Aezi Salvador POV***
Nagising akong walang sa tabi ko si Gio. Siguro ay umalis na siya bago pa ko magising. Nakahanda na rin ang umagahan ko.
Mabilis akong pumunta sa palikuran at naligo na. Pagkatapos ay nagdamit na ako ng pangpasok. Friday na naman eh kaya sigurado akong kaunti lang ang gagawin ngayon sa paaralan kaya di na ko magdadala ng extra damit.Kinain ko ang hinandang pagkain ni Gio para sa akin at Para sabihin sa inyo.... Arte ko lang yung kagabi nuh?
Napangisi ako ng di ko maisip ng lubos ang kagagahan kong pag Arte. Azalea tsk!Nagsipilyo na ko ng matapos akong kumain at kinuha ang aking bag saka umalis na sakay ng taxi pinara ko. Di ko ginagamit ang motor ko kapag di emergency kaya taxi lang muna.
***
“Aezi!!!!!!”. Sigaw ng teacher kong paborito akong sermonan pero sa ngayon ay di siya manenermon kasi tinawag niya lang naman ako para ipabuhat ang mga notebook ng kaklase ko papunta sa office niya. Tsk!
Dinampot ko na ang mga notebook nila ng may tumulong na naman sa akin. Tsk! Si Juliam na naman?
“I know you need my help baby...” sabay kindat niya sa akin at nauna na sa pagpunta sa office.
Tulala akong naiwan at inayos ang salamin ko.
Sumunod na rin ako sa kanya at naabutan ko siya. Sabay kaming naglakad papunta sa Office ni Ms. Alba.
“Dito nyo na lang ilagay”. Utos ni Ms. Alba sa may desk niya.
Nilagay ko roon ang mga notebook ganun din si Juliam.
Napansin kong may hikaw pala sa tenga si Juliam dahil kuminang ito ng masinagan ng liwanag.Napansin niya atang nakatingin ako doon kaya sinungitan na naman ako. Nauna siya sa paglabas kaya ito para akong asong sumusunod sa kanya.
“May hikaw ka pala...”. Pambasag ko sa katahimikan.
“Oo nakita mo naman deba?”. masungit niyang sagot.
“Sungit! Ah?” tinulak niya ako pasandal sa pader at kinulong ng dalawa niyang bisig.
“Kilala mo si Daile tama?”, nakakakilabot niyang tanong.
“O-Oo.. Best friend ko siya bakit?”. Nauutal kong tanong sa kanya. Napatango naman siya. Pero nagulat ako ng nilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya halos maduling na ko sa lapit niya.
“Alam mo bang siya ang Reyna ng Black Wolves?”, nangangaliting tanong niya.
“Hindi”. Pagsisinungaling ko
“Tsk!”. Unti unti siyang lumayo sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag pero di ko inaasahan na sisiilin niya agad ako ng halik.
Napakapit ako sa laylayan ng damit niya. Pilit ko siyang tinutulak pero ang lakas niya.“Ganyan kasarap deba? Ang makipaghalikan sa kaaway mo?”, umigting ang panga niya ng tanungin ako ng ganun. Tumigil sya sa paghalik sa akin.
Gulat akong napatingin sa kanya. Paano niya nalaman? Nakita niyang nag-ano kami ni Gio?
“Siguro ay nagtataka ka kung paano ko nalaman. Simple nakita kong naroon sa loob ng condo mo si Gio dahil magkatapat lang ang kwarto natin. Nakarinig ako ng kaluskos noong gabi kaya naistorbo ako sa pagtulog ko at lumabas ng kwarto at nakitang pumasok sa condo mo si Gio. Sumilip ako sa siwang ng pintuan dahil naiwan itong nakabukas ng kaunti. Nakita ko rin kung paano mo nasalag ang patalim niyang hinagis. At nakita ko ring..... Nagsex kayo. Pero don't worry Ms. Salvador. Di ako madaldal.”. Nakangisi siya at bumuntong hininga.
Patapon niya na naman akong tinignan. Bakit ganyan siya makatingin sakin?
“Bakit mo ko hinalikan?”, tanong ko at napaiwas ng tingin sa kanya
BINABASA MO ANG
TruFake🌌❤
RandomIsang istorya na kung saan may halong pagpapakatotoo at may halong panglilinlang. peke kung bagà, Wag agad magtitiwala sa isang tao kung ayaw mo lang din naman masaktan. May katotohanan at Kathang isip lamang ang mababasa nyo. ito ay hango sa toto...