Aezi Lyn Salvador-Suin POV***
Tatlong araw na rito si Aezi Nicole pero ganun pa rin ang trato niya sa akin kahit na napatawad niya na ako sa mga kasalanan ko. Masungit pa rin sya at minsan lang nakikipag-usap ng maayos. Lagi pa syang nagmumura pagnaiinis, ang malala ay malulutong ang pinakakawalan niyang mura.
Minsan nga ay napapatingin ako sa kanya at nag-aalala kasi bigla na lang syang nagwawala ng di namin malaman nila Lola Elsa. Pati si Lola Elsa ay aatakihin na sa puso dahil kay Aezi. Paborito kasing apo ni Lola Elsa si Aezi kaya ng malaman ni Lola Elsa na tinaksil ko si Aezi noon ay huntikan na kong mawalan ng mana at palayasin sa Mansion. Buti na lang at hindi natuloy dahil pumagitna si Aezi noon para protektahan ako sa kabila ng mga masasamang ginawa ko sa kanya.
Kinuhit ko si Aezi at padabog niya akong tinignan sa mata. Yung tingin niya parang walang mabasang emosyon roon. Ano kayang nasa isip nitong babaeng ito. Kapag nagsasalita sya di ko malaman kung alin ang totoo o hindi sa sinasabi niya.
“Ayos ka lang?”, Basa niya sa papel na inabot ko sa kanya
Kumunot ang kanyang noo at tumikhim muna para makasagot
“Yeah”, maangas niyang sagot.
Ngumiti ako at tumabi sa sofa na inuupuan niya. Humarap ulit sya sa Laptop niyang nakapatong sa hita niya. May mapa doon at isa lang ang naunawaan ko roon... Ang Red Volt.
Anong meron kay Aezi at inaaral niya lahat ng pasikot sikot sa Maynila? Ito ba ang dahilan kung bakit minsan nagwawala sya at Napagbubuntunan niya kaming lahat ng galit niya?
***
Aezi Salvador POV***
Nakakaasura! Puta!
Bakit kasi pabago bago ng lungga ang mga Red Volt? Yan tuloy pinag-aaralan ko na naman ang pasikot sikot ng lugar ng kamaynilaan!!! Tang ina! Bakit ba umalis sila sa lungga nila noon? Nakakagago naman si Gio!
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko dahil ang daming kaartehan ng Red Volt. Tsk!
Nilingon ko si Aezi Lyn sa tabi ko na nag-aalala ang tingin sa akin. Puta! Ayoko sa lahat yung may nag-aalala sa akin.
Sinarado ko ang laptop ko at tumayo na. Bumuntong hininga ako at saka naglakad papunta sa kwarto ko sa itaaas.
“Pakisabi kila Lola... Aalis na ko, may gagawin pa ko sa Manila kaya ikaw na bahala dito sa bahay nila Lola at alagaan mo sila habang NASA Manila ako. Di ako babalik dito habang di ko pa nagagantihan ang mga ulupong na miyembrong pumatay Sa pamangkin kong Si Azalea”.
Ramdam kong naguguluhan sya sa mga sinasabi ko pero wala syang magagawa kung anong desisyon ko sa buhay.
Umakyat na ko sa kwarto ko at nag-empake na ng mga gamit kong dadalhin sa Manila.
Ng maayos na ang lahat ng dadalhin ko ay naglakad na ko palabas ng kwarto. Nakita ko si Lola Elsa sa may sala. Siguro ay nalaman niya na ang tungkol sa pag-alis ko. Tsk!
Lumapit ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. Ng makuntento na ay umalis ako sa pagkakayakap niya.
“Alis na ko, ingat ka yo dito”, paalam ko at lumabas na ng bahay.
Sinakay ko na sa likuran ng kotse ko ang mga bagahe kong dala. At saka sumakay na sa loob at pinaandar ng mabilis ang sasakyan.
❤***🌌
“Nandyan na ang Queen!!!” sigaw ng mga alagad kong nasa gate na nagbabantay.
Nakamotorsiklo ako ng pumunta sa lugar ng WOLF dahil ayokong magasgasan ang kotse ko kapag sinalubong ako ng mga alagad ko.
As usual I wear a white clothes and mascara like what I said last time.
Pinarada ko ang motor ko sa isang tabi at Mabilis na pumasok sa loob. Nadatnan ko si James (King) na nagpupulong sa ibang miyembrong baguhan pa lang.
Nandun din si Daile sa tabi niya at kumunot ang noo ko ng may katabi siyang lalaki na nakamascarang itim at purong itim lang din ang suot katulad ni Daile. Nasilayan ko ang ngisi ni Daile dahil nagtagumpay sya sa pagpapasali kay Juliam sa grupo nila. Tinanguhan ko sya.
“James!” sigaw ko kaya napahinto sya sa sinasabi niya.
Taka syang napatingin sa gawi ko“Akala ko sa lunes ka pa Uuwi dito?”,tanong niya
“Yup, pero Ikaw itong Loko! Bakit kasi nagbakasyon Ka rin habang nagbabakasyon rin ako! Gago ka pala eh! Kung umalis ako at umalis ka rin Edi walang mamumuno sa WOLF kaya dali dali akong bumalik rito tsk!” sumbat ko na kinatawa niya
Sinipat ko ang layo niya sa akin at saka hinagis sa kanyang direksyon ang aking karayom na lumabas sa aking porselas na puti. Gulat syang napatingin sa akin pero agad kong napigilan ang sarili ko kaya sinundan ng sinulid ang karayom na papunta sa gawi niya at bumagsak ito sa sahig.
“Kala ko mamamatay na ko”, nakahinga sya ng maluwag dahil naawa pa ko sa kanya.
Napatawa si Juliam at napangiti naman ng maangas si Daile
“Grabe Scarlet!!! Pati sarili mong king papatayin mo? Huhuhu so sad para sakin kasi papatayin mo rin pala ako”. Nag iinarte niyang Sambit
“Kung di ako nagkakamali ay nalaglag mo ang ilan sa sinulid mong gamit sa paaralan namin kung kaya't may nakadampot dito na babaeng kaklase ko at ginamit sa akin dahil akala niya ordinaryong sinulid lang pero may epekto ito sa tao”, seryosong sabi ni Juliam. Di niya parin pala alam na ako ang babaeng tinutukoy niya. Wews
“Tsk! Dahil sa pagbabakasyon natin di natin natutukan ang kilos ng Red Volt kaya ayun nakalipat sila ng lungga nila”. Inis kong sambit.
BINABASA MO ANG
TruFake🌌❤
RandomIsang istorya na kung saan may halong pagpapakatotoo at may halong panglilinlang. peke kung bagà, Wag agad magtitiwala sa isang tao kung ayaw mo lang din naman masaktan. May katotohanan at Kathang isip lamang ang mababasa nyo. ito ay hango sa toto...