Chapter 22:(THE PAST)

137 6 0
                                    

Daile Amisola POV***

Ilang araw rin akong di pumasok dahil sa kahihiyan na ginawa ko sa canteen kay Nicole. Tsk!

Pag pasok ko ay may kumpulan akong nakikita kaya nakipagsiksikan ako roon para makita ang pinag uumpukan nila.

Si Gio lang pala na may kinukwelyuhang babae.

“Hala! Kawawa naman si ate!”

Bakit kasi di sya tumitingin sa daan kaya ayan ang napala niya

Tulungan natin

“Wag na baka madamay tayo nuh

Bulungan nilang lahat

“BAKIT MO KO BINUNGGO?!” sigaw ni Gio dun sa babaeng nakabangs.

Masasabi kong ang ganda nung babae huh?

“Sorry... Di ko kasi masyadong makita ang daan..” mahinang sabi nung babae

“Pre! Tama na yan! Bitawan mo si Nicole! Kinuha ko yung salamin niya kaya di siya makakita ng maayos!” singit ni Juliam na hinahawakan ngayon ng mga barkada ni Gio sa dalawa nitong braso.

“Wag kang mangialam dito!” sigaw ni Gio kay Juliam

Sinamaan niya ng tingin si Nicole at saka dahan dahang inalis ang pagkakuwelyo rito at nakahinga si Nicole ng maayos.

“Sorr--” di na natuloy ni Nicole ang panghingi niya ng tawad dahil agaran siyang siniil ng halik ni Gio sa kanyang mapulang labi at papalag na dapat siya ng hawakan siya ni Gio sa kanyang batok at diniin pa ang halik.

Nakita kong nagwawala si Juliam ng makitang hinahalikan ni Gio si Nicole. Dahil roon ay nakawala si Juliam sa kapit ng mga barkada ni Gio at walang patawad na sinuntok si gio sa pisngi nito upang maudlot ang halikan sa pagitan ni Nicole at Gio

“Gago ka!” inis na sigaw ni Juliam at saka sila nagsuntukan ni Gio

Mas dumami pa ang nanonood sa labanang nagaganap. Nahagip ng tingin ko si Nicole na nakatulala at wala sa sariling umiiyak at nanginginig na sa kinatatayuan niya.

“T-Tama na! Tumigil na kayo! Baka mapatay niyo ang isa't isa!” saka sya humagulgol na kinabagsak niya sa damuhan at saka nawalan ng Malay dahil sa tindi ng pag iyak niya.

Kawawa....

“Nicole!” sabay na sabi ni Gio at Juliam at saka binuhat nila si Nicole papunta sa clinic.

Bakit ganun? Madaming nag-aagawan kay Nicole sa paaralan namin. At handa silang magpatayan para lang makuha ang loob ni Nicole? Ganun ba Talaga kalakas ang karisma niya?

                         ***

Pabilisin na natin.....

Nasa bicol ako ngayon dahil hinahabol ko ang mga gang na kumuha ng iba naming kagamitan. Umabot kami sa Madilim na kagubatan at dahil nakarinig ako ng iyak ng isang sanggol ay napahinto ako sa paghabol sa mga lapastangan

May tiyanak dito?!

Sinundan ko ang iyak at nawala.
Nakita ko ang isang babaeng umiiyak at napapalibutan na ng mga Red Volt. Lumaban siya pero Di niya yata nahalatang nakuha ang sanggol sa kanyang bisig kaya napatay ang sanggol na walang kamalay Malay.

Nainis ako sa mga red Volt kaya isa isa ko silang pinatamaan ng aking patalim na hawak hanggang ang prinsepe na lang ang natira at nakatakas pa.

Gulat ako ng si Nicole pala ito.

Mas pabilisin natin!

Pinutulan ko ng dila Ang kanyang kapatid dahil para sa akin ay sobrang nakakaawa si Nicole Dahil tinaksil siya ng kapatid niya. Dahil doon ay gusto ko na tuloy maging kaibigan si Nicole ng araw na iyon kahit na kaagaw ko siya kay Juliam.

Inanyayahan ko siyang sumanib sa amin pero ayaw niya. Tinakot ko siya pero Di pa rin tumalab. Nakipagkaibigan na lang ako sa kanya at saka ko siya inaya sa WOLF na lang pero ayaw niya din ngunit wala siyang nagawa ng nabihag niya ang puso ni James at ginawa sya nitong reyna. Ininsayo siya ni James sa paggamit ng mga armas pero dahil sa katalinuhan ni Aezi Nicole ay mabilis siyang natuto sa loob lang ng isang oras.

May labaratoryo rin sa loob ng WOLF place kaya sya ang nag imbento ng mga lason sa iba't iba nitong kakayahan. Sya lang ang nakakaalam ng mga formula nito. Nasa kanyang kamay rin ang pinakamatitinding lason na kapag natamaan ka nito ay isang Segundo lang ay patay ka na. Binigay niya sa amin ang mga pampahina at pangpatay na lason na abot sa isang araw bago ka mawalan ng buhay.

Nakita ko si Juliam at Nicole na may hawak na mga notebook kaya sinundan ko sila. Agad din silang lumabas sa office ng isa sa prof nila ngunit kinahina ko ang naganap sa kanilang dalawa.

Nakita ko lang naman na hinalikan sya ni Juliam.
Nakita kong umalma siya sa halik ni Juliam pero wala syang nagawa dahil malakas ito.

Nag usap na rin kami ni Aezi Nicole tungkol doon na gusto ko nga si Juliam kaya tumawa siya. Sabi niya ay di niya naman mahal o gusto si Juliam dahil iisa lang ang mahal niya at hindi yun si Juliam kaya napanatag ako.

Pinilit ko Si Juliam na sumali sa grupo namin pero nahirapan ako sa kanya. Kinulit ko siya ng kinulit pero Di pa rin siya sumanib. Pero isang araw ay nagulat ako ng pumunta sya sa condo ko at sinabing pumapayag na siya sa gusto kong sumali siya sa Black wolves na grupo namin.

Author notes: Dito sa chapter na itong ginawa ko ay para lang maliwanagan kayo sa lahat. Okay? Next chapter na yieeee excited na ko sa Ball nila!

Thanks for voting and commenting.

Enjoy❤

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon