Chapter 4

233 7 0
                                    

THIRD PERSON POV***

Nagising si Gio Suin na wala sa tabi niya si Aezi. Ilang oras lang sya nakatulog siguro ay mga tatlong oras lang ang nakakalipas ng makatulog siya.

Si Aezi ay nagising ng di tumatagal ang tulog niya sa tarenta minutos. Nagtext kasi kay Aezi ang isang miyembro niya na kailangan siya ng lahat kaya dali dali siyang nagsuot ng puting kasuotan at nagsuot ng kapa na may mga balahibo. Sinuot niya rin ang kanyang kulay puting mascara na kumikintab kapag natatamaan ng sinag ng araw  o ilaw.

Bumangon na rin si Gio Suin sa kama at nagsuot na ng damit niya. Pinagmasdan niya ang kwarto ni Aezi na ngayon niya lang ulit napasok mula ng mag hiwalay silang dalawa. Napangiti siya ng makitang nasa mini table parin ni Aezi ang litrato nilang dalawa na kinuhaan noong unang anibersaryo nila.

Nag halungkat pa sya sa kwarto ni Aezi at napangiti ng makitang naroon pa lahat ng binigay niya noong sila pa.

Nagpasiyang umalis na si Gio Suin dahil baka maabutan pa siya ng ibang tao dito. Kahit na nagtataka siya kay Aezi kung bakit bigla itong nawala ay sinawalang bahala niya na lang.

Aezi Spotlight***

(Third person parin po ang nagsasalita dito huh? Kay Aezi nga lang po nakatutok)

Bumungad kay Aezi ang mga alagad niyang nakahandusay sa sahig at ang hari naman ay nandun sa sulok at nakatali na.
Napatingin sya sa dalawang prinsesa na hinang hina na dahil pinaparusahan ito ng kabilang grupo.

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon