department?"


"1st year college."Bigkas ko kaya tumango ito at nagsulat muli sa papel bago iyon ilagay sa ibabaw ng mga test paper namin na inilagay ko sa ibabaw ng table n'ya.

"Okay, you can go now. Thank for bringing it here." Tumango na lamang ako at tumalikod na pero hindi naka-ligtas sa akin ang pag ngisi nito na ikinakunot ng aking noo.

Handa na sana akong lumabas ng muling mag-salita ang lalaki.

"By the way, i am Riyoski Yanagisawa. Nice meeting you, Ms. Steinfeld."





Badass Genius! Where stories live. Discover now