Chapter 21:(THE PAST)

145 5 0
                                    


Daile Amisola POV***

Nakatingin ako sa bintana ng silid aralan namin dahil hinihintay ko na dumaan ang lalaking gustong gusto mula Elementarya pa lang ako.

Napangiti ako ng makita syang dumaan na may kasamang mga kaklase na nagkukwentuhan pero siya lang ang namumukod tanging hindi nakikipagtawanan at usapan sa kanilang lahat dahil nakatutok lang sya sa dinadaan nila at may makapal na librong hawak sa bisig niya.

Inayos niya ang makapal niyang salamin dahil lumalaylay na ito. May nakita akong lumapit sa kanilang babae kaya napatigil sila.

Yes!!! Matagal tagal kitang matititigan Juliam HAHAHA thanks sayo girl! T-Teka!? No way! Bakit sya lumalapit sa asawa ko!? Ay kay Juliam pala!?
Patayan na lang! Akin yan eh!

Di ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil masyadong malayo sila sa inuupuan ko kaya malamang ay di ko talaga maririnig ang nga tinig nila.

Nakita kong napangiti ang babae Dahil sa sinabi ni Juliam. May nakita rin akong lumitay na ngiti sa labi ni Juliam na ngayon ko lang nakita. No!!!!! Bakit nagawa ng babaeng yun ang pangitiin si Juliam ng ganun lang kadali?

“Good morning class ” bati ng guro namin kaya napaiwas ako ng tingin sa kanila.

Pagkaupo namin pagkatapos bumati sa guro ay nakaalis na pala sila kung saan sila nakatayo kanina nung nag-uusap usap.

Hayss

                           ***

Grabe ang talino nung transfer student sa section 1”

Balita ko ay nahihigitan niya si Juliam sa klase

Oo nga sis! Baka matalo niya ang Juliam natin!?”

“Okay lang yun girl. Ano ka ba? Kaya ayoko sa section 1 eh kasi puro panglalamang ang nasa isip

Ay oo nga sis. Mas mabuting napunta tayo sa mababang section kasi dito mga tunay ang tao”

Maganda ba yung transfer student? ”

“Oo maganda kahit na may makapal rin na salamin sa mata katulad ni Juliam

“Bagay sila

Oo bagay talaga sila! Yieeee sana magkatuluyan sila!”

Matalino silang dalawa kaya ayos sakin kung Sila ang magkakatuluyan balang araw deba Daile?”

Usap usapan nila dito sa silid aralan namin kaya tumango na lang ako kahit na nasasaktan sa mga sinasabi nila.
Sinisikap ko rin naman maging section 1 pero Di ko talaga kaya.
Bagay ba silang dalawa?

Nagtilian ang mga kaklase ko ng pumasok sa room namin si Juliam kasama ang isang babaeng nakasuot ng makapal na salamin na inayos pa ng kaunti para magandang tignan.
Ngumiti siya at saka nagbow na bilang bigay galang sa amin.

“Hello Schoolmates” seryosong bati ni Juliam kaya bumati kami sa kanya pabalik upang di maging bastos sa kanya

“Kami muna ang inatasan na magturo sa inyo ngayong araw dahil lumiban ang guro niyo sa kadahilang nagkasakit ito kaya nagpapagaling para makapasok rin agad agad sa susunod na araw” sabi niya kaya napalungkot ang iba.

Pinagmasdan ko ang babaeng nasa tabi niya. Medyo matangkad ako sa kanya kung susukatin. Ang buhok niya ay umaalon alon dahil sa hanging nakakapasok sa silid namin. Ang pangangatawan niya ay maganda, hubog ng katawan niya ay katulad ng mga modelo. Bagay ang uniporme namin sa kanya dahil maganda siyang magdala ng damit. Ang mata niya ay maamo at halatang masayahin siya dahil lagi siyang nakangiti na nakakaginhawa sa pakiramdam. Mapula ang kanyang labi na natural lang. Wala syang kolorete sa kanyang mukha pero sobrang ganda niya kahit di na mag-ayos pa. Walang wala ako kapag siya ang kalaban ko kay Juliam dahil maganda na nga...matalino pa.

Nagturo silang dalawa ni Juliam.
Nicole pala ang pangalan niya dahil yun ang naririnig kong tawag sa kanya ng mga kaklase ko kapag nagtatanong o sumasagot. Minsan ay napupuna kong nakatitig sa kanya si Juliam habang nagtuturo ito.

Wala akong naintindihan sa tinuturo nila dahil broken ako tsk!

                          ***

Nasa canteen kami ng mga kaibigan ko ng makita Kong bumili ng orang juice si Nicole at nakipagtawanan pa sa tindera roon. Bakit kasi dumating ka pa ditong Nicole ka!? May kaagaw tuloy ako kay Juliam! Kainis!

Dahil di ko napigilan ang sarili kong inis ay pumunta aki sa gawi niya at taka siyang napatingin sa akin pero napaltan ito ng ngiting totoo. Nakakainis!

“Bakit po? Anong kailangan nyo?” mahinhin niyang tanong sakin

“Ikaw si Nicole na transfer student sa Section 1 tama?” pagtatanong ko

“Tama po kayo” sagot niya

“Bakit ka nagtransfer pa rito?” pabalang na tanong ko na kinagulat niya

“Ahm.. Para po mag-aral?” patanong niyang sagot

“Kinakausap kita ng maayos” maangas Kong sambit

Natigil ang pag uusap namin dahil inaabot na sa kanya ang binibili niyang juice pero bago niya makuha iyon ay kinuha ko na at saka binuhos sa mukha niya na kinagulat ng lahat sa canteen.

“Bakit mo ko binuhusan!?” inis na sabi niya

Ganyan nga lumalabas rin ang tunay mong katauhan.

“Simple lang.... Mang-aagaw ka” sambit ko.

“Mang-aagaw?” inosente niyang tanong at saka pinunasan ang kanyang mukha at damit gamit ang panyo niyang puti na may burdang bulaklak na Rosas roon.

Sasampalin ko na siya ng may pumigil roon. Napatingin ako sa lalaking iyon at laking gulat ko ng si  Juliam iyon.

“Anong karapatang mong ganyanin siya?” malamig niyang tanong sa akin kaya natulala ako.

“Wala kang karapatang gawin yan sa kanya!” sigaw niya sa pagmumukha ko at hinila si Nicole paalis ng canteen.

Dinaluhan ako ng mga kaibigan ko dahil ng lalambot na ko sa kinatatayuan ko

“Hala ka girl! Bakit mo kasi ginawa yun kay Nicole”sabi nila

“Ano bang meron dun sa Nicole na yun at naagaw niya ang atensyon ni Juliam?” inis kong tanong

“Maganda kasi saka matalino...mabait din” sabi nila at inalalayan akong umupo sa upuan namin.

“Baka nga Magjowa yun eh” pahabol nilang sabi kaya nalungkot ako

TruFake🌌❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon