Gio Suin POV***Nakatingin ako sa gawi ng mga WOLF habang sumisimsim ng alak sa baso.
Wala akong nakikitang kakaiba mula ng dumating ang Reyna ng WOLF. Sabi nila ay mamamatay ang lahat kapag nandyan siya? Eh bakit di pa ako patay at ang iba? Tsk!Nakita kong tumayo si Scarlet kaya napahinto ang lahat. Naglakad siya patungo sa pwesto namin kaya napasamid ako ng makita syang nasa harapan na namin ng ganun kabilis.
“K-Kayo pala S-Scarlet, bakit po kayo nandito?” tanong ni Fred na halatang kinakabahan.
Di siya nagsalita at umupo sa upuang bakante na sa tabi ko pa talaga!?
Kitang kita ko tuloy kung gaano ka ganda Ang Reyna ng WOLF. Siguro masarap siya. Tang'na!!!!
“Magkikipag inuman po ba kayo samin?” tanong ni Fred
Hindi nagsalita si Scarlet at kumain lang sya ng nakahandang pagkain roon sa mesa. May pumunta sa aming isang miyembro ng Blue Eagles at inabutan si Scarlet ng Tubig at yun ang naging inumin niya.
“Di ka iinom ng wine or kahit ano?” tanong ko at umiling sya.
“Nasusuka ako kapag uminom ako ng kahit anong may kemikal kaya tubig lang ako”. Ngayon ko lang narinig ang boses niya sa malapitan. Masarap sa tenga ang boses niya na nakakaakit.
(Iniiba po ni Scarlet (Aezi) ang boses niya kapag nakasuot sya ng Pang Wolf kaya wag kayong magtaka kung di siya nabobosesan ni Gio )
“Ah ganun ba? Bakit ka narito sa pwesto namin?” tanong ko pa
Kumain lang sya ng kumain at naubos niya ang pagkain niya ng ganung kabilis. Tumingin sya sa gawi ng pagkain kong di pa nagagalaw kaya binigay ko sa kanya.
Napangiti siya kaya humanga ako roon. Katulad kasi ng ngiti ni Aezi ang ngiti niya sa labi.
“Gutom na gutom ah” bulong ko sa kanya
Sinamaan niya ako ng tingin at saka nagpatuloy sa pagkain.
“Teka may dumi ka” pupunasan ko na ang labi niya ng naunahan niya na ko.
“Wag kang hahawak sa kahit anong parte ng katawan ko.... Dahil ikamamatay mo ito ” saka siya uminom ng tubig at nagtama ang mata namin.
“Ganun ba?” tanong ko at tumango siya
Kaya pala di siya nagpaalalay sa Hari ng Mga Wolf.
***
Aezi Salvador POV***
Pumunta ako sa pwesto nila Gio dahil sa tingin ko ay komprotable ako roon dahil kung sa WOLF ako nagstay ay baka mahawakan ako ng kahit sino roon at mamatay pa sila. Okay sana kung ibang grupo Ang mamatay kesa sa kanila kaya lumipat ako.
Nararamdaman kong nakatingin sa akin si Gio dahil pinagmamasdan niya ang buong parte ko kaya hinayaan ko siya.
Sigurado akong nasang nasa na siya sa akin kanina pa dahil napapakagat sya sa labi niya.
Kahit pala nakamascara ako ay sakin pa rin siya nagkakanasa at Siguro ay sapat na iyon para masabi Kong Mahal niya ako dahil halatang pinipigilan ni Gio na magkasala sya sa akin kapag ginawa niya sakin babaeng kaharap niya ang ginagawa niya sa akin... Di niya Alam ako rin ito HAHAHA kaya napapangiti na lang ako.“May jowa ka na?” mahina kong tanong kaya napatango siya
“Gaano siya kaganda” sambit ko
“Maganda siya... Simple lang syang babae at mabait pa pero minsan ay napapamura sya dahil sa inis sa akin. Kung pwede lang buntisin yun ay ginawa ko na para Kahit na mainis siya sakin ay sakin parin ang bagsak niya. Seryoso sya sa lahat ng bagay kaya yun ang nagustuhan ko sa kanya. Matalino sya at maaalalahanin. Mahal na mahal ko siya kaya kahit anong akit mo sakin hindi ako maaakit” seryoso niyang sabi habang nakangiti
“Good” nasabi ko dahil Ako pala ang maganda para sa kanya at aki lang ang nakakaakit sa kanya.
“Scarlet!” tawag sa akin ni Daile ng makalapit sya sa amin kaya napatayo ako at humarap sa kanya
“Bakit?” tanong ko
“Alis na tayo.... May narinig akong nagplano ang lahat ng gang na narito na patayin ka... Pati Ang hari mo ay kasabwat roon kaya umalis na tayo ngayon rin.” bulong niya sa akin at saka kami umalis na roon.
Sumakay kami ni Daile sa kotse niyang hinanda for Emergency. Naaninagan kong si Juliam pala ang magmamaneho.
Pinaandar ito ni Juliam na walang patawad. Nakarating kami sa condo ni Daile at doon kami nagstay para ligtas.
“Anong sabi mo? Pati si James pwede akong patayin?” tanong ko
“Oo Aezi! Alam namin ni Juliam iyon dahil usap usapan iyon nung ilang araw kang wala. Ang red Volt lang ang di nakakaalam ng plano ng Lahat dahil wala sila ng pagpupulong na iyon kaya parang wala lang sa kanila ang paglapit mo sa kanila. Si James ang nagplano na patayin ka dahil naghihinala siyang tinataksil mo siya. Alam mo namang patay na patay sayo yung James na yun kaya gusto at masolo ka niya!”
Napatingin ako kay Juliam na katabi ni Daile
“Alam mong ako si Aezi?” tanong ko
“Yup” sagot niya
“Kung ganun sino pa ang nakakaalam na ako si Aezi?” tanong ko
“Kami lang dalawa Aezi kaya wag kang mag-alala. Pero ang ayusin natin ngayon ay kunwari ay di mo alam na papatayin ka ni James at kumilos na ng normal okay?” sabi ni Daile sa akin
“Sige.” sagot ko
“Pinagpaplanuhan rin ng James mo ang pagpatay kay Gio. Maalin sa inyo ni Gio ang papatayin. Di ko lang Alam kung paano nila gagawin yun?” sambit ni Daile na nag aalala kaya inakbayan siya ni Juliam
“Anong James mo? Tsk! Di akin yun! Si Gio nandun pa siya? Paano yan?” nag aalala kong tanong
“Don't worry... May sapat silang tauhan para protektahan ang Gio mo” pagkasabi niya noon ay nakahinga ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
TruFake🌌❤
RandomIsang istorya na kung saan may halong pagpapakatotoo at may halong panglilinlang. peke kung bagà, Wag agad magtitiwala sa isang tao kung ayaw mo lang din naman masaktan. May katotohanan at Kathang isip lamang ang mababasa nyo. ito ay hango sa toto...