Chapter 7

209 7 0
                                    

Aezi Salvador POV***

Umuwi ako sa probinsya para bumisita kay Lola dahiil matagal na rin ng di ako nakabisita sa kanya mula ng tumira ako sa kamaynilaan.

One week vacation

Pahinga muna sa pag-aaral para kahit papaano ay marelax kami.
Hindi yan ng puro aral lang ang laging nasa utak. Kailangan din namin ng bakasyon para di kami mabaliw tsk!

“Apo!!! Kakain na!”. Pagtawag sakin ni Lolo Menandro ng makapaghanda na si Lola Elsa ng panghalian namin.

Pumunta na ko sa Hapag kainan at nandun na rin si Lyn. Apo din ni Lola Elsa. Hindi na siya nakakapagsalita dahil natrauma siya at naputulan din siya ng dila kaya kahit anong gawin mo ay di talaga sya makakapagsalita. Gang ang may gawa kung bakit di ko na naririnig ang tinig ng aking kapatid na si Aezi Lyn Salvador-Suin.

Napangisi ako dahil ngayon alam nyo na ang ibang detalyado. May nalalaman na rin kayo kahit papaano. Nararapat lang syang maputulan ng dila dahil isa syang taksil.

Tumabi ako sa kanya kaya napangiti sya. Ngayon lang ulit kami magkakasama ng kakambal kong ito. Bakit kasi parehas pa kami ng name? Kasalanan to ni Mommy dahil akala niya isa lang anak niya yun pala ay dalawa tsk!

Aezi Jadine Salvador ang Buong pangalan ko. Sa unahan lang kami magkaparehas ni Aezi Lyn.
Siya ang ina ni Azalea Suin. At ako lang ang nagpanggap na ina inahan nito.

“Kainan na”. Maligayang sabi ni Lola ng matapos ang pagdarasal.

Adobong manok ang ulam namin at saka sinigang. Alam ni Lola hindi ako kakain ng adobo dahil nahihilo ako pagnakain nun kaya ito at pinagluto niya ako ng sinigang na paborito ko.

Pinagsandok ako ni Lola ng pagkain ko habang si Lolo naman ay kumakain na. Si Lyn naman ay may sarili ng pagkain kaya kumakain na ito ng masagana. Di ko maisip na may panlasa pa kaya sya?

“Thanks la”. Sambit ko ng mabigyan na ko ng pagkain.

Kumain na rin kami ni Lola at ng matapos ay pumunta na ko sa garden niya dito sa hacienda ng mga Salvador. Kilala sila Lola Elsa dito sa probinsya kaya maraming tao ang nagmamahal sa kanila.

Pipitas na sana ako ng may kumuhit sa akin na agad akong napalingon sa likod ko at saktong pagharap ko ay napahidan ako ng putik sa mukha.

Gulat ang lalaking iyon sa ginawa niya

“Ah? Akala ko si Camille na kapatid ko... Sorry miss napagkamalan kita”, paghihingi niya ng pasensya dahil sa pagkakamaling nagawa.

Nakatopless lang sya at kita ko ang pawis na tumutulo sa kanyang noo at katawan. Matipuno siya at Matangkad na hanggang dibdib niya lang ako kung susukatin. Ang kilay niya ay medyo makapal na dumagdag sa kagwapuhan niya. Ang labi niya ay mapula at mamasa masa. Ang kanyang mata ay matalim kung makatingin sa akin.

“Ahm? Isa ka sa tauhan ni Lola?”, tanong ko kahit alam ko na naman ang sagot

“Yup. I'm Ethan and you are?” he introduce himself with a baritone voice

“I'm... Nicole... Aezi Nicole. I'm the granddaughter of Lola Elsa”. I smile to him and he clucked.

“By the way. I'm sorry for my mistake. ” and he smile at me

“It's okay”. Saka ako tumalikod na sa kanya para ipagpatuloy ang pagpitas ng bulaklak.

“You are familiar to me huh?”, sambit niya kahit na nakatalikod ako sa kanya.

Bastusan ang puta?

Humarap ako para di naman kabastos bastos.

“Familiar? Saan mo ko nakita?” tanong ko.

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon